Tagalog Testimony Videos, Ep. 930: Mga Alalahanin Habang Nagsusulat ng Ebalwasyon
Mayo 31, 2026
Gumagawa siya ng tungkuling nakabatay sa teksto sa iglesia. Nang hilingin ng lider na si Li Jing na ibigay niya ang mga pagpapamalas ni Wang Yu ng hindi paghahangad sa katotohanan, malinaw niyang alam na si Wang Yu ay isang taong naghahangad ng katotohanan. Gayumpaman, nag-alala siya na baka sabihin ni Li Jing na wala siyang pagkilatis at imbestigahan siya nito, kaya iniwasan niya ang usapin sa pagsasabing "hindi niya ito makita nang malinaw" at hindi niya ipinahayag ang tunay niyang opinyon. Nang makita niyang nasuspinde si Wang Yu sa tungkulin nito at namumuhay sa pasakit, nakaramdam siya ng matinding paninisi sa sarili sa kanyang puso. Kalaunan, kinumpirma ng isang imbestigasyon ng nakatataas na lider na lumabag si Li Jing sa mga prinsipyo sa pamamagitan ng arbitraryong pagpapaalis sa mga tao, matinding nakagagambala at nakagugulo sa gawain ng iglesia. Sa huli, pinatalsik si Li Jing bilang isang anticristo, at naibalik ang tungkulin ni Wang Yu. Pinagnilayan niya ang kanyang tuso at mapanlinlang na tiwaling disposisyon ng hindi pagtataguyod sa katotohanan, nakahanap siya ng landas ng pagsasagawa, at naging handang maging isang matapat na tao.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video