Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 113
Disyembre 17, 2020
Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos, kundi upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian ay dumating na, at gayundin ang pagsasanay para sa kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi ang gawain ng tao, hindi ito upang hubugin ang tao sa isang partikular na antas, ito ay para buuin lamang ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang ginagawa ay hindi gawain ng tao, hindi ito upang makamit ang ilang resulta sa paggawa sa tao bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na ang gumawa ng angkop na mga pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, at sa gayon ay maging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng sa mga tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag dumarating ang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa lupa, ang isinasaalang-alang Niya lamang ay ang katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, hindi Siya halos nakikibahagi, maging hanggang sa punto ng pagwawalang-bahala. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang isinasaalang-alang ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay tumutukoy lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at sa ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bang ang iba pang bagay ay nasa labas ng saklaw Niya. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman tungkol sa pamumuhay bilang tao, ni natututo Siya ng higit na kasanayan sa pakikipagkapwa, ni sinasangkapan ang Sarili Niya ng ano pa mang naiintindihan ng tao. Hindi man lang Niya inaalala ang anumang dapat taglayin ng tao at ang tanging ginagawa Niya ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay kulang sa napakaraming bagay, kung kaya’t hindi man lang Niya pinapansin ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at walang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkaraniwang kaalaman tungkol sa buhay, pati na ang mga prinsipyo sa personal na pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba, ay lumilitaw na walang kaugnayan sa Kanya. Ngunit, sadyang hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting pahiwatig ng pagiging di-normal. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang normal na tao at ang normal na pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala sa pagitan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anupamang ibang bagay, na kung ano ang dapat taglayin lamang ng tao (mga nilikha). Ang Diyos ay nagiging tao lamang upang tuparin ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta sa isang buong kapanahunan, hindi sa sinumang tao o anumang lugar kundi sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at ang prinsipyo kung paano Siya gumagawa. Walang sinuman ang makakapagpabago nito, at walang paraan na magiging kabahagi ang tao rito. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging tao, dinadala Niya kasama Niya ang gawain ng kapanahunang iyon, at walang balak na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu o walumpung taon upang mas mahusay niyang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyan ay hindi mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanyang mga pagkaunawa at magsasanhi sa kanyang mga pagkaunawa at mga saloobin na maging makaluma. At kaya tungkulin ninyong lahat na maintindihan kung ano mismo ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Tiyak na hindi kayo mabibigong maunawaan ang mga salitang Aking sinabi sa inyo: “Hindi upang maranasan ang buhay ng isang normal na tao kaya Ako ay pumarito”? Nalimutan na ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumarating sa lupa hindi upang ipamuhay ang buhay ng isang normal na tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay makakarating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang?” Dumarating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtatagal. Dumarating Siya sa mundo na walang layunin na sanhiin ang Espiritu ng Diyos na linangin ang Kanyang katawang-tao na maging isang pambihirang tao na mamumuno sa iglesia. Kapag dumarating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na nagiging tao; gayunman, ang tao ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at sapilitang ipinalalagay ang mga bagay sa Kanya. Ngunit dapat ninyong matantong lahat na ang Diyos ay ang “Salita na nagkatawang-tao,” hindi isang katawang gawa sa laman na nalinang ng Espiritu ng Diyos upang akuin ang tungkulin ng Diyos sa ngayon. Ang Diyos Mismo ay hindi produkto ng paglilinang, kundi ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon ay opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman at kinikilala ninyong lahat na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanang tunay, ngunit kumikilos kayo na para bang nauunawaan ninyo ito. Mula sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos hanggang sa kahalagahan at diwa ng Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ninyo kayang matarok ang mga ito kahit kaunti at sumusunod lamang kayo sa iba sa kawili-wiling pagbigkas ng mga salita mula sa memorya. Naniniwala ka bang ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 3
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video