Tagalog Christian Song With Lyrics | "Kapag Dumating ang Araw ng Diyos"

Marso 7, 2022

I

Karamiha'y may kondisyon sa paglilingkod sa Diyos:

Wala silang pakialam kung Siya ma'y Diyos o tao,

pinag-uusapan lamang nila ang sarili nilang mga kundisyon

at hinahangad ang sarili nilang pagnanasa.

Nagtatrabaho kayo para sa Kanya, tapos humihingi ng bayad,

kahit pagtakbo lamang, nagpapabayad pa.

Nagbibigay kayo sa iglesia pagkatapos ay humihingi ng kabayaran.

Kahit yaong pinakitunguhan na ng Diyos ay naniningil din.

Oh, ito ang dakila at matayog ninyong pagkatao.

Ang mainit ninyong konsensiya ang nagdidikta ng ganitong mga pagkilos.

Nasaan ang inyong katinuan? Nasaan ang inyong pagkatao?

Sa araw ng pagtalikod ng Diyos, mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin na pumukaw sa Kanyang poot.

II

Parurusahan Niya lahat ng sa Kanya'y tumalikod at sumumpa

sa nagniningas na apoy ng Kanyang galit,

yaong mga kumain at namuhay na kasama Niya

ngunit uminsulto at nagkanulo sa Kanya.

Oo, yaong mga pumukaw ng Kanyang galit

ay magdurusa sa mabagsik Niyang parusa,

kasama ng mga halimaw na nag-akalang Siya'y kanilang kapantay,

subalit 'di sumamba o sumunod sa Kanya.

Sa araw ng pagtalikod ng Diyos, mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin na pumukaw sa Kanyang poot.

III

Yaong mga hayop na nasiyahan sa Kanyang pangangalaga't mga salita

at minsang sinubukang sunggaban ang materyal na kasiyahan mula sa Kanya,

Sila'y hahampasin Niya ng Kanyang pamalo.

Wala Siyang patatawarin ni isa man sa kanila sa pagtatangkang agawin ang lugar Niya.

Wala siyang patatawarin sa sinumang sumubok sumunggab

ng pagkain at kasuotan mula sa Kanya.

Sa araw ng pagtalikod ng Diyos, mamamatay kayo,

nilayuan ng liwanag, darating ang kadiliman.

Pagdating ng Kanyang araw magpapaulan Siya ng apoy

sa mga masuwayin na pumukaw sa Kanyang poot, Kanyang poot.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin