Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 18

Mayo 31, 2020

Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi maging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehova ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kaya sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin