
Christian Dance | "Ang mga Salita ng Makapangyarihang Diyos ay Pinakamahalaga" | Praise Song
Abril 9, 2025
I
Ang Diyos ay nagkatawang tao para gumawa,
at nagpapahayag Siya ng mga katotohanan para iligtas tayo.
Kumakain, umiinom, at nagtatamasa tayo ng mga salita ng Diyos araw-araw,
at lubos tayong natutustusan dito.
Sa paghatol, pagkastigo, at pagpupungos,
nakikilala natin ang ating sarili.
Ang ating mga tiwaling disposisyon ay nalinis,
at unti-unti tayong pumapasok sa mga katotohanang realidad.
Salamat sa Diyos para sa paggawa Niya sa gitna ng tao
at sa pagkakaloob sa atin ng mga walang kasinghalagang katotohanan.
Kapag nahaharap sa mga paghihirap, hinahangad natin ang katotohanan,
at may landas tayo ng pagsasagawa sa lahat ng bagay.
Ang pag-unawa sa katotohanan ay nagpapalinaw sa puso na parang salamin,
pinahihintulutan tayong kilatisin ang tunay sa huwad at tama sa mali.
Sa pamumuhay sa mga salita ng Diyos, tayo ay maprinsipyo.
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pinakamahalaga.
II
Sa pagsasagawa at pagdanas ng mga salita ng Diyos,
naunawaan ko na ang maraming katotohanan.
Sa pagninilay sa aking mga kilos at asal,
nakikita ko ang katotohanan ng aking katiwalian.
Nakararamdam ako ng pighati at pagsisisi sa harap ng Diyos;
sa pagtanggap ng paghatol, nababago ako.
Ang lahat ng piging na inilatag ng Diyos ay kahanga-hanga,
at sa pagdanas ng pagdurusa, lumalago ang aking tayog.
Iniligtas ako ng paghatol ng Diyos,
at walang katapusan ang pasasalamat ng puso ko sa Kanya.
Ang pagmamahal ng Diyos ay labis na tunay at totoo,
at susuklian ko ang pagmamahal Niya sa pagtupad nang maayos sa aking tungkulin.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para mangaral ng ebanghelyo,
at sa paglalaan ng aking kabataan, hindi ako magkakaroon ng mga panghihinayang.
Sisikapin kong hangarin at kamtin ang katotohanan.
Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay pinakamahalaga.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video