Tagalog Christian Song | "Ang Pagtanggi Kay Cristo ng mga Huling Araw ay Paglapastangan sa Banal na Espiritu"

Enero 6, 2024

I

Nakikilala mo ba'ng daan ng katotohanan?

Tiyaking 'di kalabanin si Cristo?

Nasusundan mo ba'ng gawain ng Espiritu?

Ang 'di nakakilala sa Mesiyas, nagawang labanan si Jesus.

Yaong 'di nauunawaan si Jesus

ay kayang tanggiha't laitin Siya,

isiping pagbabalik Niya'y panlilinlang ni Satanas.

At mas marami'ng huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao.

'Di ba kayo natatakot?

Maaari mong malapastangan ang Espiritu,

sinisira salita Niya sa iglesia,

tinatanggihan salita ni Jesus.

Ano'ng mapapala niyo kay Jesus

kung kayo'y litung-lito?

Malalaman ba'ng gawain sa pagbabalik Niya

kung mga mali niyo'y itutuloy niyo?

II

Ang 'di tumatanggap sa katotohanan

pero hinihintay si Jesus sakay ng puting ulap

ay nilalapastangan ang Espiritu.

Sila ang mga pupuksain.

Hangad niyo'y biyaya ni Jesus,

ligaya ng langit ang tanging nais;

ngunit salita Niya'y 'di niyo sinusunod

ni katotohana'y tinatanggap sa Kanyang pagbabalik.

Ano'ng ihahandog niyo

sa pagbabalik Niya sakay ng puting ulap?

Taimtim niyong pangungumpisal

kahit kayo'y nagkakasala pa rin?

Iaalay niyo ba ang mga taon

ng gawain na 'pinagmamalaki niyo?

Pa'no Siya magtitiwala

sa inyo na mayayabang,

katotohana'y nilalabanan?

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger