Christian Song | "Ang Lahat ng Salita ng Diyos ay ang Katotohanan" (Duweto) | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 16, 2026

I

Dumating na sa lupa ang Diyos at namumuhay kasama natin,

nagpapahayag ng maraming katotohanan.

Hindi na ako naghahanap sa kalabuan,

dahil mayroon akong mga salita ng Diyos na gagabay sa akin.

Bawat araw, kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos

at namumuhay sa harap ng Diyos;

binibigyang-liwanag at tinatanglawan ako ng Banal na Espiritu.

Mas malinaw ko nang nauunawaan ang katotohanan,

at lumalago ang aking buhay araw-araw.

Ganap na inilalantad ng mga salita ng Diyos

ang mga katunayan ng katiwalian ng tao,

at ang lahat ay lubos na nakumbinsi.

Sa pagdanas ng paghatol ng mga salita ng Diyos

at pagdurusa sa maraming pagsubok,

ang mga tiwaling disposisyon ko ay nalilinis.

Sa pagtamasa sa kayamanan ng mga salita ng Diyos,

tunay na marami na akong nakamit.

Habang nakikita ang pagiging matuwid at ang kabanalan ng disposisyon ng Diyos,

natatakot ako sa Diyos at humahanga sa Kanya.

Ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan.

II

Sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nauunawaan ko ang katotohanan

at nalalampasan ang mga paglilimita ng laman.

Hinahanap ang katotohanan at nagpapasakop sa Diyos

habang ginagawa ang aking tungkulin,

isinasabuhay ko ang wangis ng isang matapat na tao.

Nauunawaan ko ang katotohanan at iwinawaksi ang aking tiwaling disposisyon;

ang katotohanan ng mga salita ng Diyos ay napakahalaga.

Sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, nakatatamo ako ng katotohanan at buhay,

at wala nang maaaring hilingin pang iba ang aking puso.

Dahil nakikita ko kung gaano kadakila at gaano katotoo ang pag-ibig ng Diyos,

malugod kong ibinibigay ang totoong puso ko sa Diyos.

Gaano man kahirap at kabaku-bako ng daan sa hinaharap,

susunod ako sa Diyos nang may sukdulang pananalig.

Hinahangad ko ang pagmamahal sa Diyos

at pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan;

ang landas pasulong ay nagiging mas maliwanag.

Susundan ko si Cristo hanggang sa huli, at tutuparin ang aking katapatan

upang salubungin ang pagpapakita ng nakangiting mukha ng Diyos.

Ang lahat ng salita ng Diyos ay ang katotohanan.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin