Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 173

Hulyo 1, 2020

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isinasakatuparan at tinatapos sa pamamagitan ng maraming uri ng mga tao at maraming iba’t ibang kalagayan. Kahit ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay maaaring kumatawan sa gawain ng isang buong kapanahunan, at maaaring kumatawan sa pagpasok ng mga tao sa isang buong kapanahunan, ang gawain sa mga detalye ng pagpasok ng mga tao ay kailangan pa ring gawin ng mga taong kinakasangkapan ng Banal na Espiritu, hindi ng Diyos na nagkatawang-tao. Kaya, ang gawain ng Diyos, o ang sariling ministeryo ng Diyos, ay ang gawain ng nagkatawang-taong laman ng Diyos, na hindi magagawa ng tao para sa Kanya. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay tinatapos sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng mga tao; walang iisang taong makakagawa nito nang buo, at walang iisang taong makapagpapahayag nito nang lubusan. Yaong mga namumuno sa mga iglesia ay hindi rin maaaring kumatawan nang lubusan sa gawain ng Banal na Espiritu; maaari lamang silang gumawa ng ilang gawain ng pamumuno. Sa gayon ay maaaring hatiin ang gawain ng Banal na Espiritu sa tatlong bahagi: Ang sariling gawain ng Diyos, ang gawain ng mga taong kinakasangkapan, at ang gawain sa lahat ng nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang mamuno sa buong kapanahunan; ang gawain ng mga kinakasangkapan, na isinugo o tumanggap ng mga tagubilin nang matapos ng Diyos ang Kanyang gawain, ay mamuno sa lahat ng tagasunod ng Diyos, at sila ang mga taong nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos; ang gawaing ginagawa ng Banal na Espiritu sa mga nasa daloy ay ang panatilihin ang lahat ng Kanyang sariling gawain, ibig sabihin, ang panatilihin ang Kanyang buong pamamahala at Kanyang patotoo, habang ginagawang perpekto kaagad yaong mga magagawang perpekto. Magkakasama, ang tatlong bahaging ito ang buong gawain ng Banal na Espiritu, ngunit kung wala ang gawain ng Diyos Mismo, ang gawaing pamamahala ay hindi makakasulong sa kabuuan nito. Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at kumakatawan din sa gawain ng buong kapanahunan, na ibig sabihin ay na ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa bawat galaw at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang dumarating ang gawain ng mga apostol matapos ang sariling gawain ng Diyos at kasunod nito, at hindi ito ang namumuno sa kapanahunan, ni kumakatawan sa mga kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawaing kailangang gawin ng tao, na walang anumang kinalaman sa gawaing pamamahala. Ang gawaing isinakatuparan ng Diyos Mismo ay isang proyektong napapaloob sa gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tungkulin lamang na ginagampanan ng mga taong kinakasangkapan, at hindi ito nauugnay sa gawaing pamamahala. Sa kabila ng katotohanan na parehong gawain ng Banal na Espiritu ang mga ito, dahil sa mga pagkakaiba sa mga pagkakakilanlan at pagkakatawan ng gawain, may malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng sariling gawain ng Diyos at gawain ng tao. Bukod dito, ang lawak ng gawaing ginagawa ng Banal na Espiritu ay magkakaiba sa mga taong pinag-uukulan nito na may iba’t ibang pagkakakilanlan. Ito ang mga prinsipyo at saklaw ng gawain ng Banal na Espiritu.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

I

Ang gawain ng Diyos Mismo'y saklaw ang gawain sa tao at kumakatawan sa gawain ng buong panahon. Ibig sabihin na ang gawain ng Diyos ay kumakatawan sa bawat galaw at kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu. Gawain ng mga apostol ay dumarating matapos ang gawain ng Diyos at kasunod nito't 'di namumuno sa panahon, ni kumakatawan sa anumang kalakaran ng gawain ng Banal na Espiritu sa buong panahon. Ginagawa lang nila'ng dapat gawin ng tao. Walang kinalaman ito sa pamamahala ng Diyos. Ang gawain ng Diyos Mismo'y proyekto ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao'y tungkulin lang ng mga ginagamit, at 'di bahagi ng gawaing pamamahala, 'di 'to bahagi ng gawaing pamamahala.

II

Sa kabila ng katotohanang kapwa'y gawain ng Banal na Espiritu, dahil sa kaibahan ng pagkakakilanlan at kinakatawan ng bawat isa, ang gawain ng Diyos Mismo at gawain ng tao'y ganap na magkaiba. Ang lawak ng gawain ng Banal na Espiritu'y nag-iiba sa mga may magkaibang pagkakakilanlan. Ito ang mga saklaw at prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang gawain ng Diyos Mismo'y proyekto ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao'y tungkulin lang ng mga ginagamit, at 'di bahagi ng gawaing pamamahala, 'di 'to bahagi ng gawaing pamamahala.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger