Tagalog Testimony Video | "Upang Makapamuhay Nang May Dignidad, Mamuhay Nang May Pagkamatapat"

Agosto 21, 2025

Isang Kristiyanong nagngangalang Meredith ang nagtatrabaho bilang kahera sa isang malaking supermarket. Noong una, dahil sa kakulangan niya sa karanasan sa trabaho, madalas siyang magkamali sa mga kuwenta kapag maraming kostumer. Dahil dito, madalas siyang napapagalitan ng kanyang boss at humarap pa sa posibilidad na matanggal sa trabaho. Isang katrabaho ang nag-udyok sa kanya na dayain ang mga talaan ng kuwenta. Para mapanatili ang kanyang trabaho, sumunod siya, pero sa hindi inaasahan, mas lalo pang dumami ang nagawa niyang pagkakamali, kaya pakiramdam niya ay malapit na siyang bumigay. … Sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga salita ng Diyos, napagtanto niya na ang kanyang panlilinlang at pandaraya para sa kapakanan ng pansariling interes ay kawalan ng integridad at dignidad, na naging dahilan para kamuhian at kasuklaman siya ng Diyos, kaya nanalangin siya at nagsisi. Nang magpasya siyang isagawa ang katotohanan at maging isang taong matapat, unti-unti niyang nabawi ang nawalang pera. Pagkatapos nito, nagtuon siya sa pagiging matapat sa kanyang trabaho at, sa paglipas ng panahon, nakamit niya ang tiwala at paggalang ng kanyang boss, at muling natamo ang kanyang dignidad bilang isang tao.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin