Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 497

Disyembre 19, 2020

Sa bawa’t hakbang ng paggawa ng Diyos sa kalooban ng mga tao, sa panlabas, mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na parang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Nguni’t sa likod ng mga eksena, bawa’t hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pakikipagtawaran na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at humihinging manindigan ang mga tao sa kanilang testimonya sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, pumupusta si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay ang mga gawain ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawa’t hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyong kalooban ay pakikipagtawaran ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may kiling tungo sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay nakayayamot sa Diyos—nguni’t magiging mahirap ito para sa iyong kalooban, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo: Magsasalita ba ako o hindi? Ito ang paglalaban. Kaya, sa lahat ng bagay ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, salamat sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa ang Diyos ay gumagawa sa iyong kalooban. Sa huli, sa loob mo ay kayang iisantabi ang mga bagay-bagay. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ang pagbabayad ng isang tiyak na halaga sa iyong mga pagsisikap sa lahat ng iyong ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi mo maaaring mapasaya ang Diyos, hindi man lamang ito kalapitan sa pagpapasaya sa Diyos, at ang mga ito ay walang iba kundi walang-laman na mga kasabihan! Maaari bang masiyahan ang Diyos sa mga kasabihang ito na walang-laman? Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na kinasasaklawan, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na panindigan ang testimonya. Sa panlabas, ang mga yaon ay hindi mukhang isang malaking bagay, nguni’t kapag ang mga bagay na ito ay nangyayari ipinakikita ng mga yaon kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, ikaw ay makakapanindigan sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo isinasagawa ang pag-ibig sa Kanya, ito ay nagpapakitang ikaw ay isang taong hindi nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Lahat ng bagay na nangyayari sa tao ay kapag kailangan ng Diyos na sila ay manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Walang malaking pangyayari sa iyo sa sandaling ito, at hindi ka nagdadala ng dakilang testimonya, nguni’t ang bawa’t detalye ng iyong pang araw-araw na buhay ay kaugnay sa testimonya sa Diyos. Kung kaya mong makamit ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi naniniwala, at humanga sa lahat na iyong ginagawa, at makitang ang lahat na ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, sa gayon ikaw ay nagpatotoo. Kahit wala kang panloob-na-pananaw at ang iyong kalibre ay mababa, sa pamamagitan ng paggawang ganap sa iyo ng Diyos, magagawa mong Siya ay bigyang-kasiyahan at pahalagahan ang Kanyang kalooban. Makikita ng iba kung ano ang dakila Niyang gawa sa mga tao na may pinakamababang kalibre. Dumarating ang mga tao sa pagkakilala sa Diyos, at nagiging mga mandaraig laban kay Satanas at matapat sa Diyos sa isang antas ng lawak. Kaya walang sinuman ang mas magkakaroon ng lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao. Ito ang magiging pinakadakilang pagpapatotoo. Kahit na ikaw ay walang kakayahan sa paggawa ng dakilang gawa, makakaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisasantabi ng iba ang kanilang mga paniniwala, nguni’t kaya mo; ang iba ay hindi kayang magdala ng testimonya sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, nguni’t maaari mong gamitin ang iyong aktwal na tayog at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magdala ng umuugong na pagpapatotoo sa Kanya. Tanging ito lamang ang mahalaga bilang aktwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ito kaya, sa gayon hindi ka makapagbibigay ng pagpapatotoo sa mga miyembro ng iyong pamilya, sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi mo kayang magdala ng pagpapatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan ka ni Satanas, ituturing ka nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, madalas ka nitong lilinlangin, at gagawin kang baliw. Sa hinaharap, maaring dumating sa iyo ang mga malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, walang pagsasaalang-alang kung ano ang mangyayari sa iyo, nagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagawang pasayahin ang Diyos, doon lulubag ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari ninyo lamang pasayahin ang Diyos sa mga kaganapan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawa at dapat tumuon sa pagpapasaya sa Diyos sa pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at pagpapakita ng matibay at maugong na pagpapatotoong nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Kahit na mananatili ang iyong laman na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, ang Diyos ay magbubukas ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, ang iba ay babagsak, nguni’t ikaw ay makatatayo nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang ikaw ay matatag na makatayo at hindi babagsak. Kung, karaniwan, ikaw ay mayroong kakayahang isagawa ang katotohanan at mabigyang-kasiyahan ang Diyos na may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, sa gayon tiyak na iingatan ka ng Diyos sa hinaharap na mga pagsubok. Kahit na ikaw ay hangal at mababa ang tayog at mababa ang kalibre, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama. Ngayon, iyong napapasaya ang Diyos, kung saan ikaw ay masigasig sa mga pinakamaliit na detalye, iyong pinalulugod ang Diyos sa lahat ng mga bagay, ikaw ay may isang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang iyong tunay na puso sa Diyos, at bagama’t may ilang mga bagay na hindi mo maunawaan, maaari kang humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga motibasyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at iyong gawin ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil, ang iyong mga kapatid na lalaki at babae ay mang-iiwan sa iyo, nguni’t ang iyong puso ay magpapasaya sa Diyos, at hindi mo pagnanasahan ang mga tawag ng laman. Kung lagi kang magsasagawa sa ganitong paraan, ikaw ay kakanlungin sa panahon ng pagdating ng malalaking mga pagsubok.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger