Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 461

Setyembre 21, 2020

Sa panahong ito, maraming tao ang hindi nagbibigay-pansin sa kung anong mga aral ang dapat matutunan habang umuugma sa iba. Natuklasan Kong marami sa inyo ang hindi man lamang natututo ng mga aral habang umuugma sa iba; kumakapit ang karamihan sa inyo sa sarili ninyong mga pananaw. Kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang gusto mong sabihin at sinasabi ng iba pa ang gusto nilang sabihin, at ang isa ay walang kaugnayan sa iba; hindi talaga kayo nagtutulungan man lamang. Kayong lahat ay masyadong nakatuon sa pagpapaabot lamang ng mga sarili ninyong pagkakita o sa pagpapalaya ng mga “bigat” na dinadala ninyo sa loob ninyo, nang hindi naghahanap ng buhay kahit sa pinakamaliit na paraan. Mukhang ginagawa lang ang gawain nang hindi nag-iisip, laging naniniwalang dapat mong tahakin ang sarili mong landas anuman ang sinasabi o ginagawa ng iba; iniisip mong dapat kang magbahagi habang ginagabayan ka ng Banal na Espiritu, anuman ang maaaring maging kalagayan ng iba. Hindi ninyo nagagawang tuklasin ang mga kalakasan ng iba, at ni hindi rin ninyo kayang suriin ang mga sarili ninyo. Ang pagtanggap ninyo sa mga bagay-bagay ay talagang lihis at mali. Masasabing kahit ngayon ay nagpapakita pa rin kayo ng matinding pagmamagaling, na para bang nagbalik kayo sa dating sakit na iyon. Hindi kayo nakikipagtalastasan sa isa’t isa sa isang paraang lubos na hayagan, halimbawa, tungkol sa kung anong uri ng kinalabasan ang nakamit na ninyo sa paggawa sa ilang iglesia, o tungkol sa kundisyon ng iyong mga panloob na katayuan kamakailan, at iba pa; sadyang hindi kayo kailanman nagtatalastasan tungkol sa mga ganoong bagay. Talagang hindi kayo sumasangkap sa mga pagsasagawa na gaya ng pagbitaw sa mga sarili ninyong pagkaunawa o pagtalikod sa inyong mga sarili. Iniisip lang ng mga pinuno at manggagawa kung paano mapapanatiling hindi negatibo ang kanilang mga kapatid at kung paano nila magagawang sumunod nang masigla. Gayunman, iniisip ninyong lahat na ang pagsunod lamang nang masigla ay sapat na, at ang totoo, hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng makilala ang inyong sarili at talikuran ang inyong sarili, lalo nang hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng maglingkod nang nakaugma sa iba. Iniisip lamang ninyong loobin mismo na suklian ang Diyos sa Kanyang pagmamahal, na loobin mismong isabuhay ang estilo ni Pedro. Maliban sa mga bagay na ito, wala na kayong iba pang iniisip. Sinasabi pang, anuman ang ginagawa ng ibang tao, hindi ka mistulang bulag na magpapasakop, at na ano mang klase ang mga tao, hahanapin mo mismo ang pagpeperpekto ng Diyos, at na magiging sapat na iyon. Subalit, ang totoo, hindi matibay na naipahayag sa realidad ang kalooban mo sa anumang paraan. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay ang uri ng pag-uugali na ipinapakita ninyo ngayong mga araw na ito? Mahigpit na kumakapit ang bawat isa sa inyo sa sarili ninyong pagkakita, at nais ninyong lahat na magawang perpekto. Nakikita Kong nakapaglingkod na kayo nang matagal na panahon nang walang nagawang gaanong pagsulong; sa aral na ito, lalo na, ng paggawa nang magkakasama na may pagsusunuran, wala kayong nakamit ni anuman! Kapag bumababa sa mga iglesia nangungusap ka sa sarili mong paraan, at ang iba ay nangungusap sa paraan nila. Bihirang nagaganap ang pagtutulungan na may pagsusunuran, at higit itong totoo sa mga tagasunod na mas mababa ang posisyon sa iyo. Ang ibig sabihin, bihirang nauunawaan ng sinuman sa inyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat paglingkuran ng isang tao ang Diyos. Naguguluhan kayo at itinuturing ang mga ganitong uri ng aral bilang di-mahahalagang bagay. Marami pa ngang tao ang hindi lang nabibigong isagawa ang aspetong ito ng katotohanan, kundi sadya pang gumagawa ng mali. Kahit yaong mga naglingkod na nang maraming taon ay nag-aaway at nagpaplano laban sa isa’t isa at naiinggit at nakikipagkumpitensya; kanya-kanya sila, at ni hindi man lang sila nagtutulungan. Hindi ba kumakatawan ang lahat ng bagay na ito sa inyong aktwal na tayog? Kayong mga tao na naglilingkod nang magkakasama araw-araw ay parang mga Israelita, na direktang naglingkod sa Diyos Mismo araw-araw sa templo. Paano nangyari na kayong mga tao, na naglilingkod sa Diyos, ay walang ideya kung paano makipag-ugma o paano maglingkod?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger