Christian Music Video | "Buhay ng Tao'y Lubusang Nasa Ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos"
Hunyo 26, 2025
I
Ipagpalagay nang ang isang tao ay naniniwala lamang sa kapalaran, kahit malalim ang nararamdaman niya rito, ngunit hindi niya roon malaman at makilala ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha sa kapalaran ng sangkatauhan, hindi makapagpasakop at matanggap ito. Sa ganoong kaso, ang buhay niya ay magiging isang trahedya; isinabuhay pa rin ito nang walang saysay, naging isang kahungkagan ito. Hindi pa rin niya magagawang magpasailalim sa kapamahalaan ng Lumikha, upang maging isang nilikhang tao sa totoong kahulugan ng termino, at anihin ang pagkilala ng Lumikha. Ang isang taong tunay na nakakaalam at nakakaranas sa kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha ay dapat nasa isang positibong kalagayan, hindi sa isang kalagayan na negatibo o wala nang magawa. Kasabay ng pagkilala na ang lahat ng bagay ay itinadhana, magtataglay siya sa kanyang puso ng isang tumpak na kahulugan ng buhay at kapalaran, na ang buhay ng tao ay ganap na nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha.
II
Kapag nilingon niya ang daan na kanyang tinahak, kapag ginunita niya ang bawat yugto ng paglalakbay niya sa buhay, makikita niya na sa bawat hakbang, mahirap man o madali ang kanyang paglalakbay, ginagabayan ng Diyos ang landas niya, isinasaayos ito para sa kanya. Ang masusing pagpaplano at maingat na pagsasaayos ng Diyos, ang umakay sa kanya, nang hindi niya nalalaman, tungo sa kasalukuyan. Napagtanto niya na ang magawang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan ng Lumikha, ang tanggapin ang Kanyang pagliligtas—iyon ang pinakadakilang biyaya sa buhay ng isang tao! Kapag nagbalik-tanaw siya sa kanyang paglalakbay, kapag tunay niyang nararanasan ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, mas tunay niyang nanaisin na magpasakop sa lahat ng isinasaayos ng Diyos, at magkakaroon siya ng mas higit na determinasyon at pananalig na hayaan ang Diyos na pamatnugutan ang kanyang kapalaran at hindi na magrebelde laban sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video