Mga Tao sa Buong Mundo na Nag-aaral ng Wikang Tsino | Pagbigkas at Koro: Walang Pusong Mas Mabuti Kaysa sa Puso ng Diyos | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 18, 2026

I

Yamang pinili kong mahalin ang Diyos,

hahayaan ko Siyang kunin ang anumang ninanais Niya.

Sa kabila ng kaunting lungkot, wala akong sinasabing hinaing.

Dahil may tiwaling disposisyon, nararapat hatulan at kastiguhin ang tao.

Ang salita ng Diyos ang katotohanan;

hindi ako dapat magkamali ng pakahulugan sa mga layunin Niya.

Madalas akong nagninilay-nilay sa sarili at nakakahanap ng labis na karungisan;

kung hindi ko hahangarin ang katotohanan, hindi mababago ang disposisyon ko.

Bagama't nagtiis ako ng maraming pasakit,

isang karangalan na matamasa ang pagmamahal ng Diyos.

Sa pamamagitan ng paghihirap, natututunan kong magpasakop.

Walang pusong mas mabuti kaysa sa puso ng Diyos.

II

Kasama ang Diyos araw at gabi, nalalaman ko kung gaano Siya kakaibig-ibig.

Ipinapakita sa akin ng pagsiwalat at paghatol ng mga salita Niya

ang katotohanan ng katiwalian ko.

Sa pagtanggap ng pagsisiyasat Niya, ibinunyag ako bilang napakamapaghimagsik.

Binubuksan ko ang puso ko para sa pakikipagbahaginan,

at malinaw kong nauunawaan ang katotohanan.

Nanginginig at nakakaramdam ako ng matinding takot

na isipin na sasalungatin ko ang disposisyon ng Diyos.

Binabalaan ko ang sarili na huwag muling maghimagsik

at saktan ang puso Niya.

Bagama't pinipili kong mahalin ang Diyos,

may mga halo pa ng sarili kong mga ideya.

Kailangan kong magsikap na umusad at magtamo ng espiritung gaya ng kay Pedro.

Paano man tingnan ng Diyos ang pagmamahal ko,

ang tangi kong hiling ay palugurin Siya.

Bagama't nagtiis ako ng maraming pasakit,

isang karangalan na matamasa ang pagmamahal ng Diyos.

Sa pamamagitan ng paghihirap, natututunan kong magpasakop.

Walang pusong mas mabuti kaysa sa puso ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin