Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 252

Agosto 18, 2020

Maraming mga gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain ng sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, nakábábâ Siya sa buháy na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang gugulin ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman sinisi ang tao dahil sa kanyang pagsuway, nguni’t tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. Paano kayang ang Diyos ay mabibilang sa impiyerno? Paano Niya magugugol ang Kanyang buhay sa impiyerno? Nguni’t para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makasumpong ng kapahingahan sa lalong mas madaling panahon, natiis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kwalipikado ang tao na kontrahin ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang minsan pang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkakaroon ng lakas-ng-loob na muling tumingin sa Diyos? Nakarating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamímínsalà at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa hindi-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng hindi-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng mga gawain na kinakailangan ng tao nang walang reklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at pagbubunyag. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buháy ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaabot sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at marubdob na mga pag-asam ay ginantihan ng malalamig na pakikitungo, ng mga matang walang pakiramdam at walang-pakialam, ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga pang-iinsulto ng tao, ng masasakit na mga salita, at pambabárá, at pangmamaliit, ginantihan ang mga iyon ng panlilibak ng tao, ng kanyang pangyuyurak at pagtanggi, ng kanyang hindi tamang pagkaunawa, at pagdaing, at paghiwalay, at pag-iwas, ng walang anuman kundi pandaraya, pag-atake, at kapaitan. Ang mga magigiliw na salita ay sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro. Gaano karaming mga araw at buwan, ilang beses Niyang hinarap ang mga bituin, gaano karaming beses Siya umalis sa madaling araw at bumalik sa dapit-hapon, at pabaling-baling, tinitiis ang matinding paghihirap na mas matindi ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at pananakit ng tao, at ang pakikitungo at pagpupungos ng tao. Sinuklian ang kababaang-loob at pagkatago ng Diyos ng pagkiling ng tao, ng mga di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang Kanyang pagiging-di-kilala, pagtitiis, at pagpaparaya ay sinuklian ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na magdabog sa Diyos hanggang kamatayan, walang pagsisisi, at sinusubukang yapakan ang Diyos sa lupa. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isa ng “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na tinatakot at hinahamak ng tao, ay mariing tinapakan sa ilalim ng mga paa ng sampu-sampung libong mga tao habang ang tao sa sarili niya ay nakalindig nang mataas, na para bang siya ay magiging hari ng kastilyo, na para bang nais niyang kunin ang lubos na kapangyarihan, na hawakan ang hukuman mula sa likod ng isang tabing, upang gawin ang Diyos na matapat at masunurin-sa-panuntunang direktor sa likod ng mga eksena, na hindi pinahihintulutang lumaban o magsanhi ng problema; dapat gampanan ng Diyos ang bahagi ng Huling Emperador, dapat Siyang maging isang sunud-sunuran, walang wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawa ng tao, kaya karapat-dapat ba siya na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikadong magbigay ng mga suhestiyon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos nang paulit-ulit? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos nang paulit-ulit? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na niyang dinurog ang puso ng Diyos, matagal na niyang iniwan ang puso ng Diyos na durug-durog. Dumating ang Diyos sa gitna ng tao na puno ng pag-asa at masaya, umaasa na ang tao ay magiging mabait sa Kanya, kahit na kaunti lamang na pagkagiliw. Nguni’t ang puso ng Diyos ay hindi gaanong maaliw ng tao, ang lahat ng Kanyang natanggap ay parang bolang-niyebeng mga pag-atake at paghihirap ng kalooban; masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanásà, hindi siya kailanman magsasawa, lagi siyang pasáwáy at walang-patumangga, hindi niya kailanman binibigyan ng anumang kalayaan ang Diyos o karapatang magsalita at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa tiisin ang kahihiyan, at hayaan ang tao na manipulahin Siya kung paano man niya gusto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 9

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin