Tagalog Christian Song With Lyrics | "Para Mahalin ang Diyos, Kailangan Ninyong Maranasan ang Kanyang Pagiging Kaibig-ibig"
Setyembre 28, 2021
I
Kung ang tao'y nananalig sa Diyos,
at dinaranas Kanyang salita,
na may pusong 'ginagalang Siya,
ililigtas, mamahalin Niya sila.
Kaya nilang patotohanan ang Diyos,
katotohana'y isinasabuhay nila't
saksi kung ano ang Diyos at disposisyon Niya.
Sa pag-ibig ng Diyos, nabubuhay sila.
Kung tao'y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya'y dapat lasapin,
kariktan Niya'y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos.
II
Ayaw Niya silang mahalin Siya
sa salita o imahinasyon.
Hinahayaan lang Niya sila
na mahalin Siya nang kusa.
Kariktan Niya'y 'pinapakita
sa salita't gawain Niya,
at nagkakaroon sila ng tunay na pagmamahal sa Kanya.
Sa ganitong paraan lang Siya mapapatotohanan.
Pagmamahal sa Kanya'y 'di pilit o sa silakbo ng damdamin.
Kung tao'y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya'y dapat lasapin,
kariktan Niya'y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos.
III
Mahal nila Siya dahil kariktan Niya'y nakikita,
na maraming dapat mahalin sa Kanya.
Nakita pagliligtas, dunong, kamangha-manghang gawa Niya.
Kaya Siya ay pinupuri nila at hinahangad,
pinukaw damdamin nila
na 'di sila mabubuhay nang 'di natatamo ang Diyos.
Kung tao'y nais mahalin ang Diyos,
kariktan Niya'y dapat lasapin,
kariktan Niya'y dapat tingnan;
saka lang mapupukaw
pusong nagmamahal sa Diyos
at tapat na gumugugol sa Diyos,
at tapat na gumugugol sa Diyos.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video