Tagalog Christian Dance | "Sinasang-ayunan ng Diyos ang mga Nagmamahal sa Kanya" | Praise Song

Disyembre 9, 2024

I

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagpapasakop sa Kanya,

namumuhay sila sa harap Niya araw-araw.

Sa pagkamit ng patnubay ng mga salita ng Diyos,

mayroong kaalwanan, kapayapaan, kasiyahan.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay may matapat na puso;

sa sandaling maunawaan nila ang katotohanan, isinasagawa nila ito.

Tunay silang nagsasaalang-alang sa mga layunin ng Diyos,

at tinutupad nila ang kanilang tungkulin para masiyahan Siya.

Pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya,

ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay laging nasa kanila.

Sa paghahanap ng katotohanan at pagkakamit ng liwanag,

nalilinis ang isang tiwaling disposisyon.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay may prinsipyo,

sumasandal sila sa katotohanan sa kanilang mga pananaw at kilos.

Walang mga patakaran at walang mga tanikala,

nauunawaan nila ang katotohanan at napalaya na sila.

II

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay may takot sa Kanya,

tinatanggap nila ang Kanyang pagsisiyasat sa lahat ng bagay.

Magkaisa silang nagtutulungan at naglilingkod sa Diyos,

isinasabuhay nila ang realidad at may patotoo.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay tapat sa Kanya;

dumaranas ng mga pagsubok, matibay ang kanilang pananalig.

Binibitawan nila ang hinaharap at tadhana,

buong-pusong nagmamahal sa Makapangyarihang Diyos.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay tunay na masaya,

sa pamamagitan ng paghatol, nakakamit nila ang kaligtasan.

Nakakamit nila ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay,

namumuhay sila sa liwanag ng Kanyang mukha.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay sumasamba sa Kanya,

pinupuri nila ang katuwiran at kabanalan ng Diyos.

Ang mga nagmamahal sa Diyos ay nagtataglay ng katotohanan,

lagi silang magpapatotoo at magluluwalhati sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin