Christian Song | "Ang Pangalan ng Diyos ay Tiyak na Dadakilain sa Gitna ng mga Bayan ng Hentil" Choral Hymn | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 16, 2026

I

Ang layon ng Aking paghatol ay ang bigyang-kakayahan ang tao na mas mahusay na makapagpasakop sa Akin, at ang layon ng Aking pagkastigo ay ang bigyang-kakayahan ang tao na mas mainam na makapagkamit ng pagbabago. Bagama't ang lahat ng Aking ginagawa ay alang-alang sa Aking pamamahala, hindi Ako kailanman nakagawa ng anumang gawain na walang pakinabang sa tao, dahil nais Kong gawin ang lahat ng bansa sa labas ng Israel na kasingmapagpasakop ng mga Israelita, gawin silang tunay na mga tao, nang sa gayon ay maaari Akong magkaroon ng posisyon sa mga lupain sa labas ng Israel. Ito ang Aking pamamahala; ito ang Aking gawain sa gitna ng mga bayan ng Hentil. Kahit ngayon, maraming tao ang hindi pa rin nakakaunawa sa Aking pamamahala, sapagkat hindi sila nababahala sa gayong mga bagay, at sa halip ay inaalala nila ang kanilang sariling kinabukasan at hantungan. Kahit ano ang Aking sabihin, nananatiling walang malasakit ang mga tao sa gawaing Aking ginagawa, sa halip ay buong-puso silang nakatuon sa kanilang mga hantungan sa hinaharap. Kung ang mga bagay-bagay ay magpapatuloy sa ganitong paraan, paano mapalalaganap ang Aking gawain? Paano maipapangaral ang Aking ebanghelyo sa buong mundo?

II

Dapat ninyong malaman na kapag ang Aking gawain ay lumaganap, ikakalat Ko kayo, at hahampasin Ko kayo, gaya ng paghampas ni Jehova sa bawat tribo ng Israel. Ang lahat ng ito ay gagawin upang lumaganap ang Aking ebanghelyo sa buong daigdig, para ang Aking gawain ay lumaganap sa mga bayan ng Hentil, nang sa gayon ay magbibigay-daan sa Aking pangalan na madakila sa gitna ng kapwa matatanda at mga bata, at mapuri ang Aking banal na pangalan sa bibig ng mga tao mula sa lahat ng lahi at bansa. Sa huling kapanahunang ito, hayaan ang Aking pangalan na madakila sa gitna ng mga bayan ng Hentil, hayaan ang mga gawa Ko na makita ng mga tao ng mga bayan ng Hentil, hayaan silang tawagin Akong ang Makapangyarihan sa lahat dahil sa Aking mga gawa, at hayaan ang Aking mga salita na matupad sa lalong madaling panahon. Ipaaalam Ko sa lahat ng tao na hindi lamang Ako Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng mga tao ng lahat ng bayan ng Hentil, kahit na iyong mga bayan na Aking isinumpa, kahit na iyong mga bayan na Aking isinumpa. Ipapakita Ko sa lahat ng tao na Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha. Ito ang Aking pinakadakilang gawain, ang layunin ng Aking plano ng gawain para sa mga huling araw, at ang tanging gawain na nais Kong isakatuparan sa mga huling araw.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay ang Gawain Din ng Pagliligtas sa Tao

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin