Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 600

Hulyo 24, 2020

Noong una ay walang mga pamilya sa gitna ng sangkatauhan, lalaki at babae lang, dalawang uri ng tao. Walang mga bayan, bukod pa sa mga pamilya, na dahil sa kasamaan ng tao, lahat ng uri ng mga tao ay isinaayos ang kanilang mga sarili sa indibidwal na mga angkan, nang tumagal ay nabuo ang mga bayan at mga bansa. Ang mga bayan at mga bansa na ito ay binubuo ng maliliit na indibidwal na pamilya, at sa ganitong paraan ang lahat ng uri ng mga tao ay nangalat sa pagitan ng iba’t ibang mga lahi ayon sa mga pagkakaiba sa wika at naghahating mga hangganan. Sa katunayan, hindi alintana kung gaano karaming mga lahi ang nasa mundo, ang sangkatauhan ay mayroon lang isang ninuno. Sa simula, may dalawang uri lang ng tao, at ang dalawang uri na ito ay lalaki at babae. Gayunpaman, dahil sa pagsulong ng gawain ng Diyos, paglipas ng kasaysayan at heograpikal na mga pagbabago, sa iba’t ibang antas ang dalawang uri ng taong ito ay bumuo ng higit pang mga uri ng tao. Kung tutuusin, gaano man karami ang mga lahi na bumubuo sa sangkatauhan, ang lahat ng sangkatauhan ay nilikha pa rin ng Diyos. Hindi alintana kung anong lahi kabilang ang tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; silang lahat ay mga inapo nina Adan at Eba. Kahit na sila ay hindi ginawa ng mga kamay ng Diyos, sila ay mga inapo nina Adan at Eba, na personal na nilikha ng Diyos. Hindi alintana kung sa aling uri kabilang ang tao, silang lahat ay Kanyang mga nilikha; at dahil nabibilang sila sa sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, ang kanilang hantungan ay kung saan dapat ang sangkatauhan, at sila ay nahahati ayon sa mga panuntunan na bumuo sa sangkatauhan. Ibig sabihin, ang mga gumagawa ng kasamaan at ang mga matuwid ay, kung tutuusin, mga nilalang. Ang mga nilalang na gumawa ng masama ay wawasakin sa bandang huli, at ang mga nilalang na gumanap ng matuwid na gawa ay makakaligtas. Ito ang pinaka-angkop na kaayusan para sa dalawang uri ng nilalang na ito. Hindi maaaring itanggi ng mga gumagawa ng kasamaan, na dahil sa kanilang pagsuway, na sila ay mga nilikha ng Diyos ngunit nilooban sila ni Satanas kung kaya hindi sila maililigtas. Ang mga nilalang na may matuwid na pag-uugali ay hindi maaaring umasa sa katunayan na sila ay makakaligtas sa pagtanggi na sila ay nilikha ng Diyos ngunit natanggap ang kaligtasan pagkatapos gawing masama ni Satanas. Ang mga gumagawa ng kasamaan ay mga nilalang na mga suwail sa Diyos; sila ay ang mga nilalang na hindi maaaring mailigtas at ganap nang nilooban ni Satanas. Ang mga taong gumagawa ng masama ay mga tao rin; sila ay mga taong ganap na ginawang masama at mga tao na hindi maaaring mailigtas. Dahil sila ay mga nilalang din, ang mga taong matuwid ang pag-uugali ay naging masama rin, ngunit sila ay mga tao na nais kumawala sa kanilang masamang disposisyon at may kakayahang sumunod sa Diyos. Ang mga taong matuwid ang pag-uugali ay hindi umaapaw sa pagkamatuwid; sa halip, sila ay nakatanggap ng kaligtasan at naging malaya sa kanilang masamang disposisyon upang sundin ang Diyos; sila ay maninindigan hanggang sa katapusan, ngunit hindi ibig sabihin na hindi sila nagawang masama ni Satanas. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, sa gitna ng lahat ng Kanyang mga nilikha, magkakaroon ng mga wawasakin at ang mga makakaligtas. Ito ay isang pangyayari na di-maiiwasan sa Kanyang gawaing pamamahala. Hindi ito maikakaila ninuman. Ang mga gumagawa ng kasamaan ay hindi makakaligtas; yaong mga tatalima at susunod sa Kanya hanggang katapusan ay tiyak na makakaligtas. At dahil sa ang gawaing ito ay sa pamamahala ng sangkatauhan, mayroong mga mananatili at yaong mga aalisin. Ang mga ito ay iba’t ibang mga kalalabasan ng iba’t ibang uri ng mga tao, at ito ang mga pinaka-angkop na mga kaayusan para sa Kanyang mga nilikha. Ang pangwakas na kaayusan ng Diyos para sa sangkatauhan ay upang hatiin sa pamamagitan ng pagwawatak-watak sa mga pamilya, pagwawatak-watak sa mga bansa at pagwawatak-watak sa mga pambansang hangganan. Ito’y isa na walang mga pamilya at pambansang hangganan, sapagkat ang tao ay, kung tutuusin, may isang ninuno at nilikha ng Diyos. Sa madaling sabi, ang mga nilalang na gumagawa ng masama ay wawasakin, at ang mga nilalang na sumusunod sa Diyos ay makakaligtas. Sa ganitong paraan, walang mga pamilya, walang mga bayan at lalong walang mga bansa sa kapahingahan ng hinaharap; ang ganitong uri ng sangkatauhan ay ang pinakabanal na uri ng sangkatauhan. Sina Adan at Eba ay nilikha upang pangalagaan ng tao ang lahat ng mga bagay sa lupa; ang tao ay ang orihinal na panginoon ng lahat ng mga bagay. Ang intensyon ni Jehova sa paglalang sa tao ay upang payagan ang tao na umiral sa lupa at mangalaga rin sa lahat ng mga bagay na nasa ibabaw nito, dahil ang tao ay hindi naman orihinal na masama at hindi rin kayang gumawa ng kasamaan. Gayunpaman, pagkatapos gawing masama ang tao, hindi na siya ang tagapag-alaga sa lahat ng mga bagay. At ang layunin ng kaligtasan ng Diyos ay upang maibalik ang tungkulin na ito ng tao, upang maibalik ang orihinal na dahilan ng tao at ang kanyang orihinal na pagkamasunurin; ang sangkatauhan sa kapahingahan ay ang pinaka-larawan ng resulta sa inaasahang makamit ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Kahit hindi na ito ang buhay na kagaya sa Hardin ng Eden, ang diwa nito ay pareho lang; ang sangkatauhan ay hindi na magiging kagaya ng dati na hindi masama, ngunit sa halip ay isang sangkatauhan na ginawang masama at pagkatapos ay tumanggap ng kaligtasan. Ang mga taong ito na nakatanggap ng kaligtasan ay sa bandang huli (iyon ay, kapag ang Kanyang gawain ay nagtapos na) papasok sa kapahingahan. Gayundin, ang mga kahihinatnan ng mga taong naparusahan ay lubos ding mabubunyag sa katapusan, at sila ay wawasakin lang pagkatapos ng Kanyang gawain. Ibig sabihin nito na pagkatapos ng Kanyang gawain, ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at ang mga taong nailigtas ay mabubunyag, dahil sa gawain ng pagbunyag ng lahat ng mga uri ng mga tao (maging sila man ay gumagawa ng masama o ang nailigtas) ay isasagawa sa lahat ng tao nang sabay-sabay. Ang mga gumagawa ng masama ay aalisin, at yaong mga magagawang manatili ay sabay-sabay na ibubunyag. Samakatuwid, ang kahihinatnan ng lahat ng mga uri ng mga tao ay ibubunyag nang sabay-sabay. Hindi muna Niya hahayaan ang isang grupo ng mga tao na mga nailigtas na pumasok sa kapahingahan bago ang pagbubukod sa mga gumagawa ng kasamaan at paghuhusga o pagpaparusa sa mga ito nang paunti-unti; ang katotohanan ay hindi ganito. Kapag nawasak na ang mga gumagawa ng masama at yaong mga makakaligtas ay pumasok na sa kapahingahan; ang Kanyang gawain sa buong sansinukob ay magtatapos. Walang mauuna o mahuhuli sa mga tatanggap ng mga pagpapala at mga magdurusa sa kasawian; ang mga tatanggap ng mga pagpapala ay mabubuhay nang walang hanggan, at ang mga magdurusa ng kasawian ay mamamatay nang walang hanggang. Ang dalawang hakbang na ito ng gawain ay gagawing ganap nang sabay-sabay. Ito ay sa kadahilanang may mga suwail na tao kaya ang pagkamatuwid ng mga masunuring tao ay maibubunyag, at ito’y sa kadahilanang may mga taong nakatanggap ng mga pagpapala kaya ang kasawian na dinanas ng mga gumagawa ng kasamaan dahil sa kanilang masasamang pag-uugali ay maibubunyag. Kung hindi ibubunyag ng Diyos ang mga gumagawa ng kasamaan, yaong mga taong tapat na sumusunod sa Diyos ay hindi kailanman makikita ang araw; kung hindi dadalhin ng Diyos ang mga sumusunod sa Kanya sa isang angkop na hantungan, yaong mga taong suwail sa Diyos ay hindi matatanggap ang nararapat na ganti sa kanila. Ito ay ang proseso ng Kanyang gawain. Kung hindi Niya isasagawa itong gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti, ang Kanyang mga nilikha ay hindi kailanman makakayang pumasok sa kani-kanilang mga hantungan. Kapag ang sangkatauhan ay nakapasok sa kapahingahan, ang mga gumagawa ng kasamaan ay wawasakin, ang lahat ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas, at ang bawat uri ng tao ay magiging kanilang sariling uri alinsunod sa mga tungkulin na dapat nilang isagawa. Tanging ito lang ang araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at ang hindi maiiwasang kalakaran para sa pag-unlad ng sangkatauhan, at tanging kapag pumasok ang sangkatauhan sa kapahingahan na ang dakila at huling katuparan ng Diyos ay doon pa lang magiging ganap; ito ang magiging konklusyon ng Kanyang gawain. Ang gawain na ito ang tatapos ng lahat ng namumulok na pisikal na buhay ng sangkatauhan, at ito ang tatapos sa buhay ng masamang sangkatauhan. Mula rito ang sangkatauhan ay makakapasok sa isang bagong kaharian. Bagaman ang tao ay namumuhay ng pisikal na pag-iral, may mga makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng kakanyahan ng kanyang buhay at ang kakanyahan ng buhay ng masamang sangkatauhan. Ang kahulugan ng kanyang pag-iral at ang kahulugan ng pag-iral ng masamang sangkatauhan ay naiiba rin. Kahit na ito ay hindi ang buhay ng isang bagong uri ng tao, maaari itong sabihin na buhay ng isang sangkatauhan na nakatanggap ng kaligtasan at isang buhay na nabawi ang pagkatao at dahilan. Ito ang mga tao na minsan ay naging suwail sa Diyos, at minsan nang nalupig ng Diyos at pagkatapos ay iniligtas sa pamamagitan Niya; ito ay mga taong nagpahiya sa Diyos at kalaunan ay sumaksi sa Kanya. Ang kanilang pag-iral, pagkatapos sumasailalim at makalampas sa Kanyang pagsubok, ay ang pinaka-makabuluhang pag-iral; sila ay mga tao na sumaksi sa Diyos sa harap ni Satanas; sila ay mga tao na nararapat mabuhay. Ang mga wawasakin ay ang mga tao na hindi maaaring maging saksi sa Diyos at hindi nararapat mabuhay. Ang kanilang pagkawasak ay dahil sa kanilang masamang pag-uugali, at pagkawasak ang kanilang pinakamainam na hantungan. Kapag ang tao kinalaunan ay pumasok sa mabuting kaharian, mawawala ang mga relasyon sa pagitan ng mag-asawa, sa pagitan ng ama at anak na babae o sa pagitan ng ina at anak na lalaki na inaakala ng tao na mahahanap niya. Sa panahong iyon, ang tao ay susunod sa kanyang sariling uri, at ang pamilya ay maaaring nagkawatak na. Dahil sa ganap na pagkabigo, si Satanas ay hindi na muling manggagambala sa sangkatauhan, at ang tao ay hindi na magkaroon ng masamang mala-satanas na disposisyon. Ang suwail na mga tao ay wawasakin na, at tanging ang mga masunuring tao na lang ang makakaligtas. At kaya napaka-kaunting mga pamilya ang mananatiling buo; paano pa muling iiral ang pisikal na mga relasyon? Ang nakalipas na pisikal na buhay ng tao ay lubos nang ipagbabawal; paano maaaring umiiral ang pisikal na mga relasyon sa pagitan ng mga tao? Dahil walang masamang mala-satanas na disposisyon, ang buhay ng mga tao ay hindi na ang lumang buhay ng nakaraan, ngunit sa halip ay isang bagong buhay. Mawawalan ng mga magulang ang mga anak, at ang mga anak ay mawawalan ng mga magulang. Mawawalan ng mga asawang lalaki ang mga asawang babae, mawawalan ng mga asawang babae ang mga asawang lalaki. Ang mga tao ngayon ay may pisikal na mga relasyon sa isa’t isa. Kapag silang lahat ay pumasok sa kapahingahan mawawala na ang pisikal na mga relasyon. Tanging ang gayong sangkatauhan ang magkakaroon ng pagkamatuwid at kabanalan, tanging ang gayong sangkatauhan ay magiging isang sumasamba sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin