Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 501

Setyembre 14, 2020

Ang higit mong pagsasagawa ng katotohanan, mas higit kang magmamay-ari ng katotohanan; ang higit mong pagsasagawa ng katotohanan, mas higit kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos; at kung higit mong pagsasagawa ng katotohanan, mas higit kang pinagpala ng Diyos. Kung lagi ang pagsasagawa mo sa ganitong paraan, unti-unti mong makikita ang pag-ibig ng Diyos sa iyo, at makikilala mo ang Diyos tulad ng ginawa ni Pedro: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, na Siya rin ay may karunungang gawin ang tunay na gawa sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng mga langit at lupa at ng lahat ng mga bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang lumikha ng tao, na iligtas ang tao, na gawing perpekto ang tao, at upang ipamana ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya, sinabi rin ni Pedro na marami sa Kanya ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Hindi ka ba karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao higit pa para sa paglikha ng mga langitan at lupa at lahat ng bagay? Marami pang bagay ang nasa Iyo na kaibig-ibig, kumikilos Ka sa tunay na buhay, hinahawakan ako sa loob ng Iyong Espiritu, dinidisiplina Mo ako, kinagagalitan Mo ako—ang mga bagay na ito ay higit pang karapat-dapat ng pag-ibig ng mga tao.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, sa gayon ay kailangan mong tuklasin at hanapin ang tunay na buhay, at dapat maging handang isantabi ang iyong sariling laman. Kailangan mong gawin ang kapasyahang ito. Kailangan mong maging isang tao na may paninindigan, na maaaring magpalugod sa Diyos sa lahat ng bagay, na walang katamaran, o pagnanasa sa saya ng laman, hindi nabubuhay para sa katawang-tao ngunit nabubuhay para sa Diyos. May mga pagkakataon na hindi mo nabibigyang kasiyahan ang Diyos. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos; sa susunod, kahit na ito ay mangangailangan ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang kasiyahan, at hindi dapat bigyang kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo ang Diyos. Makikita mo na nilikha ng Diyos ang langit at lupa at lahat ng mga bagay, na Siya ay naging tao upang ang mga tao ay tunay at aktwal na makita Siya, at tunay at aktwal na makipagkasundo sa Kanya, na Siya ay may kakayahang makisalamuha sa tao, na ang Kanyang Espiritu ay may kakahayang gawing perpekto ang tao sa tunay na buhay, hahayaan silang makita ang Kanyang kagandahan at danasin ang Kanyang pagdisiplina, ang Kanyang pagtutuwid, at Kanyang mga biyaya. Kung palagi mong nararanasan ito sa ganitong paraan, hindi ka mahihiwalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ang iyong relasyon sa Diyos ay huminto upang maging karaniwan, maaari mong pagdusahan ang kahihiyan, at maaaring makaramdam ng pagsisisi. Kapag mayroon kang normal na relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaising iwan ang Diyos, at kapag dumating ang araw na sinabi ng Diyos na iiwanan ka Niya, ikaw ay matatakot, at magsasabi na mas nanaisin mong mamatay kaysa iwanan ng Diyos. Sa sandaling mayroon kang ganitong damdamin, mararamdaman mong hindi mo kayang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na masisisyahan sa pag-ibig ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag

Mas Isagawa ang Katotohanan, Mas Pagpapalain ng Diyos

Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may pangitain, may katotohanan at may kaalaman, at tunay na mahal Siya.

Upang mamasdan ang pag-ibig ng Diyos, isagawa'ng katotohanan sa tunay na buhay, magtiis sa sakit at talikuran ang iniibig nang Diyos ay malugod at magalak.

Sa kabila ng luhang iyong iniiyak, palugurin pa rin ang puso ng Diyos. Pagpapalain ka't sakit na 'yong dinadala'y ihahatid gawain ng Banal na Espiritu. Sa tunay na buhay, sa pagdanas ng mga salita ng Diyos, makikita ng tao, makikita nila ang kagandahan ng Diyos. At sa paglasap lamang ng Kanyang pagmamahal nila Siya mamahalin. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang pagpapalain ng Diyos. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay nito. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos. Kung laging ganito'ng pagsasagawa mo, unti-unti mong makikita pag-ibig Niya sa'yo. Makikilala mo'ng Diyos tulad ni Pedro, na 'di lang Siya may karunungang lumikha ng mga langit at lupa't lahat ng bagay ngunit higit pa rito, Siya rin ay may karunungan na gawin ang tunay na gawain sa mga tao.

Sinabi ni Pedro, karapat-dapat ang Diyos sa pag-ibig ng tao dahil Siya ang gumawa ng langit at lupa at lahat ng bagay na nalikha.

Ngunit higit pa rito, nilikha Niya ang taong kaya Niyang iligtas at gawing perpekto, ipinapamana Niya'ng pag-ibig Niya sa tao. Napakaraming kaibig-ibig sa Kanya. Sa tunay na buhay, sa pagdanas ng mga salita ng Diyos, makikita ng tao, makikita nila ang kagandahan ng Diyos. At sa paglasap lamang ng Kanyang pagmamahal nila Siya mamahalin. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang pagpapalain ng Diyos. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay nito. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang pagpapalain ng Diyos. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay nito. Lalo mong isagawa'ng katotohanan, lalo kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger