Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagpapakita at Gawain ng Diyos | Sipi 67

Oktubre 24, 2020

Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga pagpapamalas ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigang pagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t ang sangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upang ang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng pagpapamalas ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking dadalhin ang lahat ng umiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay makakaisa ng lahat na nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam ang sinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain tungo sa mga bansa ng mga Gentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang makaaarok sa gawaing Aking gagawin, kaya’t ang mga tao ay lubos na nalilito. At dahil Ako ay abalang-abala sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataon upang “maglaro.” Upang pigilan sila mula sa pagiging masyadong di-masupil, inilagay Ko muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at Aking gagamitin ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang tuparin ang gawain Kong ito, kung hindi ay magiging imposibleng isakatuparan ang Aking gawain. Aking sasanhiin ang mga tao sa buong sansinukob na magpasakop sa harap ng Aking trono, hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at higit pa pinagsusunud-sunod sila ayon sa kani-kanilang mga pamilya, upang ang buong sangkatauhan ay titigil sa pagsuway sa Akin, sa halip ay bumabagsak sa isang masinop at maayos na pagkakaayos ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaan ang sinuman na basta na lamang gumalaw sa palibot! Sa buong sansinukob, nakagawa Ako ng bagong gawain; sa buong sansinukob, ang buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay pinasabog na hindi pa nangyari kailanman ng Aking hayag na pagpapakita. Hindi ba’t ang ngayon ay eksaktong tulad nito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 43

Nakagawa ng Bagong Gawain ang Diyos sa Buong Sansinukob

Kalawaka'y pupunuin ng Diyos ng Kanyang gawain, upang sa kapangyarihan Niya, lahat sa lupa'y mapailalim. Matutupad plano Niyang mundo'y pag-isahin, at tao'y 'di na gagala sa mundo, sa tamang lugar agad tutungo. Sa 'taas at sa 'baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa 'taas at sa 'baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon.

Iniisip ng Diyos ang tao, nang sila'y makapanirahan sa lupaing payapa't masaya, 'di na sila malulungkot pa, plano Niya'y matutupad sa lupa. Doo'y umiiral sila, at sa mundo bansa Niya ay itatatag Niya, doon, l'walhati Niya'y ipinapakita. Sa 'taas at sa 'baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa 'taas at sa 'baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon. Mga lungsod sa langit itatama, lahat ay gagawin Niyang bago, pag-iisahin lahat ng nasa 'taas at sa 'baba, lahat ng nasa langit at lupa. Kanya ito (ito'y plano Niyang tuparin sa huling kapanahunan). 'Wag hayaang makialam ang sinuman!

Hihikayatin ng Diyos ang tao na pasakop sa Kanya. Hahatula't pagbubukurin Niya sila sa kani-kanilang pamilya. Sa gayo'y 'di na Siya susuwayin, at sa Kanyang pagsasaayos sila'y susunod, walang kikilos ayon sa gusto niya. Sa 'taas at sa 'baba, gawain ng Diyos Kanyang nagawa; lahat nagugulat, sa bigla Niyang pagpapakita. Sa 'taas at sa 'baba, abot-tanaw nila, malawak kaysa noon. Ganito ang panahon ngayon.

—Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin