Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hantungan at mga Kalalabasan | Sipi 593

Hulyo 23, 2020

Lahat ng niyaong mga nagnanais na gawing perpekto ay magkakaroon ng pagkakataon na gawing perpekto, kaya ang lahat ay kailangang huminahon: Sa hinaharap papasukin mo ang lahat ng hantungan. Ngunit kung ayaw mong gawing perpekto, at ayaw mong pumasok sa kamangha-manghang kaharian, kung gayon sarili mo nang suliranin iyon. Lahat niyaong mga nagnanais na gawing perpekto at tapat sa Diyos, lahat niyaong mga sumusunod, at lahat niyaong mga tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin—lahat ng gayong mga tao ay maaaring gawing perpekto. Ngayon, lahat niyaong mga hindi tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin, lahat niyaong mga hindi tapat sa Diyos, lahat niyaong mga hindi sumusuko sa Diyos, lalo na ang mga nakatanggap ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ngunit hindi naman isinasagawa ito—ang lahat ng gayong mga tao ay hindi maaaring gawing perpekto. Lahat niyaong mga nagnanais na maging tapat at susunod sa Diyos ay maaaring gawing perpekto, kahit sila ay ignorante nang bahagya; lahat niyaong mga nagnanais na magpatuloy ay maaaring maging sakdal. Hindi na kailangang mag-alala ukol dito. Hangga’t nagnanais kang magpatuloy sa direksiyon na ito, maaari kang gawing perpekto. Ayaw Kong pabayaan o alisin ang sinuman sa inyo, ngunit kung hindi magsusumikap ang tao nang mabuti, kung gayon ay sinisira mo lamang ang iyong sarili; hindi Ako ang siyang mag-aalis sa iyo, kundi ikaw mismo. Kung ikaw mismo ay hindi magsusumikap nang mabuti—kung ikaw ay tamad, o hindi ginagampanan ang iyong tungkulin, o hindi ka tapat, o hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palaging ginagawa ang anumang iyong maibigan, gugugol ng salapi at magkakaroon ng mga ugnayang seksuwal, kung gayon ay hinahatulan mo ang iyong sarili, at hindi ka nararapat kahabagan ninuman. Ang Aking layunin ay para lahat kayo ay gawing perpekto, at kahit matamo man lamang, nang upang ang yugtong ito ng gawain ay matagumpay na makumpleto. Ang kahilingan ng Diyos na ang bawat tao ay gagawing perpekto, sa huli ay matamo Niya, upang lubos Niyang malinis, at upang maging yaong Kanyang iniibig. Hindi na mahalaga kung sabihin Ko mang kayo ay paurong o mababa ang uri—ito ay totoong lahat. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na layunin Kong pabayaan kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang trabahuin ang gawain para sa inyong kaligtasan, na ibig lang sabihin na ang gawain na aking isasagawa ay isang pagpapatuloy lang ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pag-asa upang gawing perpekto: Ito ay kung ikaw ay nakahanda, ito ay kung ikaw ay maghahangad, sa katapusan magagawa mong makamit ang mga epekto, at walang sinuman sa inyo ang mapababayaan. Kung mababa man ang iyong uri, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa kababaan ng iyong uri; kung mataas ang iyong uri, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa kataasan ng iyong uri; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa antas ng iyong pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay ibabatay dito; kung sasabihin mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t-ibang mga pangkalahatan na ugnayan, Ang Aking pagka-perpekto sa iyo ay alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagsunod hanggang sa katapusan, at ang paghangad ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangan mong maisakatuparan, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa huli, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung kaya niyang makamit ang mga ito siya ay gagawing perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghangad, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang kibo tungo rito. Aking nasabi na ang bawat tao ay may pag-asang gawing perpekto, at may kakayahang gawing perpekto, at ito’y kabilang, ngunit kung hindi mo susubukang maging mas mahusay sa iyong paghahangad, kapag hindi mo nakamit ang tatlong mga batayan na ito, kung gayon sa bandang huli, dapat kang maalis. Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais na ang lahat ay makamtan ang gawain at ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at magawang sumunod hanggang katapusan, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magagawang perpekto, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat ng mayroong patotoo ay yaong mga naging matagumpay laban kay Satanas at natamo ang pangako ng Diyos, at sila ay ang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin