Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpasok sa Buhay | Sipi 441

Setyembre 9, 2020

Kapag sinasangkapan mo ang iyong sarili para sa buhay, kailangan mong magtuon sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kailangan mong makayang magsalita tungkol sa pagkakilala sa Diyos, sa iyong mga pananaw tungkol sa buhay ng tao, at, lalo na, sa iyong kaalaman tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos sa mga huling araw. Yamang hinahabol mo ang buhay, kailangan mong sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na ito. Kapag kumakain at umiinom ka ng mga salita ng Diyos, kailangan mong sukatin ang realidad ng sarili mong kalagayan kumpara sa mga ito. Ibig sabihin, kapag natuklasan mo ang iyong mga pagkukulang habang dumaranas ng totoo mong realidad, kailangang makaya mong makakita ng isang landas ng pagsasagawa, na talikuran ang iyong mga maling motibo at pagkaunawa. Kung lagi kang nagsisikap para sa mga bagay na ito at buong pusong nagsisikap tungo sa pagkakamit ng mga ito, magkakaroon ka ng landas na susundan, hindi ka makararamdam ng kahungkagan, at sa gayo’y magagawa mong manatili sa isang normal na kalagayan. Saka ka lamang magiging isang tao na nagdadala ng pasanin sa sarili mong buhay, na may pananampalataya. Bakit kaya hindi magawa ng ilang tao, matapos basahin ang mga salita ng Diyos, na isagawa ang mga ito? Hindi ba dahil hindi nila natatarok ang pinakamahahalagang bagay? Hindi ba dahil hindi sila seryoso sa buhay? Kaya hindi nila natatarok ang mahahalagang bagay at wala silang landas sa pagsasagawa ay dahil kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila maiugnay ang sarili nilang mga kalagayan sa mga ito, ni nasusupil ang sarili nilang mga kalagayan. Sinasabi ng ilang tao: “Binabasa ko ang mga salita ng Diyos at iniuugnay ang aking kalagayan sa mga ito, at alam ko na ako ay tiwali at kulang sa kakayahan, nguni’t hindi ko kayang bigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos.” Panlabas pa lang ang nakita mo; maraming totoong bagay na hindi mo alam: paano isantabi ang mga kasiyahan ng laman, paano isantabi ang pagmamagaling, paano baguhin ang iyong sarili, paano pumasok sa mga bagay na ito, paano dagdagan ang iyong kakayahan, at saang aspeto magsisimula. Natatarok mo lang ang ilang bagay sa panlabas, at ang alam mo lang ay na talagang napakatiwali mo. Kapag nakikipagkita ka sa iyong mga kapatid, nagsasalita ka tungkol sa kung gaano ka katiwali, at mukhang kilala mo ang sarili mo at mabigat ang pasaning dinadala mo sa buhay. Sa katunayan, hindi nagbago ang iyong tiwaling disposisyon, na nagpapatunay na hindi mo pa natatagpuan ang landas sa pagsasagawa. Kung namumuno ka sa isang iglesia, kailangan mong makayang unawain ang mga kalagayan ng mga kapatid at tukuyin ang mga ito. Maaari bang sabihin mo lang na: “Suwail at paurong kayong mga tao!”? Hindi, kailangan mong tukuyin kung paano namamalas ang kanilang pagsuway at pagiging paurong. Kailangan mong magsalita tungkol sa kanilang mga suwail na kalagayan, sa kanilang suwail na mga pag-uugali, at sa kanilang makasatanas na mga disposisyon, at kailangan mong magsalita tungkol sa mga bagay na ito sa isang paraan na lubos silang nakukumbinsi ng katotohanan sa iyong mga salita. Gumamit ng mga katunayan at halimbawa para ipaliwanag ang pinupunto mo, at sabihin nang tumpak kung paano sila makakahulagpos sa mapanghimagsik na pag-uugali, at tukuyin ang landas sa pagsasagawa—ganito ang pagkumbinsi sa mga tao. Yaon lamang mga gumagawa nito ang may kakayahang mamuno sa iba; sila lamang ang may taglay na realidad ng katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagsasagawa 7

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger