Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Disposisyon ng Diyos at Kung Ano ang Mayroon Siya at Ano Siya | Sipi 237

Setyembre 23, 2020

Bawat pangungusap na Aking binibigkas ay may taglay na awtoridad at paghatol, at walang sinumang maaaring magbago ng Aking mga salita. Sa sandaling lumabas ang Aking mga salita, tiyak na matutupad ang mga bagay ayon sa Aking mga salita; ito ang Aking disposisyon. Ang Aking mga salita ay awtoridad at sinumang bumabago sa mga iyon ay nagkakasala sa Aking pagkastigo, at kailangan Ko silang pabagsakin. Sa seryosong mga kalagayan, ipinapahamak nila ang sarili nilang buhay at napupunta sila sa Hades, o sa walang-hanggang kalaliman. Ito ang Aking tanging paraan ng pakikitungo sa sangkatauhan, at walang paraan ang tao para baguhin ito—ito ang Aking atas administratibo. Tandaan ninyo ito! Walang sinumang pinahihintulutang magkasala sa Aking atas; kailangang magawa ang mga bagay ayon sa Aking kalooban! Dati-rati, napakaluwag Ko sa inyo at ang Aking mga salita lang ang nakatagpo ninyo. Hindi pa nagaganap ang mga salitang Aking ipinahayag tungkol sa pagpapabagsak sa mga tao. Ngunit mula ngayon, lahat ng kalamidad (ang mga ito na may kaugnayan sa Aking mga atas administratibo) ay sunud-sunod na darating upang parusahan ang lahat ng hindi umaayon sa Aking kalooban. Kailangang magkaroon ng pagdating ng mga katotohanan—kung hindi ay hindi makikita ng mga tao ang Aking poot kundi paulit-ulit nilang durungisan ang kanilang sarili. Isa itong hakbang ng Aking plano ng pamamahala, at ito ang paraan kung paano Ko gagawin ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Ipinagpapauna Ko ito sa inyo nang sa gayon ay maiwasan ninyong makagawa ng pagkakasala at mapahamak magpakailanman. Ibig sabihin, mula sa araw na ito, papupuntahin ko ang lahat ng tao, maliban sa Aking mga panganay na anak na lalaki, sa kanilang dapat kalagyan ayon sa Aking kalooban, at isa-isa Ko silang kakastiguhin. Hindi Ko palalagpasin ang kahit isa sa kanila. Subukan lang ninyong magpakasamang muli! Subukan mo lang maging suwail na muli! Nasabi Ko na noon na matuwid Ako sa lahat, na wala Ako ni katiting na damdamin, at ipinapakita nito na hindi dapat magkasala sa Aking disposisyon. Ito ang Aking persona. Walang sinumang maaaring magbago nito. Naririnig ng lahat ng tao ang Aking mga salita at nakikita ng lahat ng tao ang Aking maluwalhating mukha. Kailangan Akong sundin ng lahat ng tao nang lubusan at ganap—ito ang Aking atas administratibo. Lahat ng tao sa buong sansinukob at sa mga dulo ng mundo ay dapat Akong purihin at luwalhatiin, sapagkat Ako ang natatanging Diyos Mismo, sapagkat Ako ang persona ng Diyos. Walang sinumang maaaring magbago ng Aking mga salita at pahayag, ng Aking pananalita at kilos, sapagkat ang mga ito ay mga bagay na para sa Akin lamang, at ang mga ito ay mga bagay na taglay Ko na noong una pa man at iiral magpakailanman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 100

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin