Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 358

Marso 6, 2021

Malapit na malapit nang matapos ang Aking gawain, at ang maraming taong magkasama ay naging di-mabatang alaala ng nakaraan. Walang tigil Kong inulit ang Aking mga salita at palagiang inilatag ang Aking bagong gawain. Siyempre, ang Aking payo ay isang kinakailangang bahagi ng bawat piraso ng gawaing ginagawa Ko. Kung wala ang Aking payo, lahat kayo ay maliligaw at lubos na matutuliro pa. Ang Aking gawain ay malapit nang matapos ngayon at nasa huling yugto na nito. Nais Ko pa ring gawin ang gawain ng pagbibigay ng payo, iyon ay, ang mag-alok ng mga payo para pakinggan ninyo. Umaasa lang Ako na hindi ninyo magagawang sayangin ang Aking mga pagsisikap, at, bukod pa roon, na magagawa ninyong maunawaan ang maingat na pangangalagang Aking ginawa, at ituring ang Aking mga salita bilang saligan ng kung paano kayo kumikilos bilang isang tao. Kung ang mga ito man ay ang uri ng mga salita na handa ninyong pakinggan o hindi, kung nasisiyahan man kayo o hindi na tanggapin ang mga ito o matatanggap lang ang mga ito nang may pagkabalisa, dapat ninyong seryosohin ang mga ito. Kung hindi, ang inyong mga di-seryoso at walang malasakit na mga disposisyon at mga asal ay lubhang magpapabahala sa Akin at talagang magpapasuklam sa Akin. Lubos Akong umaasa na lahat kayo ay magagawang basahin ang Aking mga salita nang paulit-ulit—nang libu-libong beses—at maisasaulo pa nga ang mga ito. Sa ganitong paraan lang ninyo magagawang hindi biguin ang Aking mga inaasahan sa inyo. Subalit, wala sa inyo ang namumuhay nang ganito ngayon. Sa kabaligtaran, lahat kayo ay nalulubog sa isang pinasamang buhay, isang buhay ng pagkain at pag-inom hanggang sa inyong ikasisiya, at wala sa inyo ang gumagamit ng Aking mga salita upang mapayaman ang inyong puso at kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit nahinuha Ko ang totoong mukha ng sangkatauhan: Kaya Akong ipagkanulo ng tao anumang oras, at walang sinuman ang maaaring maging lubos na matapat sa Aking mga salita.

“Ang tao ay ganap nang nagawang tiwali ni Satanas na wala na siyang hitsura ng tao.” Bahagya nang kinikilala ngayon ng karamihan ng mga tao ang pariralang ito. Sinasabi Ko ito dahil ang “pagkilala” na tinutukoy Ko ay isang uri lang ng mababaw na pagkilala, na salungat sa tunay na kaalaman. Yamang wala sa inyo ang kayang tumpak na tasahin o masusing suriin ang inyong mga sarili, nananatili kayong may iba’t ibang pakahulugan sa Aking mga salita. Ngunit sa pagkakataong ito, gumagamit Ako ng mga katotohanan upang ipaliwanag ang isang pinakaseryosong problema na umiiral sa inyo. Ang problemang iyon ay ang pagkakanulo. Pamilyar kayong lahat sa salitang “pagkakanulo,” dahil karamihan sa mga tao ay nakagawa na ng isang bagay na nagkakanulo sa iba, tulad ng isang asawang lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang asawang babae, isang asawang babae na ipinagkakanulo ang kanyang asawang lalaki, isang anak na lalaki na ipinagkakanulo ang kanyang ama, isang anak na babae na ipinagkakanulo ang kanyang ina, isang alipin na ipinagkakanulo ang kanyang amo, mga magkakaibigan na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga magkakamag-anak na ipinagkakanulo ang isa’t isa, mga nagbebenta na ipinagkakanulo ang mga mamimili, at iba pa. Ang lahat ng halimbawang ito ay naglalaman ng diwa ng pagkakanulo. Sa madaling salita, ang pagkakanulo ay isang uri ng pag-uugali na sumisira sa isang pangako, lumalabag sa mga prinsipyo ng moralidad, o lumalaban sa pantaong etika, na nagpapakita ng isang pagkawala ng pagkatao. Sa pangkalahatan, bilang isang taong isinilang sa daigdig na ito, may nagawa ka nang isang bagay na maituturing na pagkakanulo sa katotohanan, kung naaalala mo man na nakagawa ka kailanman ng isang bagay upang ipagkanulo ang iba pang tao, o kung naipagkanulo mo na ang iba nang maraming beses. Dahil ikaw ay may kakayahang ipagkanulo ang iyong mga magulang o mga kaibigan, ikaw ay may kakayahang ipagkanulo ang iba, at ikaw rin ay may kakayahang magkanulo sa Akin at gumawa ng mga bagay na kinamumuhian Ko. Sa ibang salita, ang pagkakanulo ay hindi lamang isang mababaw na imoral na pag-uugali, ngunit isang bagay na hindi kaayon ng katotohanan. Ito mismo ang pinagmumulan ng paglaban at pagsuway sa Akin ng sangkatauhan. Ito ang dahilan kung bakit nalagom Ko ito sa sumusunod na pahayag: Ang pagkakanulo ay kalikasan ng tao, at ang kalikasang ito ang malaking kalaban ng pagiging kaayon sa Akin ng bawat tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Napakaseryosong Problema: Pagtataksil 1

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger