Christian Dance | "Nililinaw sa Akin ng Salita ng Diyos ang Landas sa Buhay" | Praise Song

Oktubre 24, 2024

I

Sa pagkarinig sa tinig ng Diyos, ako ay naitataas sa harap Niya.

Natutustusan ako sa pagkain at pag-inom ng Kanyang salita.

Sa wakas ay dumadalo ako sa piging ng kasal ng Kordero.

Ito ang pinakamalaking pagpapala sa buhay ko.

Araw-araw, kinakain at iniinom ko ang salita ng Diyos

at ibinabahagi ang katotohanan.

Nagliliwanag nang nagliliwanag ang puso ko habang nauunawaan ko ang katotohanan.

Nililinaw ng salita ng Diyos ang landas at direksiyong tatahakin ko sa buhay na ito,

at saka ko lamang nahahanap ang tunay na buhay.

Isinasagawa ko ang mga salita ng Diyos at hinahangad kong maging matapat na tao.

Tinutupad ko ang tungkulin ko nang praktikal upang mapalugod ang Diyos.

Nang may iisang puso at isipan, ipinoproklama at pinatototohanan natin ang Diyos,

at napuno ng kagalakan at tamis ang puso natin.

II

Nililinis ng paghatol ng salita ng Diyos ang katiwalian ko.

Dinadalisay ng Kanyang mga pagsubok at pagpipino ang pagmamahal ko.

Natamo ko ang katotohanan at isinasabuhay ko ang realidad.

Ang matamo ang pagsang-ayon ng Diyos ang pinakamalaking pagpapala.

Paano man ako tratuhin ng Diyos, mabuti ang lahat ng ito,

at lahat ng ito ay para tulungan akong lumago at gumulang sa buhay.

Nang may pusong nagpapasakop, nakikita ko ang kabutihang-loob ng Diyos.

Sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap, ginagabayan ako ng salita ng Diyos.

Sa karanasan ko, nakita ko ang pagiging kagiliw-giliw at kaibig-ibig ng Diyos.

Sa bawat hakbang, ginagabayan ako ng salita ng Diyos

na mapagtagumpayan si Satanas.

Inihahandog ko ang katapatan ko para matugunan ang mga layunin ng Diyos,

at matunog na magpatotoo para sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin