Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 603

Setyembre 21, 2020

Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos. Kapag ang isa na naniniwala sa Diyos ay hindi sumusunod sa Diyos o gumagalang sa Diyos bagkus ay sumusuway sa Kanya, kung gayon ito ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung ang pagsasalita at pag-uugali ng isang mananampalataya ay palaging basta na lang at hindi mapigilan gaya ng isang hindi mananampalataya, kung gayon ang mananampalatayang ito ay mas masama pa kaysa hindi mananampalataya; sila ay isang karaniwang demonyo. Yaong mga nasa iglesia na nagbubulalas ng kanilang makamandag, may malisya na pananalita, yaong mga nasa kalagitnaan ng mga kapatiran na nagkakalat ng mga usap-usapan, pumupukaw ng kawalan ng pagkakaisa at bumubuo ng mga grupo ay dapat naitiwalag mula sa iglesia. Nguni’t dahil ngayon ay isang naiibang panahon ng gawain ng Diyos, ang mga taong ito ay hinihigpitan, sapagka’t sila ay tiyak na nakatalaga na para sa pag-aalis. Yaong mga nagawang tiwali ni Satanas ay lahat mayroong tiwaling disposisyon. Gayunpaman ang ibang mga tao ay mayroong mga tiwaling disposisyon lamang mayroong mga iba na hindi kagaya nito, na hindi lamang sila mayroong tiwali at mala-satanas na disposisyon, kundi ang kanilang mga kalikasan ay sukdulang malisyoso. Ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng ganitong uri ng mga tao ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang tiwaling mala-satanas na mga disposisyon, kundi sila mismo ang totoong diyablong Satanas. Ang tangi nilang ginagawa ay gambalain at guluhin ang gawain ng Diyos, guluhin ang pagpasok sa buhay ng mga kapatiran, at sirain ang normal na buhay ng iglesia. Ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang mapalayas sa malao’t madali, at hindi dapat kaawaan at tanggapin ang mga aliping ito ni Satanas. Sa paggawa lamang nito makapaninindigan ang isa sa panig ng Diyos at yaong hindi makagagawa ay nakikipagsabwatan kay Satanas. Ang Diyos ay palaging nasa puso nila na talagang naniniwala sa Diyos at palaging taglay sa loob nila ang isang pusong gumagalang sa Diyos, isang pusong maibigin sa Diyos. Yaong mga naniniwala sa Diyos ay gumagawa dapat ng mga bagay sa pamamagitan ng isang maingat at mapanagot na puso, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay alinsunod dapat sa mga kinakailangan ng Diyos at makalulugod sa puso ng Diyos. At sila ay hindi dapat matigas ang ulo, ginagawa ang anumang maibigan; na hindi angkop sa banal na kagandahang-asal. Hindi dapat magwala ang mga tao at iwagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanloloko kahit saan; ang paggawa nito ay ang pinakarebelyosong pagkilos. Ang mga pamilya ay mayroong kanilang mga patakaran at ang mga bansa ay mayroong kanilang mga batas, hindi ba’t lalo na sa tahanan ng Diyos? Hindi ba’t ang mga pamantayan ay lalong mas mahigpit? Hindi ba’t mas maraming atas administratibo? Malaya ang mga tao na gawin kung ano ang gusto nila, nguni’t ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring basta na lamang mababago kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapahintulot sa mga tao na saktan Siya at ang Diyos ay isang Diyos na naglalagay sa mga tao sa kamatayan—hindi pa ba talaga ito alam ng mga tao?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin