Christian Song | "Paano Dapat Lutasin ng mga Tao ang mga Maling Pagkaunawa Nila Tungkol sa Diyos?" | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 15, 2026

I

Kung gusto ng mga tao na lutasin ang kanilang mga maling pagkaunawa tungkol sa Diyos, dapat nilang alamin ang sarili nilang mga tiwaling disposisyon, at himayin at alamin ang mga pagkakamaling nagawa nila, at ang mga maling landas na tinahak nila, at ang kanilang mga pagsalangsang at kapabayaan. Sa ganitong paraan lang nila makikita nang malinaw ang sarili nilang kalikasan at magkakamit ng kaalaman dito. Bukod pa rito, dapat makita nila nang malinaw kung bakit nila tinatahak ang maling landas at bakit sila gumagawa ng napakaraming bagay na lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo, at kung ano ang kalikasan ng mga gawaing ito. Higit pa rito, dapat nilang maunawaan kung ano ba mismo ang mga layunin at mga hinihingi ng Diyos sa kanila, kung bakit laging wala silang kakayahan na kumilos ayon sa mga hinihingi ng Diyos, at kung bakit lagi silang sumasalungat sa Kanyang mga layunin at ginagawa ang gusto nila.

II

Yamang mayroon kang ganitong mga pagsalangsang, dapat na maging malinaw sa puso mo kung anong saloobin ang dapat mayroon ka ngayon, kung ano ang dapat mong panagutan sa Diyos, at kung ano ang gusto Niyang makita. Dapat mong alamin ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pananalangin at paghahanap; pagkatapos ay malalaman mo kung paano ka dapat maghangad sa hinaharap, at hindi ka na maiimpluwensiyahan o malilimitahan ng mga pagkakamaling nagawa mo dati. Dapat tahakin mo ang landas sa harapan at gampanan ang iyong tungkulin gaya ng nararapat, at huwag nang magpakalugmok sa kawalang pag-asa; dapat kang ganap na umahon mula sa pagiging negatibo at sa maling pagkakaunawa.

III

Sa isang banda, ang paggawa mo ng iyong tungkulin ngayon ay para makabawi sa mga pagsalangsang at kapabayaan mo dati; ito dapat ang mentalidad na mayroon ka kahit papaano. Sa kabilang banda, dapat ay positibo at maagap kang makipagtulungan, gawin mo ang lahat para magawa mo nang mabuti ang tungkuling dapat mong gampanan, at matupad ang iyong mga responsabilidad at obligasyon. Ito ang dapat gawin ng isang nilikha. Mayroon ka mang anumang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos, o nagbubunyag ka man ng katiwalian, o sinasalungat mo ang Kanyang disposisyon, dapat mong lutasin ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa sarili mo at paghahanap sa katotohanan. Dapat kang matuto mula sa mga kabiguan mo, at lubusan kang umahon mula sa anino ng pagiging negatibo. Sa sandaling maunawaan mo na ang katotohanan at ika'y mapalaya na, hindi na nalilimitahan ng sinumang tao, anumang pangyayari, o anumang bagay, magkakaroon ka na ng pananalig na tumahak sa landas sa harapan.

mula sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahangad Lamang sa Katotohanan Malulutas ng Tao ang Kanyang mga Kuru-kuro at Maling Pagkaunawa sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin