Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng Katiwalian ng Sangkatauhan | Sipi 336

Hunyo 29, 2020

Sinasabi mo na kinikilala mo ang Diyos na nagkatawang-tao at kinikilala mo ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao, subalit gumagawa ka ng ilang bagay sa Kanyang likuran, mga bagay na salungat sa Kanyang hinihiling, at sa puso mo ay wala kang takot sa Kanya. Pagkilala ba ito sa Diyos? Kinikilala mo ang mga sinasabi Niya, ngunit hindi mo isinasagawa ang kaya mong isagawa, ni hindi mo sinusundan ang Kanyang daan. Pagkilala ba ito sa Diyos? At bagama’t kinikilala mo Siya, ang nasasaisip mo ay mag-ingat lamang sa Kanya, hindi pagpipitagan kailanman. Kung nakita mo na at kinilala ang Kanyang mga gawain at alam mo na Siya ang Diyos, subalit nananatili kang malamig at lubos na walang pagbabago, ikaw ang klase ng taong hindi pa rin nalulupig. Ang mga nalupig ay kailangang gawin ang lahat ng makakaya nila, at bagama’t hindi sila makapasok sa mas matataas na katotohanan, at ang mga katotohanang ito ay hindi nila makayanan, handa ang gayong mga tao sa puso nila na matamo ito. Dahil may mga limitasyon sa kaya nilang tanggapin, may mga hangganan at limitasyon sa kaya nilang isagawa. Gayunman, kahit paano, kailangan nilang gawin ang lahat ng makakaya nila, at kung magagawa mo iyan, isa itong epektong nakamit dahil sa gawain ng panlulupig. Ipagpalagay nang sinasabi mo, “Dahil kaya Niyang magpahayag ng napakaraming salita na hindi kaya ng tao, kung hindi Siya ang Diyos, sino na?” Ang gayong pag-iisip ay hindi nangangahulugan na kinikilala mo ang Diyos. Kung kinikilala mo ang Diyos, kailangan mong ipakita iyon sa iyong aktwal na mga kilos. Kung namumuno ka sa isang iglesia, subalit hindi ka matuwid, kung nagnanasa ka sa pera at kayamanan, at lagi kang nagbubulsa ng pera ng iglesia para sa sarili mo, pagkilala ba ito na may isang Diyos? Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, at karapat-dapat Siyang pagpitaganan. Paanong hindi ka natatakot kung tunay mong kinikilala na may isang Diyos? Kung kaya mong gawin ang gayong kasuklam-suklam na mga bagay, talaga bang kinikilala mo Siya? Ang Diyos ba ang iyong pinaniniwalaan? Ang iyong pinaniniwalaan ay isang malabong Diyos; kaya hindi ka natatakot! Yaong mga totoong kumikilala at nakakakilala sa Diyos ay takot lahat sa Kanya at takot gumawa ng anumang bagay na kontra sa Kanya o lumalabag sa kanilang konsiyensya; lalo nang takot silang gumawa ng anumang bagay na alam nilang laban sa kalooban ng Diyos. Ito lamang ang maituturing na pagkilala sa pag-iral ng Diyos. Ano ang dapat mong gawin kapag sinusubukan kang pigilan ng iyong mga magulang na maniwala sa Diyos? Paano mo dapat mahalin ang Diyos kung mabait sa iyo ang asawa mong walang pananampalataya? At paano mo dapat mahalin ang Diyos kapag kinamumuhian ka ng mga kapatid? Kung kinikilala mo Siya, sa mga bagay na ito ay kikilos ka nang angkop at isasabuhay mo ang realidad. Kung bigo kang kumilos talaga ngunit sinasabi mo lamang na kinikilala mo ang pag-iral ng Diyos, puro bunganga ka lamang! Sinasabi mo na naniniwala ka sa Kanya at kinikilala Siya, ngunit paano mo Siya kinikilala? Paano mo Siya pinaniniwalaan? May takot ka ba sa Kanya? May pitagan ka ba sa Kanya? Mahal mo ba Siya sa kaibuturan ng puso mo? Kapag ikaw ay balisa at walang masandalan, nararamdaman mo na kaibig-ibig ang Diyos, ngunit pagkatapos ay nalilimutan mo ang lahat tungkol doon. Hindi iyan pagmamahal sa Diyos, at hindi rin iyan paniniwala sa Diyos! Ano, sa bandang huli, ang nais ng Diyos na makamtan ng tao? Lahat ng kalagayang Aking binanggit, gaya ng labis na paghanga sa sarili mong kahalagahan, na madali kang makakuha at makaunawa sa mga bagong bagay, pagkontrol sa iba, paghamak sa iba, paghusga sa mga tao batay sa kanilang hitsura, pang-aapi sa matatapat na tao, pag-iimbot sa pera ng iglesia, at iba pa—kapag naalis na sa iyo, kahit paano, ang lahat ng tiwaling disposisyong ito, saka lamang makikita na nalupig ka na.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger