Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 14: Isang Kristiyano, Naging Baldado Dahil sa Di-makataong Pagpapahirap ng CCP
Noong 2018, naglunsad ang CCP ng serye ng mga espesyal na operasyon ng panunupil na pumupuntirya sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gaya ng "100-Araw na Labanan" at "Operasyong Kulog." Ang mga Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa buong bansa ay patuloy na isinailalim sa mga pag-aresto, paghalughog sa bahay, pagpapahirap, at pagbi-brainwash. Ayon sa hindi kumpletong estadistika, noong 2018 lamang, hindi bababa sa 11,111 na tao ang inaresto; hindi bababa sa 685 ang isinailalim sa iba't ibang anyo ng pagpapahirap o sapilitang pagbi-brainwash; 392 ang nasentensiyahan ng pagkakakulong; at hindi bababa sa 20 Kristiyano ang inusig hanggang sa mamatay. Si Liu Zhi (alyas) mula sa Ningbo, Lalawigan ng Zhejiang, ay isa lamang sa maraming Kristiyano na dumanas ng ganoon katinding pag-uusig. Noong Setyembre 18, 2018, biglang inaresto si Liu Zhi ng mga pulis. Habang iniinteroga siya, matatag na tumanggi si Liu Zhi na pumirma sa "Tatlong mga Pahayag" at isinailalim sa patuloy na pagpapahirap at marahas na pagbi-brainwash ng mga pulis ng CCP, at nasentensiyahan ng 6 na taong pagkakakulong. Sadistiko pa ngang inudyukan ng mga pulis ang ibang mga nakakulong na itusok nang malalim ang isang pantusok na kawayan sa ari niya at paulit-ulit at halinhinang itaas sa kanyang ulo ang bawat binti ni Liu Zhi, pinapahirapan siya sa pamamagitan ng sapilitang pag-unat sa mga litid niya. Dahil dito ay halos tuluyan siyang nabaldado at hindi na makalakad nang normal. Sa episode na ito, ibabalita namin ang tunay na mga karanasan ni Liu Zhi ng pagkabaldado dahil sa pagpapahirap.
00:22 Mga Tampok na Bahagi
04:27 Biglang Inaresto si Liu Zhi at Isinailalim sa 22 Araw ng Marahas na Pagbi-brainwash sa Isang Sentro ng Detensyon
07:37 Inilipat si Liu Zhi sa Isang Hotel, Kung Saan Naghalinhinan ang Ilang Pulis sa Pag-interoga sa Kanya sa Ilalim ng Pagpapahirap
12:38 Para Pilitin si Liu Zhi na Talikuran ang Kanyang Pananalig, Isinailalim Siya ng mga Pulis sa mga Pagpapahirap na Gaya ng "Inihaw na Buong Tupa" at Pang-aabusong Seksuwal
19:49 Binigyan si Liu Zhi ng Mabigat na Sentensiya na Anim na Taon; Ginamit ng mga Guwardiya ang Pagpapababa ng Sentensiya para Udyukan ang mga Bilanggo na Humanap ng mga Paraan para Pahirapan Siya
27:53 Paulit-ulit na Isinailalim si Liu Zhi sa Sapilitang Pag-unat ng mga Litid sa Binti at Nakahihiyang Pagpapahirap, Dahilan para Siya ay Mawalan ng Malay
38:03 Tuluyan nang Pinalaya si Liu Zhi, pero ang Matagalang Kalupitan ng CCP ay Nagdulot sa Kanya ng mga Kapansanan sa Kanyang Kanang Mata at sa Parehong Binti
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.