Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 89

Oktubre 20, 2022

Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos sa puso ng mga tao. Bawat paghatol ay tuwirang nauugnay sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng bagay na iyon at nang sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, makilala ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos, at makilala rin ang sangkatauhan na ginawang tiwali ni Satanas. Habang lalong tumatanggap ang sangkatauhan ng ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa espiritu ng mga taong ito na napakatiwali at lubhang nalinlang ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol. Ang tao ay walang espiritu, ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano niya malalaman na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano niya malalaman na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano niya malalaman na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak na hindi na maaayos ng sangkatauhan? At paano niya malalaman na ang Lumikha ay dumating sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa ring napupukaw at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay nagpakasama-sama! At bagamat ang ganitong uri ng paghatol ay tulad ng mabagsik na yelong ulan na nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging ganap na imposible na iligtas ang mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na nalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagkabulok ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang buong lakas, paghatol sa inyo nang buong lakas, at saka lamang magiging posible na gisingin ang mga nanlalamig ninyong puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

Ang Layunin ng Gawain ng Paghatol ng Diyos

I

Ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikuran ng mga tao ang sinaunang ninuno nila, si Satanas. Mga paghatol gamit ang salita'y naglalantad ng katiwalian nila, upang maunawaan nila ang diwa ng buhay. Itong mga paghatol kaugnay sa kapalara'y tumatagos sa puso ng tao, sadyang susugat sa puso niya, upang mapakawalan niya'ng mga bagay na 'to at maunawaan ang buhay, kapangyariha't karunungan ng Diyos, at makilala rin ang sangkatauhang tiniwali ni Satanas. Sa higit na pagkastigo't paghatol, mas lalong puso ng tao'y masusugatan, at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa mga espiritu ng pinakatiwali't nalinlang na mga tao ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.

II

Matagal nang namatay ang espiritu ng tao, hindi niya alam ang Langit o ang Diyos. Paano niya malalamang siya'y nasa bangin ng kamatayan o impiyerno sa lupa? O malalamang ang bangkay niya'y naging tiwali at nahulog na sa Hades ng kamatayan? O malalamang nasira na ng tao'ng lahat sa lupa't malabo nang maayos? Paano malalaman ng tao na ang Diyos ay dumating sa lupa ngayon upang humanap ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Ang paggising sa mga espiritu ng pinakatiwali't nalinlang na mga tao ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.

III

Kahit na matapos pinuhin at hatulan ang tao sa lahat ng posibleng paraan, bahagya ang kanyang kamalayan at halos hindi tumutugon. Napakababa ng sangkatauhan! At bagama't itong paghatol ay tila umuulang mabagsik na yelo, ito'y malaking pakinabang sa tao. Kung ang tao'y 'di hinatulan nang tulad nito, walang makakamit; imposibleng maliligtas ang tao mula sa bangin ng paghihirap. Ang paggising sa mga espiritu ng pinakatiwali't nalinlang na mga tao ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.

IV

Kung 'di dahil sa gawaing 'to, 'di halos makakalabas ang tao mula sa Hades, matagal nang patay ang puso niya at espiritu'y niyurakan ni Satanas. Ang tanging paraan upang iligtas kayong mga lumubog na sa pinakailalim na kalaliman ay ang hatulan at tawagin kayo nang walang kapaguran. Ang paggising sa mga espiritu ng pinakatiwali't nalinlang na mga tao ay ang mithiin ng ganitong uri ng paghatol.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin