Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 114

Disyembre 12, 2020

Nagiging tao lamang ang Diyos upang pamunuan ang kapanahunan at simulan ang bagong gawain. Kinakailangan ninyong maunawaan ang puntong ito. Ibang-iba ito sa tungkulin ng tao, at talagang magkaiba ang dalawa. Ang tao ay nangangailangan na malinang at magawang perpekto sa loob ng mahabang panahon bago siya maaaring magamit upang isagawa ang gawain, at ang uri ng pagkatao na kinakailangan ay may napakataas na antas. Hindi lamang dapat mapanatili ng tao ang pakiramdam ng normal na pagkatao, kundi dapat mas lalo pa niyang maunawaan ang maraming prinsipyo at patakaran ng pamamahala ng kanyang pag-uugali kaugnay sa iba, at higit pa rito ay dapat mangakong lalo pa siyang mag-aaral tungkol sa karunungan at kaalaman sa etika ng tao. Ito ang nararapat na ipagkaloob sa tao. Gayunman, ito ay hindi para sa Diyos na naging tao, dahil ang Kanyang gawain ay hindi kumakatawan sa tao o sa gawain ng tao; sa halip, ito ay isang tuwirang pagpapahayag ng kung ano Siya at isang tuwirang pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. (Natural, isinasagawa ang Kanyang gawain sa angkop na panahon, at hindi lang basta-basta at sapalaran, at sinisimulan ito kapag oras na para tuparin ang Kanyang ministeryo.) Hindi Siya nakikibahagi sa buhay ng tao o gawain ng tao, iyon ay, ang Kanyang pagkatao ay hindi binigyan ng alinman sa mga ito (bagaman hindi ito nakakaapekto sa Kanyang gawain). Tinutupad Niya lamang ang Kanyang ministeryo kapag oras na para gawin Niya ito; anuman ang Kanyang katayuan, ipinagpapatuloy Niya lamang ang gawain na dapat Niyang gawin. Anuman ang alam ng tao sa Kanya at anuman ang opinyon ng tao sa Kanya, ang Kanyang gawain ay lubos na hindi naaapektuhan. Halimbawa, nang isinagawa ni Jesus ang Kanyang gawain, wala talagang nakakilala kung sino Siya, ngunit ipinagpatuloy Niya lamang ang Kanyang gawain. Wala sa mga ito ang nakahadlang sa Kanya sa pagsasagawa ng gawain na kinakailangan Niyang gawin. Samakatuwid, hindi muna Niya inamin o ipinahayag ang Kanyang sariling pagkakakilanlan, at pinasunod lamang Niya ang tao sa Kanya. Natural na hindi lamang ito pagpapakumbaba ng Diyos, ito rin ang paraan kung saan ang Diyos ay gumawa sa katawang-tao. Sa ganitong paraan lamang Siya maaaring gumawa, dahil ang tao ay walang paraan na makilala Siya sa pamamagitan ng mata lamang. At kung nakilala man Siya ng tao, hindi rin makakatulong ang tao sa Kanyang gawain. At saka, hindi Siya naging tao para makilala ng tao ang Kanyang katawang-tao; ito ay upang isagawa ang gawain at tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa kadahilanang ito, hindi Niya binigyang kahalagahan na isapubliko ang Kanyang pagkakakilanlan. Nang natapos na Niya ang lahat ng gawain na dapat Niyang gawin, ang Kanyang buong pagkakakilanlan at katayuan ay natural na naging malinaw sa tao. Ang Diyos na naging tao ay nananatiling tahimik at hindi kailanman gumagawa ng kahit anong proklamasyon. Hindi Niya pinapansin ang tao o kung gaano na nakakasunod ang tao sa Kanya, kundi ipinagpapatuloy lamang Niya ang pagtupad sa Kanyang ministeryo at pagsasagawa ng gawain na dapat Niyang gawin. Walang sinuman ang kayang makahadlang sa gawain Niya. Kapag dumating na ang oras para tapusin Niya ang Kanyang gawain, tiyak itong matatapos at madadala sa katapusan, at walang kayang magdikta na hindi. Tanging pagkatapos Niyang lisanin ang tao sa pagkumpleto ng Kanyang gawain na mauunawaan ang gawain na ginagawa Niya, bagama’t hindi pa rin ganap na malinaw. At aabutin ng mahabang panahon para lubusang maunawaan ng tao ang layunin nang una Niyang isinagawa ang Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain sa kapanahunan ng nagkatawang-tao na Diyos ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang isang bahagi ay binubuo ng gawain na ginagawa ng katawang-tao ng Diyos Mismo at ang mga salitang binibigkas ng katawang-tao ng Diyos Mismo. Sa sandaling ang ministeryo ng Kanyang katawang-tao ay ganap na matupad, ang isa pang bahagi ng gawain ay nananatiling isasagawa ng mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Ito na ang panahon na dapat tuparin ng tao ang kanyang tungkulin, dahil binuksan na ng Diyos ang daan, at kinakailangan na itong lakaran ng tao mismo. Ibig sabihin, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isinasagawa ang isang bahagi ng gawain, at pagkatapos ang Banal na Espiritu pati na rin yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ang papalit sa gawaing ito. Samakatuwid, dapat malaman ng tao kung ano ang gawaing pangunahin na isasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao sa yugtong ito at dapat niyang maunawaan kung ano mismo ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos at kung ano ang gawaing dapat Niyang gawin, at hindi humingi sa Diyos alinsunod sa mga hinihingi sa tao. Nandito ang pagkakamali ng tao, ang kanyang pagkaunawa, at lalo na ang kanyang pagsuway.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin