Christian Song | "Hindi Kailanman Magwawakas ang Papuri sa Makapangyarihang Diyos" | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 17, 2026
I
Ang Makapangyarihang Diyos, si Cristo ng mga huling araw,
ay nagpapahayag ng katotohanan
at nagpapakita sa Silangan nang may buong kaluwalhatian.
Naririnig natin ang tinig ng Diyos at bumabalik tayo sa harapan Niya.
Nagtatamasa tayo ng salita ng Diyos at dumadalo sa piging ng kasal ng Kordero.
Mga brother! Umawit kayo!
Purihin ang Diyos sa pagparito sa gitna ng sangkatauhan!
Mga sister! Halina't sumayaw! Tunay na kayganda ng buhay sa kaharian!
O! Malaking pagpapala na mamuhay sa presensiya ng Diyos!
II
Ang paghatol sa mga huling araw ay nagsisimula sa sambahayan ng Diyos.
Ang paglalantad at paghatol ng Kanyang salita
ay hindi nag-iiwan sa atin ng lugar na mapagtataguan sa kahihiyan.
Pagkatapos magdusa ng maraming pagpipino at pasakit,
nalilinis ang ating tiwaling disposisyon.
natatamo natin ang katotohanan at buhay, at tunay tayong pinagpala.
Mga brother! Halina't tingnan! Kung gaano kasagana ang piging ng kaharian!
Mga sister! Halina't makinig! May awtoridad ang salita ng Diyos,
at nalupig na nito ang puso ng milyon-milyong katao!
III
Sa pagdanas ng paghatol ng Diyos, nakikita natin ang Kanyang katuwiran;
natatakot tayo sa Diyos at nagpapasakop sa lahat ng Kanyang pagsasaayos.
Iwinawaksi natin ang ating pagkasilo sa mga makamundong bagay
at buong pusong iginugugol ang sarili natin para sa Diyos;
namumuhay tayo nang walang pighati o pasakit sa loob ng mga salita ng Diyos.
Mga kapatid! Halina kayo! Magpatotoo tayong lahat sa Diyos!
Mga kapatid! Huwag tumigil!
Ihandog natin ang tunay na puso natin para mapalugod ang Diyos!
Tuparin natin ang ating mga tungkulin nang may buong puso at isipan!
IV
Gumawa ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay.
Ang mga tao ng Diyos ay lahat nagpapakalat at nagpapatotoo sa Kanyang gawain.
Ang ebanghelyo ng kaharian ay lumalaganap sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Nagbubunyi at nagpupuri tayo sa Diyos
para sa Kanyang pagkamakapangyarihan-sa-lahat at karunungan.
Mga brother! Umawit ng mga bagong awitin!
Purihin ang Diyos sa pagkakamit ng kaluwalhatian!
Mga kapatid! Halina't sumayaw!
Purihin ang Diyos sa dakilang gawain na Kanyang natapos!
Hindi tayo titigil kailanman sa pagpupuri natin sa Makapangyarihang Diyos!
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video