Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 240
Oktubre 23, 2020
Ngayon, yamang ginabayan Ko kayo hanggang sa puntong ito, Ako ay nakagawa ng angkop na mga pagaayos, at mayroong sarili Kong mga layunin. Kapag sinabi Ko sa inyo ang mga ito ngayon, totoo bang kaya ninyong kilalanin ito? Aking lubos na kilala ang kaisipan ng tao at ang mga kagustuhan ng puso ng tao: Sino ang hindi naghanap ng paraan na makakalabas para sa kanilang sarili? Sino ang hindi nag-isip ng kanilang mga sariling inaasam? Ngunit kahit na ang tao ay nagmamay-ari ng isang mayaman at makulay na katalinuhan, sino ang nagawang mahulaan ito, na pagkatapos ng mga kapanahunan, ang kasalukuyan ay magiging kung paano ito ngayon? Ito ba talaga ang bunga ng iyong sariling pagsisikap? Ito ba ang kabayaran para sa iyong walang pagod na pagsisikap? Ito ba ang magandang pagsasalarawang nakinikinita ng iyong isip? Kung hindi Ko ginabayan ang lahat ng sangkatauhan, sino ang magagawang ihiwalay ang kanilang sarili mula sa Aking mga pagsasaayos at maghanap ng ibang daan palabas? Ang mga saloobin at kagustuhan ba ng tao ang nagdala sa kanya sa kasalukuyan? Maraming mga tao ang dumaraan sa kanilang buong buhay na hindi nabigyang katuparan ang kanilang mga kagustuhan. Ito ba talaga ay dahil sa isang kamalian sa kanilang kaisipan? Maraming buhay ng tao ang puno ng hindi inaasahang kaligayahan at kasiyahan. Ito ba talaga ay dahil sa ang kanilang inaasahan ay masyadong maliit? Sino sa buong sangkatauhan ang hindi inalagaan sa paningin ng Makapangyarihan? Sino ang hindi naninirahan sa gitna ng pagkaka-tadhana ng Diyos? Kaninong kapanganakan at kamatayan ang nagmula sa kanilang sariling mga pagpipilian? Kontrolado ba ng tao ang kanyang sariling kapalaran? Maraming tao ang tumatawag sa kamatayan, gayon pa man ito ay napakalayo sa kanila; maraming tao na nais na maging malakas sa buhay at takot sa kamatayan, gayon pa man lingid sa kaalaman nila, ang araw ng kanilang kamatayan ay nalalapit na, pinabubulusok sila sa kailaliman ng kamatayan; maraming tao ang tumitingin sa kalangitan at malalim na napapabuntong-hininga; maraming tao ang umiiyak nang malakas, humahagulhol; maraming tao ang bumabagsak sa gitna ng mga pagsubok; at maraming tao ang nagiging bilanggo ng tukso. Kahit na hindi Ako nagpapakita nang personal upang hayaan ang tao na malinaw Akong mamasdan, maraming mga tao ang takot na makita ang Aking mukha, takot na takot na pababagsakin Ko sila, na papatayin Ko sila. Totoo bang kilala Ako ng tao, o hindi? Siguradong walang sinuman ang makakapagsabi. Hindi ba ganito? Pareho ninyong kinatatakutan Ako at ang Aking pagkastigo, gayon pa man kayo rin ay tumintindig at lantarang kinakalaban Ako at hinahatulan Ako. Hindi ba ito ang nangyayari? Na ang tao ay hindi Ako kailanman nakilala dahil hindi niya kailanman nakita ang Aking mukha o narinig ang Aking tinig. Kaya, kahit nasa loob Ako ng puso ng tao, mayroon bang puso kung saan hindi Ako malabo at di-maaninag? Mayroon ba sa puso ng isa kung saan Ako ay ganap na malinaw? Hindi Ko nais para sa Aking bayan na nakikita rin Akong malabo at mahirap unawain, kaya’t pumasok Ako sa dakilang gawaing ito.
Tahimik Akong dumarating sa tao, at dahan-dahang lumilisan. Mayroon bang nakakita na sa Akin? Ang araw ba ay kaya Akong makita dahil sa nagaalab na apoy nito? Ang buwan ba ay kaya Akong makita dahil sa maningning na kaliwanagan nito? Kaya ba Akong makita ng mga konstelasyon dahil sa lugar ng mga ito sa kalangitan? Sa pagdating Ko, hindi alam ng tao, at ang lahat ng mga bagay ay mananatiling walang alam, at sa Aking paglisan, hindi pa rin batid ng tao. Sino ang maaaring magbigay ng patotoo sa Akin? Maaari bang ang papuri ng mga tao sa lupa? Maaari bang ang mga liryo na namumukadkad sa kagubatan? Ang mga ibon ba na lumilipad sa kalangitan? Ang mga leon ba na umaatungal sa mga bundok? Walang sinuman ang maaaring ganap na masaksihan Ako! Walang sinuman ang maaaring gumawa ng Aking mga gagawin! Kahit na ginawa nila ang gawaing ito, anong epekto mayroon ito? Sa bawat araw minamasdan Ko ang bawat pagkilos ng maraming tao, at sa bawat araw sinisiyasat Ko ang mga puso at isipan ng maraming tao; wala kahit sinuman ang nakatakas sa paghatol Ko, at wala kahit sinuman ang naalis ang kanilang sarili sa realidad ng Aking paghatol. Tumindig Ako sa itaas ng kalangitan at tumingin sa malayo: Hindi mabilang na mga tao ang Aking napabagsak, bagaman, pati, hindi mabilang na mga tao na nabubuhay sa gitna ng Aking awa at mapagkandiling pagmamahal. Hindi ba nabubuhay din kayo sa ilalim ng naturang mga kalagayan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video