Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 451

Setyembre 27, 2020

Sa kasalukuyang daloy, lahat niyaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na magawa Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda, basta’t pinananatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay kaya Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t ibang mga tungkulin. Basta’t ginugugol mo ang lahat ng iyong kalakasan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos, ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Kung minsan nagagampanan ninyo ang isang uri ng tungkulin, at sa ibang pagkakataon nagagampanan ninyo ang dalawa. Hangga’t ginagawa ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang gugulin ang inyong sarili para sa Diyos, sa kahuli-hulihan kayo ay mapeperpekto ng Diyos.

Ang mga kabataan ay may kakaunting pilosopiya para mabuhay, at sila ay kulang sa karunungan at kabatiran. Ang Diyos ay dumating upang gawing perpekto ang karunungan at kabatiran ng tao. Ang salita Niya ay nagpupuno sa kanilang mga kakulangan. Gayunpaman, ang mga disposisyon ng kabataan ay hindi matatag, at dapat mapabagong-anyo ng Diyos. Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga paniwalang panrelihiyon at mas kaunting pilosopiya para mabuhay; sila ay nag-iisip tungkol sa lahat ng bagay sa mga simpleng termino, at ang kanilang mga pagmumuni-muni ay hindi kumplikado. Ito ang bahagi ng kanilang pagkatao na hindi pa nahubog, at ito ay isang kapuri-puring bahagi; subali’t ang kabataan ay ignorante at kulang sa karunungan. Ito ay isang bagay na kailangang maperpekto ng Diyos. Ang pagperpekto ng Diyos ay magbibigay-kakayahan sa inyo na mapaunlad ang pagkilatis. Makakaya ninyong malinaw na maunawaan ang maraming espirituwal na bagay, at unti-unting maging isang taong nababagay para gamitin ng Diyos. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae ay mayroon ding kanilang tungkulin na gagampanan, at sila ay hindi iniiwan ng Diyos. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae rin ay may mga kapwa kanais-nais at mga hindi-kanais-nais na aspeto. Sila ay may mas maraming pilosopiya para mabuhay at may mas maraming paniwalang panrelihiyon. Sa kanilang mga kilos, sila ay kumakapit sa maraming mahigpit na kinasanayan, bilang mahihilig sa mga alituntunin na inilalapat nila nang mekanikal at walang kaluwagan. Ito ay hindi isang kanais-nais na aspeto. Gayunpaman, itong mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay nananatiling kalmado at matatag anuman ang nangyayari; ang kanilang mga disposisyon ay matatag at sila ay walang mapupusok na damdamin. Maaaring mabagal sila sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, subali’t ito ay hindi isang malaking pagkukulang. Hanggang kaya ninyong magpasakop; hangga’t kaya ninyong tanggapin ang kasalukuyang mga salita ng Diyos at hindi sinusuri ang mga salita ng Diyos; hangga’t ang inyong layon lamang ay pagpapasakop at pagsunod, at hindi nanghuhusga sa mga salita ng Diyos o nagkikimkim ng iba pang mga masamang kaisipan tungkol sa kanila; hangga’t inyong tinatanggap ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang mga ito—kung gayon, dahil nasusunod ang lahat ng kundisyong ito—kayo ay kayang maperpekto.

Maging kayo man ay mas bata o mas matandang kapatid na lalaki o babae, nalalaman ninyo ang tungkulin na dapat ninyong gampanan. Yaong mga nasa kanilang kabataan ay hindi mapagmataas; yaong mga mas matatanda ay hindi walang-kibo, ni paurong sila. Higit pa, nakakaya nilang gamitin ang lakas ng bawa’t isa upang mapunan ang kanilang mga kahinaan, at nagagawa nilang maglingkod sa isa’t isa nang walang pagtatangi. Isang tulay ng pagkakaibigan ang nabubuo sa pagitan ng mas bata at mas matatandang kapatid na lalaki at babae, at dahil sa pag-ibig ng Diyos nagagawa ninyong mas mabuting maintindihan ang isa’t isa. Hindi hinahamak ng mga nakababatang kapatid na lalaki at babae ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae, at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay hindi mapagmagaling: Hindi ba ito isang may pagkakasunduang pagsasama? Kung lahat kayo ay mayroong ganitong paninindigan, kung gayon ang kalooban ng Diyos ay tiyak na matutupad sa inyong henerasyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawa’t Isa sa Kanilang Tungkulin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger