Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 12: Lider ng Iglesia, Pinahirapan Hanggang sa Mamatay 9 na Araw Pagkatapos Arestuhin
Noong 2020, habang mabilis na kumakalat ang pandemyang COVID-19 sa buong mainland China at naghirap ang mga tao sa gitna ng pagkataranta at pagkabalisa, wala talagang naging pakialam ang CCP kung mabubuhay man sila o mamamatay. Sa halip, pinatindi pa nito ang pagsupil at pag-uusig sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naglunsad ng isang tatlong-taong kampanya na "Kabuuang Digmaan" (Setyembre 2020 hanggang Disyembre 2023). Kasunod nito, maraming Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang inaresto at isinailalim sa malupit na pagpapahirap. Inusig pa nga ang ilan hanggang sa mamatay. Ayon sa hindi kumpletong estadistika, hindi bababa sa siyam na Kristiyano ang inusig hanggang sa mamatay noong 2021. Isa sa kanila si Du Mingwei (alyas), isang Kristiyano mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Lalawigan ng Sichuan. Palaging malusog, masayahin, at optimistiko si Du Mingwei, pero pinahirapan siya ng mga pulis hanggang sa mamatay siyam na araw lang pagkatapos siyang arestuhin. Gayumpaman, iginiit ng mga pulis na "nagbigti siya gamit ang isang charging cable ng cellphone." Kapani-paniwala ba ito? Walang naniniwala rito. Ano ba talaga ang naranasan ni Du Mingwei sa huling siyam na araw ng buhay niya? Kamakailan, kinapanayam ng aming tagapag-ulat ang isang Kristiyanong inarestong kasama niya, pati na rin ang pamilya niya. Sa pamamagitan ng mga salaysay nila, ibubunyag natin ang katunayang itinago ng CCP.
00:22 Mga Tampok na Bahagi
02:44 Inaresto si Du Mingwei Habang Nagtitipon Kasama ang mga Kapatid
07:12 Ilang Araw Pagkatapos Dalhin sa Hotel, Namatay si Du Mingwei, at Inabisuhan ng mga Pulis ang Pamilya Niya
21:23 Pumunta ang Pamilyang Du sa Punerarya, Kung Saan Labis Silang Nagdalamhati Pagkakita sa Bangkay ni Du Mingwei
24:15 Bago ang Kremasyon, Napansin ng Bayaw ni Du Mingwei na si Zhang Jie ang mga Bakas sa Leeg Niya at Nahinuhang Hindi Siya Nagpatiwakal
26:34 Mahigpit na Binantayan ng mga Pulis ang Pagbibiyahe ng Abo Niya at ang Libing Mula Umpisa Hanggang Dulo
28:45 Kahit Pumanaw na si Du Mingwei, Patuloy na Pinagbantaan, Minanmanan, at Inusig ng mga Pulis ang Pamilya Niya
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.