Christian Music | "Ipapanumbalik ng Diyos ang Kahulugan ng Kanyang Paglikha ng Tao"
Setyembre 14, 2020
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa,
na Kanyang napangunahan na hanggang sa araw na ito.
Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan
at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan.
Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan,
iligtas nang buo ang sangkatauhan
at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis.
Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—
ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan
at sa kanyang orihinal na wangis.
Itatatag Niya ang Kanyang kaharian
at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao,
ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa
at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha.
Nawalan ng takot ang tao sa Diyos matapos siyang gawing tiwali ni Satanas
at nawalan ng silbi na dapat taglayin ng isa sa mga nilalang ng Diyos,
naging isang kaaway na suwail sa Diyos.
Namuhay ang tao sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas
at sumunod sa mga utos ni Satanas;
kaya, walang paraan ang Diyos para kumilos sa gitna ng Kanyang mga nilikha,
at lalo pang hindi nagagawang magkaroon ng takot ang Kanyang mga nilikha.
Ang tao ay nilikha ng Diyos, at kailangang sumamba sa Diyos,
ngunit ang tao ay talagang tumalikod sa Diyos at sumamba kay Satanas.
Naging idolo si Satanas sa puso ng tao.
Kaya nawalan ng lugar ang Diyos sa puso ng tao,
na ibig sabihin ay nawalan ng kahulugan ang Kanyang paglikha sa tao,
kaya upang maibalik ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa tao
kailangan Niyang ibalik ang tao sa orihinal wangis ng tao
at alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon.
Upang mabawi ang tao mula kay Satanas,
kailangan Niyang iligtas ang tao mula sa kasalanan.
Sa ganitong paraan lamang Niya unti-unting maibabalik
ang orihinal na wangis ng tao at ang orihinal na silbi ng tao,
at sa huli ay maipanumbalik ang Kanyang kaharian.
Ang panghuling pagwasak sa suwail na mga anak
na iyon ay isasakatuparan din upang tulutan ang tao na mas sambahin ang Diyos
at mamuhay nang mas maayos sa mundo.
Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian.
Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya,
yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian,
at taglay ang Kanyang kaluwalhatian.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video