Tagalog Testimony Video | "Magpatuloy sa Paghahangad ng Katotohanan Kahit Matanda Na"
Hulyo 8, 2025
Sa edad na 60, tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at palaging aktibong ginagawa ang kanyang mga tungkulin sa iglesia. Habang siya ay tumatanda, humina ang kanyang katawan at nagsimula na ring humina ang kanyang memorya. Sa pagsasaalang-alang sa kanyang kondisyon, itinalaga siya ng iglesia sa ibang tungkulin, kaya naman naramdaman niyang matanda na siya at walang silbi, at namuhay sa pasakit at pagkanegatibo. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkamit siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang intensyong magtamo ng mga pagpapala sa pamamagitan ng kanyang pananalig sa Diyos, at napagtanto niyang kahit matanda na siya, basta't hinahangad niya ang katotohanan at pinagtutuunan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hinding-hindi siya aabandonahin ng Diyos. Unti-unti, napalaya niya ang kanyang sarili mula sa kanyang pasakit at pagkabalisa.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video