Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 245

Hulyo 15, 2020

Ang disposisyon ng Diyos ay isang paksa na tila napakahirap unawain ng lahat at bukod diyan isang hindi madaling tanggapin ng lahat, sapagkat ang Kanyang disposisyon ay hindi tulad ng personalidad ng isang tao. Ang Diyos din ay may Kanyang sariling mga damdamin ng galak, galit, pighati, at saya, ngunit ang mga damdaming ito ay kakaiba mula sa tao. Ang Diyos ay kung ano Siya at nasa Kanya ang anong nasa Kanya. Lahat ng Kanyang ipinapahayag at isinisiwalat ay mga kumakatawan sa Kanyang diwa at sa Kanyang pagkakakilanlan. Kung ano Siya at anong nasa Kanya, maging ang Kanyang diwa at pagkakakilanlan, ay mga bagay na hindi maaaring mapalitan ng sinumang tao. Sakop ng Kanyang disposisyon ang pag-ibig Niya para sa sangkatauhan, kaginhawaan ng sangkatauhan, pagkamuhi ng sangkatauhan, at higit pa rito, ang ganap na kaunawaan ng sangkatauhan. Subalit, ang personalidad ng tao ay maaaring puno ng pag-asa, masigla, o walang pakiramdam. Ang disposisyon ng Diyos ay taglay ng Tagapamahala ng lahat ng mga nabubuhay na nilalang sa gitna ng mga bagay, sa Panginoon ng lahat ng sangnilikha. Ang Kanyang disposisyon ay kumakatawan sa karangalan, kapangyarihan, kamahalan, kadakilaan, at higit sa lahat, pagiging nakahihigit sa lahat. Ang Kanyang disposisyon ang simbolo ng awtoridad, ang simbolo ng lahat ng matuwid, ang simbolo ng lahat ng maganda at mabuti. Higit pa rito, ito ang simbolo Niya na hindi maaaring magapi o masakop ng kadiliman at anumang puwersa ng kaaway, at gayon din simbolo Niya na hindi maaaring masaktan (at hindi rin Niya pahihintulutang masaktan Siya) ng sinumang buhay na nilikha. Ang Kanyang disposisyon ay ang simbolo ng pinaka-mataas na kapangyarihan. Walang tao o mga taong makakakaya o makagagawang gumambala sa Kanyang gawain o Kanyang disposisyon. Ngunit ang personalidad ng tao ay walang iba maliban sa simbolo lamang ng bahagyang kahigitan nito sa hayop. Ang tao sa kanyang loob at sa kanyang sarili ay walang awtoridad, walang awtonomiya, at walang abilidad na lampasan ang sarili, ngunit sa kanyang diwa ay isang yumuyuko sa ganap na kapangyarihan ng lahat ng uri ng tao, mga pangyayari, at mga bagay. Ang kagalakan ng Diyos ay dahil sa pag-iral at pag-usbong ng pagkamatuwid at liwanag; dahil sa pagkawasak ng kadiliman at kasamaan. Natutuwa Siya dahil naghatid Siya ng liwanag at mabuting buhay sa sangkatauhan; ang Kanyang kagalakan ay isang matuwid na kagalakan, isang simbolo ng pag-iral ng lahat na positibo at, higit pa, isang simbolo ng kaginhawahan. Ang galit ng Diyos ay dahil sa pag-iral ng kawalan ng katarungan at ang pagkagambala na sanhi nito na nakakasira sa sangkatauhan; dahil sa pag-iral ng kasamaan at kadiliman, dahil sa pag-iral ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan, at higit dito dahil sa pag-iral ng mga bagay na kumakalaban sa anong mabuti at maganda. Ang galit Niya ay simbolo ng lahat ng mga bagay na negatibo na hindi na umiiral, at higit pa, isang simbolo ng Kanyang kabanalan. Ang Kanyang kapighatian ay dahil sa sangkatauhan, na Kanyang inasahan ngunit nahulog sa kadiliman, dahil ang gawain na Kanyang ginawa sa tao ay hindi nakaabot sa Kanyang mga inaasahan, at dahil ang sangkatauhang minamahal Niya ay hindi lahat makapamuhay sa liwanag. Nakakaramdam Siya ng pighati para sa inosenteng sangkatauhan, para sa tapat ngunit ignoranteng tao, at para sa taong mabuti ngunit nagkukulang sa kanyang sariling pananaw. Ang Kanyang pighati ay isang simbolo ng Kanyang kabutihan at ng Kanyang kahabagan, isang simbolo ng kagandahan at kabutihan. Siyempre, ang Kanyang kasiyahan ay nagmumula sa pagdaig sa Kanyang mga kaaway at pagkamit ng mabuting pananampalataya ng tao. Bukod dito, nanggagaling din ito mula sa pagpapalayas at pagkawasak ng lahat ng puwersa ng kaaway, at dahil ang sangkatauhan ay tumatanggap ng mabuti at payapang buhay. Ang kasiyahan ng Diyos ay hindi tulad ng kagalakan ng tao; sa halip, ito ay ang pakiramdam ng pag-ani ng magagandang bunga, isang pakiramdam na mas higit pa sa kagalakan. Ang kasiyahan Niya ay simbolo ng kalayaan ng sangkatauhan sa pagdurusa mula sa oras na ito, at isang simbolo ng pagpasok ng sangkatauhan sa mundo ng liwanag. Ang mga damdamin ng sangkatauhan, sa kabilang banda, ay lahat para sa kanyang sariling kapakanan, hindi para sa pagkamatuwid, liwanag, o anumang maganda, at lalong hindi para sa biyayang kaloob ng Langit. Ang mga damdamin ng sangkatauhan ay makasarili at kabilang sa mundo ng kadiliman. Hindi sila umiiral para sa kapakanan ng kalooban, lalong hindi para sa plano ng Diyos, kaya ang tao at Diyos ay hindi maaaring sabihing magkapareho. Ang Diyos ay magpakailanman higit sa lahat at kailanman ay kagalang-galang, samantalang ang tao ay magpakailanmang mababang uri, magpakailanman walang halaga. Ito ay dahil ang Diyos ay magpakailanman gumagawa ng mga sakripisyo at naglalaan ng Kanyang sarili para sa sangkatauhan; subalit ang tao ay magpakailanman nangunguha at nagsisikap para sa kanyang sarili. Ang Diyos ay magpakailanman nagpapakasakit para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ngunit ang tao ay hindi kailanman nag-ambag ng anumang bagay para sa kapakanan ng liwanag o para sa pagkamatuwid. Kahit na ang tao ay magsikap sa loob ng ilang panahon, napakahina nito na hindi nito makakayang matagalan ang isang hampas, dahil ang pagsisikap ng tao ay palaging para sa kanyang sariling kapakanan at hindi para sa iba. Ang tao ay palaging makasarili, samantalang ang Diyos ay magpakailanmang hindi makasarili. Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng makatarungan, mabuti, at maganda, habang ang tao ay siyang nagtatagumpay sa at nagpapakita ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Hindi kailanman babaguhin ng Diyos ang diwa ng Kanyang pagkamatuwid at kagandahan, ngunit ang tao ay ganap na may kakayahan, sa anumang oras at anumang sitwasyon, na ipagkanulo ang pagkamatuwid at lumayo sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Napakahalagang Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin