Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?

Nobyembre 25, 2022

Sa Kapanahunan ng Kautusan, para matulungan ang mga tao na mamuhay nang wasto sa lupa, ginawa ng Diyos na si Jehova ang Kanyang gawaing maglabas ng kautusan. Kaya naniwala ang mga Israelita na kapag nagawa na ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan, kailangan lang nilang sundin ang kautusan at ligtas na sila, at kapag dumating ang Mesiyas, tuwiran silang iaakyat sa kaharian. Gayunman, nang dumating ang Panginoong Jesus para ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng pagtubos, nakipagtulungan ang mga Judio sa pamahalaang Romano at ipinako Siya sa krus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, inakala ng mga tao na sa pagtubos ng Panginoong Jesus, napatawad na ang kanilang mga kasalanan at ligtas na sila, nang tuluyan, kaya dapat silang tuwirang iakyat sa kaharian pagbalik ng Panginoon. Sa mga huling araw, nagbalik na ang Panginoong Jesus bilang Makapangyarihang Diyos, na nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol para lubos na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Muli Siyang ipinapako sa krus ng relihiyosong mundo na kaalyado ng rehimen ni Satanas. Bakit tinatanggihan at kinokondena ng sangkatauhan ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos? At bakit kailangang isagawa ang Kanyang gawain ng pagliligtas sa tatlong yugto? Gagabayan kayo ng kabanatang ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya na hanapin ang katotohanan at matagpuan ang sagot.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin