Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng mga Pagkaintindi ng mga Relihiyon | Sipi 299

Agosto 18, 2020

Ang plano sa pamamahala ng Diyos ay may saklaw na anim na libong taon at nahahati sa tatlong mga yugto batay sa pagkakaiba ng Kanyang gawain: Ang unang panahon ay ang Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang Tipan; ang ikalawa ay ang Kapanahunan ng Biyaya; at ang ikatlo ay ang kabilang sa mga huling araw—ang Kapanahunan ng Kaharian. Kinakatawan sa bawat panahon ang isang naiibang pagkakakilanlan. Ito ay dahil lamang sa pagkakaiba sa gawain, iyon ay, ang mga kinakailangan sa gawain. Ang unang yugto ng gawain ay ipinatupad sa Israel, at ang ikalawang yugto ng pagtatapos sa gawain ng pagtubos ay ipinatupad sa Judea. Para sa gawain ng pagtubos, si Jesus ay ipinanganak sa paglilihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu bilang tanging Anak. Ang lahat ng ito ay dahil sa mga kinakailangan sa gawain. Sa mga huling araw, ninanais ng Diyos na palawakin ang Kanyang gawain sa mga bayan ng Hentil at lupigin ang mga tao doon, upang maging dakila ang Kanyang pangalan sa gitna nila. Ninanais Niyang patnubayan ang tao sa pagkaunawa sa lahat ng tamang pamamaraan ukol sa buhay ng tao, gayundin ang lahat ng katotohanan at daan ng buhay. Ang lahat ng gawaing ito ay ipinatutupad ng isang Espiritu. Bagamat maaari Niyang magawa mula sa ibang mga pananaw, ang kalikasan at ang mga pamantayan ng gawain ay nananatiling pareho. Sa oras na mapansin mo ang mga patakaran at kalikasan ng gawain na Kanilang ipinatupad, kung gayon malalaman mo na ang lahat ay sa pamamagitan ng kamay ng nag-iisang Espiritu. Maaari pa ring masabi ng iba: Ang Ama ay ang Ama; ang Anak ay ang Anak; ang Banal na Espiritu ay ang Banal na Espiritu, at sa bandang huli, Sila ay gagawing isa. Kung gayon paano mo Sila gagawing isa? Paano magiging isa ang Ama at Banal na Espiritu? Kung Sila ay likas nang dalawa, kung gayon kahit paano man sila pagsamahin, hindi ba Sila mananatiling dalawang bahagi? Kapag sinabi mong gagawin Silang isa, hindi ba ganoon lang kasimpleng pagsamahin ang dalawang magkahiwalay na bahagi upang makagawa nang isang buo? Ngunit hindi ba sila ay dalawang bahagi bago ginawang buo? Ang bawat Espiritu ay may naiibang sangkap, at ang dalawang Espiritu ay hindi magagawang isa. Ang Espiritu ay hindi isang bagay na materyal at hindi katulad ng anuman sa materyal na mundo. Kagaya ng nakikita ng mga tao, ang Ama ay isang Espiritu, ang Anak ay isa pa, at ang Banal na Espiritu ay ganundin, pagkatapos ang tatlong Espiritu ay pagsasamahin na parang tatlong baso ng tubig sa isang buo. Hindi ba sa gayon ginawang isa ang tatlo? Ito ay isang maling pagpapaliwanag! Hindi ba ito pagbabaha-bahagi sa Diyos? Papaanong ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay gagawing isang lahat? Hindi ba sila tatlong mga bahagi at bawat isa’y may magkakaibang mga kalikasan? Mayroon pa yaong mga nagsasabi, hindi ba malinaw na sinabi ng Diyos na si Jesus ay ang Kanyang sinisintang Anak? “Si Jesus ang sinisintang Anak ng Diyos, na Kanyang kinalulugdan” ay tunay na sinalita ng Diyos Mismo. Iyon ang Diyos na nagpapatotoo sa Sarili Niya mismo, ngunit mula lamang sa magkaibang pananaw, na ang Espiritu sa langit ay sumasaksi sa Kanyang sariling pagkakatawang-tao. Si Jesus ay ang Kanyang pagkakatawang-tao, hindi ang Kanyang Anak sa langit. Naiintindihan mo ba? Hindi ba ang mga salita ni Jesus, “Ang Ama ay nasa Akin at Ako ay nasa Ama,” nagsasabing sila ay isang Espiritu? At hindi ba dahil sa pagkakatawang-tao na Sila ay nagkahiwalay sa pagitan ng langit at lupa? Sa katotohanan, Sila ay isa pa rin; kahit ano pa, ito ay para lamang ang Diyos ay sumasaksi sa Sarili Niya. Dahil sa pagbabago sa mga panahon, mga kinakailangan ng gawain, at ang iba’t ibang mga yugto ng Kanyang plano sa pamamahala, ang pangalan na kung saan ang itinatawag ng tao sa Kanya ay nagkakaiba rin. Nang Siya ay dumating upang isagawa ang unang yugto ng gawain, Siya ay maaari lamang tawaging Jehova, pastol ng mga Israelita. Sa ikalawang yugto, ang nagkatawang-taong Diyos ay maaari lamang tawaging Panginoon, at Kristo. Ngunit sa panahong iyon, ang Espiritu sa langit ay nagsabi lamang na Siya ang sinisintang Anak ng Diyos, at hindi nabanggit ang Kanyang kalagayan bilang tanging Anak ng Diyos. Ito ay hindi talagang nangyari. Paano nagkaroon ng isang anak lang ang Diyos? Kung gayon ang Diyos ay hindi maaaring maging tao? Sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao, Siya ay tinawag na sinisintang Anak ng Diyos, at, mula rito, dumating ang relasyon sa pagitan ng Ama at Anak. Ito ay dahil lamang sa paghihiwalay ng langit at lupa. Nanalangin si Hesus mula sa pananaw ng katawang-tao. Yamang nagsuot Siya ng katawang tao ng gayong normal na pagkatao, ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na Kanyang sinabi: Ang aking panlabas na balat ay sa nilikhang tao. Yamang Ako ay nagkatawang-tao upang makarating sa mundong ito, Ako ngayon ay malayo, malayung-malayo mula sa langit. Para sa kadahilanang ito, maaari lamang Siyang manalangin sa Diyos Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Ito ang Kanyang tungkulin, at ito ang dapat maipagkaloob sa nagkatawang-taong Espiritu ng Diyos. Hindi maaaring sabihin na hindi Siya Diyos dahil lamang sa nananalangin Siya sa Ama mula sa pananaw ng katawang-tao. Bagamat tinatawag Siya na sinisintang Anak ng Diyos, Siya pa rin ay Diyos Mismo, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, at ang Kanyang sangkap ay ang Espiritu pa rin. Gaya nang sa paningin ng tao, nagtataka sila kung bakit Siya nananalangin kung Siya ang Diyos Mismo. Ito ay dahil Siya ang Diyos na nagkatawang-tao, Diyos na nabubuhay sa loob ng katawang-tao, at hindi ang Espiritu sa langit. Gaya nang sa paningin ng tao, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay Diyos lahat. Ang tatlo lamang na ginawang isa ang maaaring ituring na isang tunay na Diyos, at, sa ganitong paraan, ang Kanyang kapangyarihan ay bukod-tanging pinakadakila. May mga nagsasabi pa rin na sa ganitong paraan lamang Siya magiging makapitong beses na pinatinding Espiritu. Nang manalangin ang Anak matapos pumarito, iyon ay ang Espiritu na kung kanino Siya nanalangin. Sa katotohanan, Siya ay nananalangin mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Sapagkat ang katawang-tao ay hindi buo, at hindi Siya buo at nagkaroon ng maraming mga kahinaan nang Siya ay pumaritong nasa katawang-tao. Kaya masyado Siyang naliligalig habang ipinatutupad Niya ang Kanyang gawain sa katawang-tao. Kaya nga tatlong beses Siyang nanalangin sa Diyos Ama bago ang Kanyang pagkakapako sa krus, at sa marami pang pagkakataon bago iyon. Nanalangin Siya kasama ng Kanyang mga disipulo; nanalangin Siyang mag-isa sa ibabaw ng bundok; nanalangin Siya sakay ng bangkang-pangisda; Siya ay nanalangin kasama ng napakaraming mga tao; nananalangin Siya kapag nagpuputol ng tinapay; at nananalangin Siya kapag binabasbasan ang marami. Bakit Niya ginawa ang gayon? Sa Espiritu Siya nanalangin; nananalangin Siya sa Espiritu, sa Diyos sa langit, mula sa pananaw ng katawang-tao. Samakatuwid, mula sa pananaw ng tao, si Jesus ay naging ang Anak sa yugtong iyon ng gawain. Sa yugtong ito, gayunman, hindi Siya nananalangin. Bakit nagkaganito? Sapagkat ang dala-dala Niya ay ang gawain ng salita at ang paghatol at pagkastigo ng salita. Hindi Niya kailangan ang mga panalangin, dahil ang Kanyang ministeryo ay upang magsalita. Hindi Siya inilagay sa ibabaw ng krus, at hindi Siya ibinigay ng mga tao sa mga may kapangyarihan. Ipinatutupad lamang Niya ang Kanyang gawain at ang lahat ay itinakda. Sa panahong si Jesus ay nanalangin, Siya ay nananalangin sa Diyos Ama para bumaba ang kaharian ng langit, para ang kalooban ng Ama ay matupad, at para sa gawain na darating. Sa yugtong ito, ang kaharian ng langit ay nakababa na, kaya kinakailangan pa ba Niyang manalangin? Ang Kanyang gawain ay upang dalhin ang panahon sa kanyang katapusan, at wala nang mga bagong panahon, kaya kinakailangan pa bang manalangin para sa susunod na yugto? Sa tingin ko hindi na!

Maraming mga salungatan sa mga pagpapaliwanag ng tao. Totoong, ang lahat ng mga ito ay mga paniwala ng tao; nang walang masusing pagsisiyasat, lahat kayo ay maniniwala na totoo ang mga ito. Hindi ba ninyo alam na ang ideyang ito ng Diyos bilang Trinidad ay pananaw lamang ng tao? Wala sa kaalaman ng tao ang buo at ganap. Palaging mayroong mga karumihan, at ang tao ay masyadong maraming mga ideya; pinatutunayan lamang nito na hindi talaga maipaliliwanag ng isang nilikhang tao ang gawain ng Diyos. Punung-puno ang isip ng tao, lahat ay galing sa lohika at kaisipan, na sumasalungat sa katotohanan. Mapaghihiwa-hiwalay ba nang lubos ng iyong lohika ang gawain ng Diyos? Makapagtatamo ka ba ng kaalaman sa lahat ng gawain ni Jehova? Ikaw ba bilang tao ang siyang makakikita nang lahat ng ito, o ang Diyos Mismo ang makakikita mula sa walang katapusan hanggang sa walang katapusan? Ikaw ba ang makakikita sa walang katapusan noong nakalipas na panahon hanggang sa walang katapusan na darating, o ang Diyos lamang ang makagagawa nito? Ano ang masasabi mo? Gaano ka karapat-dapat upang ipaliwanag ang Diyos? At sa anong batayan ang iyong pagpapaliwanag? Diyos ka ba? Ang kalangitan at ang lupa, at ang lahat ng bagay na nakapaloob rito ay nilikha ng Diyos Mismo. Hindi ikaw ang gumawa nito, kaya bakit ka nagbibigay ng maling mga pagpapaliwanag? Ngayon, magpapatuloy ka ba sa paniniwala sa Trinidad? Hindi mo ba naiisip na masyado itong mabigat sa ganitong paraan? Mas makabubuti para sa iyo na maniwala sa isang Diyos, hindi sa tatlo. Mas makabubuti ang maging magaan, sapagkat “ang pasanin ng Panginoon ay magaan.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin