Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Pagkakatawang-tao | Sipi 112

Nobyembre 8, 2020

Dumarating ang Diyos dito sa mundo para gawin lamang ang gawain ng paggabay sa kapanahunan, para magbukas ng isang bagong kapanahunan at dalhin ang luma sa katapusan. Hindi Siya naparito upang isabuhay ang buong buhay ng isang tao sa lupa, upang maranasan Niya Mismo ang mga kasiyahan at kalungkutan ng buhay sa mundo ng tao, o upang gawing perpekto ang isang tao sa pamamagitan ng Kanyang kamay o personal na panoorin ang isang partikular na tao habang siya ay lumalaki. Hindi Niya ito gawain; ang Kanyang gawain lamang ay ang simulan ang bagong kapanahunan at tapusin ang luma. Iyon ay, personal Siyang magsisimula ng isang kapanahunan, personal na dadalhin ang isa pa sa katapusan, at tatalunin si Satanas sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain. Tuwing tinutupad Niya ang Kanyang gawain nang personal, tila inilalagay Niya ang isa Niyang paa sa lugar ng digmaan. Una, nilulupig muna Niya ang mundo at nagwawagi laban kay Satanas habang nasa katawang-tao; tinatamo Niya ang lahat ng kaluwalhatian at sinisimulan ang kabuuan ng gawain ng dalawang libong taon, at ito ay nagbibigay sa lahat ng tao sa mundo ng tamang landas na susundin, at isang buhay na payapa at masaya. Subalit, ang Diyos ay hindi maaaring mamuhay kasama ang tao sa mundo nang matagal, dahil ang Diyos ay Diyos, at hindi tulad ng tao matapos ang lahat. Hindi Niya maaaring isabuhay ang buong buhay ng normal na tao, iyon ay, hindi Siya maaaring tumira sa mundo bilang isang taong ordinaryo lamang, dahil mayroon lamang Siyang napakaliit na bahagi ng normal na pagkatao ng isang normal na tao para patuloy Siyang mabuhay bilang tao. Sa madaling salita, paano makakapagsimula ang Diyos ng pamilya, magkakaroon ng karera, at magpapalaki ng mga anak sa mundo? Hindi ba ito magiging isang kahihiyan sa Kanya? Ang pagkakaroon Niya ng normal na pagkatao ay para lamang sa layunin na isakatuparan ang gawain sa isang normal na paraan, hindi upang bigyan Siya ng kakayahang magkaroon ng isang pamilya at propesyon na tulad ng isang normal na tao. Ang Kanyang normal na katinuan, normal na pag-iisip, at ang normal na pagpapakain at pagdadamit sa Kanyang katawang-tao ay sapat na upang patunayang mayroon Siyang normal na pagkatao; hindi na Niya kailangang magkaroon ng pamilya o karera upang patunayang Siya ay pinagkalooban ng normal na pagkatao. Ito ay ganap na hindi kinakailangan! Ang pagdating ng Diyos sa mundo ay ang pagiging tao ng Salita; pinahihintulutan lamang Niya ang tao na maintindihan ang Kanyang salita at makita ang Kanyang salita, iyon ay, pinapahintulutan ang tao na makita ang gawaing isinasagawa ng katawang-tao. Ang Kanyang layunin ay hindi para tratuhin ng mga tao ang Kanyang katawang-tao sa isang tiyak na paraan, kundi para lamang ang tao ay maging masunurin hanggang sa katapusan, iyon ay, upang sundin ang lahat ng salita na lumalabas mula sa Kanyang bibig, at para magpasakop sa lahat ng gawain na Kanyang ginagawa. Siya ay gumagawa lamang sa katawang-tao; hindi Siya sadyang humihingi sa tao na purihin ang kadakilaan at kabanalan ng Kanyang katawang-tao, kundi ipinapakita sa tao ang karunungan ng Kanyang gawain at lahat ng awtoridad na Kanyang hawak. Samakatuwid, kahit na Siya ay may katangi-tanging pagkatao, hindi Siya gumagawa ng mga anunsyo, at nakatuon lamang sa gawain na dapat Niyang gawin. Dapat ninyong malaman kung bakit ang Diyos ay naging tao at gayunman ay hindi inilalabas o pinatototohanan ang Kanyang normal na pagkatao, kundi ipinapatupad lamang ang gawain na nais Niyang gawin. Kung gayon, lahat ng inyong makikita mula sa nagkatawang-taong Diyos ay kung ano ang Kanyang pagka-Diyos; ito ay dahil hindi Niya inihahayag kailanman kung ano ang Kanyang pagkatao upang tularan ng tao. Tanging kapag pinamumunuan ng tao ang mga tao saka siya nagsasalita tungkol sa kanyang pagkatao, upang mas makamit niya ang kanilang paghanga at pagpapasakop at sa gayon ay mapamunuan ang iba. Sa kabali k taran, nilulupig ng Diyos ang tao sa pamamagitan lamang ng Kanyang gawain (iyon ay, gawaing hindi natatamo ng tao); hindi mangyayaring hahangaan Siya ng tao, o gagawin ang tao na sambahin Siya. Ang ginagawa lamang Niya ay ikintal sa tao ang damdamin ng paggalang sa Kanya o ang pagkaunawa sa Kanyang pagiging di-maarok. Hindi na kailangan ng Diyos na magpahanga sa tao; ang kailangan lang Niya ay ang gumalang ka sa Kanya kapag nasaksihan mo ang Kanyang disposisyon. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay sarili Niya; hindi ito maaaring gawin ng tao bilang kahalili Niya, ni maisasakatuparan ng tao. Tanging ang Diyos Mismo ang makakagawa ng Kanyang sariling gawain at makapaghahatid ng isang bagong kapanahunan upang pangunahan ang tao sa mga bagong pamumuhay. Ang gawain na Kanyang ginagawa ay ang bigyang kakayahan ang tao na magkaroon ng isang bagong buhay at pumasok sa isang bagong kapanahunan. Ang lahat ng iba pang gawain ay ipinapasa sa mga tao na mayroong normal na pagkatao at hinahangaan ng iba. Kung kaya, sa Kapanahunan ng Biyaya, tinapos Niya ang dalawang libong taon na gawain sa loob lamang ng tatlo at kalahating taon ng Kanyang tatlumpu’t tatlong taon na nasa katawang-tao. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa at ipinatutupad ang Kanyang gawain, palagi Niyang tinatapos ang dalawang libong taon na gawain o ang isang buong kapanahunan sa loob lamang ng ilang taon. Hindi Siya nag-aantala, at hindi Siya nagpapatagal; pinaiikli lamang Niya ang gawain ng maraming taon upang ito ay matapos sa loob lamang ng ilang taon. Ito ay dahil sa ang gawain na Kanyang personal na ginagawa ay ang magbukas lamang ng isang daan palabas at pamunuan ang isang bagong kapanahunan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 2

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin