Christian Dance | "Kay Saya sa Buhay-Iglesia" | Praise Song

Agosto 7, 2024

I

Tayong magkakapatid ay naparito sa harap ng Diyos.

Kay sayang kumain at uminom ng Kanyang mga salita.

Sinasabi ninyo ang inyong mga karanasan, at ibinabahagi ko naman ang aking pagkaunawa.

Sinusuportahan at tinutulungan nating magkakapatid ang bawat isa.

Kapag mas nagbabahagian tayo ng mga salita ng Diyos, mas nalilinawan tayo,

nakakamit natin ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa katotohanan at pagninilay sa ating sarili,

nakikita natin ang ating katiwalian at mga kakulangan.

Nananalangin sa Diyos at naghahanap nang taimtim,

hayagan at mula sa puso tayong nakikipag-usap sa Kanya.

Hindi mahalaga sa Diyos kung gaano kalalim ang pagkaunawa natin sa katotohanan;

natutuwa Siya tuwing sinasabi natin kung ano ang nasa ating mga puso.

Nagdudulot ang buhay-iglesia ng napakalaking kagalakan,

unti-unti tayong lumalago sa ating buhay.

Ang kaharian ni Cristo ang ating tahanan.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagpupuri sa Kanya magpakailanman.

II

Tayong magkakapatid ay naparito sa harap ng Diyos.

Kay sayang kumain at uminom ng Kanyang mga salita.

Nagpapasakop tayo sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos,

at tinatanggap natin ang mapungusan at madisiplina.

Nagsasaayos ang Diyos ng lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay

upang subukin at pinuhin ang ating pananalig.

Nauunawaan natin ang mabubuting hangarin ng Diyos,

at na ang lahat ng ginagawa Niya

ay upang tulungan tayong makamit ang katotohanan at buhay.

Sa pamamagitan ng pagdanas sa Kanyang mga salita at pagsasagawa ng katotohanan,

nakakamit natin ang mas maraming katotohanan at mas maraming realidad.

Tinutupad natin ang ating mga tungkulin, inihahandog ang ating debosyon

at nagpapatotoo upang matugunan ang mga layunin ng Diyos.

Nagdudulot ang buhay-iglesia ng napakalaking kagalakan,

unti-unti tayong lumalago sa ating buhay.

Ang kaharian ni Cristo ang ating tahanan.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagpupuri sa Kanya magpakailanman.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin