Paano Hangarin at Kamtin ang Katotohanan (10)

Ang Pagbabahagi Mula sa ang Itaas na Brother – Setyembre 15, 2025 (Ikatlong Bahagi)

Ang isang mahalagang bahagi ng paghahangad sa katotohanan ay ang paghahangad ng pagkakilala sa sarili. Ang buhay pagpasok ay hindi kailanman maihihiwalay rito. Kung gayon, ano ang tunay na pagkakilala sa sarili? Sinasabi ng ilang tao, “Kahapon ay nagsinungaling ako. Napagtanto ko na ang pagsisinungaling ay isang kasalanan, at dapat akong magtapat sa Diyos.” Sinasabi ng iba, “Nakipagtalik ako sa isang taong hindi ko asawa, at dapat akong magtapat sa Diyos.” Sinasabi pa ng iba, “Nagsalita ako nang may pagmamataas at walang katwiran, at dapat akong magtapat sa Diyos.” Maituturing ba itong pagkakilala sa sarili? (Hindi.) Bakit hindi? Hindi ba nila nakilala ang katiwaliang ibinunyag nila? (Sa panlabas lang nila inamin ang katunayan ng kanilang kasalanan, pero hindi pa nila nakikilala ang ugat ng tiwaling disposisyong ibinunyag nila mula sa mga salita ng Diyos. Hindi rin nila tinanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos o kinilala kung ang katiwaliang ibinunyag nila ay paglaban sa Diyos.) Halos ganoon na nga. Kailangan nating talakayin nang detalyado ang usaping ito. Kapaki-pakinabang ito para sa buhay pagpasok, at lalo na para sa pagbabago ng disposisyon. Ang pagkakilala sa sarili ay ang pinakapangunahing aral para sa buhay pagpasok. Bakit ito ang pinakapangunahing aral? Ang lawak at lalim ng iyong pagkakilala sa sarili ang tumutukoy sa lawak at lalim ng pagbabago ng iyong disposisyon. Tinutukoy ng mga bagay na ito kung gaano mo isinasagawa ang katotohanan, kung gaano kalaki ang realidad ng iyong pagpapasakop sa Diyos, at ang tayog na maaabot mo sa pagkakilala sa Diyos. Habang mas mababaw ang iyong pagkakilala sa sarili, mas magiging mababaw ang iyong pagkakilala sa Diyos. Habang mas mababaw ang iyong pagkakilala sa sarili, mas magiging mababaw ang iyong pagpapasakop sa Diyos. Kung napakababaw ng iyong pagkakilala sa sarili, magiging napakababaw ang iyong pagbabago, na binubuo lamang ng mga pagbabago sa panlabas na pag-uugali, nang walang anumang pagbabago sa iyong buhay disposisyon. Dagdag pa rito, ang pagkakilala sa sarili ay mas direktang nauugnay sa kung makakamit mo ba ang kaligtasan, at sa kung anong antas ka maliligtas. Habang mas malalim ang iyong pagkakilala sa sarili, mas magiging malalim ang antas ng iyong kaligtasan. Kung napakababaw ng iyong pagkakilala sa sarili, magiging napakababaw rin ang antas ng iyong kaligtasan. Kung ang antas ng iyong kaligtasan ay hindi pasok sa pamantayan at hindi nakakatugon sa sukatan ng tunay na pagpapasakop sa Diyos, kung gayon ay hindi mo makakamit ang kaligtasan. Hindi ba’t ganito nga? (Oo.) Inaamin ng ilang tao na hindi sila matapat at na madalas silang magsinungaling at manlinlang ng iba. Mayroon silang kaunting kaalaman kung ilang beses sa isang araw sila nagsisinungaling, nagsasabi ng mga bagay na hindi lubos na totoo, nagsasalita nang may panlilinlang, o nagsasabi ng mga bagay-bagay para pagtakpan ang kanilang mga pagkakamali, pero madali ba para sa kanila na tumigil sa pagsisinungaling? (Hindi.) Mahirap na nga para sa mga tao ang hindi magsinungaling, kung gayon, hindi ba’t mas mahirap pa ang hindi maging mapagpaimbabaw? Palaging gumagamit ng mga mapanlinlang na katwiran ang mga tao para bigyang-katwiran ang kanilang sarili, pinupuri ang kanilang sarili, at di-direktang itinataas ang kanilang sarili at nagpapasikat. Ito ay pagiging mapagpaimbabaw. Sabihin ninyo sa akin, sa pagitan ng pagiging mapagpaimbabaw at pagsisinungaling, alin ang mas malubha ang kalikasan? (Pagiging mapagpaimbabaw.) Bakit mas malubha ang pagiging mapagpaimbabaw? Sa anong paraan ito mas malubha kaysa sa pagsisinungaling? (Ang intensyon at pakay sa likod ng pagpapaimbabaw ay iligaw ang iba.) Napakalaki ng mga panloob na ambisyon at pagnanais ng isang taong mapagpaimbabaw, at nais nilang iligaw ang mga tao at kunin ang loob ng mga ito. Mas lalo pang malubha ang kalikasan nito kaysa sa pagsisinungaling, tama ba? (Tama.) Dagdag pa rito, maipapakita ba ng pagsasabi ng isang kasinungalingan na ang iyong kalikasang diwa ay tulad ng sa isang Pariseo? (Hindi.) Pero kung kaya mong maging mapagpaimbabaw, palaging iniuugnay sa iyong sarili ang tama at positibo at sa iba naman ang mali at negatibo, at dahil dito ay di-direktang itinataas ang iyong sarili at nagpapasikat upang tingalain at sambahin ka ng iba—anong uri ng disposisyon ito? Ito mismo ang kalikasan ni Satanas na diyablo. Ang gayong tao ay isang diyablo at isang Satanas. Ang sukdulan ng pagsisinungaling ay pagpapaimbabaw. Kung kaya mong umabot mula sa pagsisinungaling tungo sa pagiging mapagpaimbabaw, kung gayon ang pagbubunyag ng iyong mapanlinlang na disposisyon ay umabot na rin sa sukdulan nito. Hindi ka lang nagsisinungaling, kundi nagsasagawa ka rin ng pagpapaimbabaw upang iligaw at kontrolin ang mga tao, nais mong magkaroon ng mataas na posisyon, at nais mo pa ngang maging kapantay ng Diyos. Hindi ba’t ito ang pinakamalalim na antas ng katiwalian? (Oo.) May ilang taong mapagpaimbabaw, subalit kinikilala lamang nila na paminsan-minsan silang nagsisinungaling at nanlilinlang ng iba. Nabibigo silang kilalanin kung paano sila nagiging mapagpaimbabaw o ang diwa ng kanilang pagiging mapagpaimbabaw. Maituturing ba itong pagkakilala sa sarili? (Hindi.) Bakit hindi? Inaamin lamang nila ang mga mababaw at simpleng problema, habang hindi pinapansin at pinagtatakpan ang kanilang mas malulubhang tiwaling disposisyon. Hindi nila kilala ang mga bagay na may kinalaman sa kanilang kalikasang diwa. Makakamit ba ng gayong mga tao ang pagbabago sa kanilang buhay disposisyon? Matatamo ba nila ang kaligtasan? Hindi nila matatamo. Magbigay tayo ng isang halimbawa. Sabihin ninyo sa akin, anong uri ng problema ang pagkakaroon ng isang tao ng kakayahang pumatay? Ang kanyang kalikasan ay dapat na sukdulang malupit para magawa niyang pumatay. Pero kung sasabihin lang niya, “Kaya kong kamuhian at isumpa ang mga tao. Ipinapanalangin ko na patawarin Mo, O Diyos, ang aking mga kasalanan,” kilala ba niya ang kanyang sarili? (Hindi.) Kinikilala lang niya ang mga panlabas na anyo, ang mga kababawan, pero wala siyang pagkakilala sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang tiwaling diwa. Kung gayon, magagawa pa rin ba niyang gawin ang masamang gawa ng pagpatay pagkatapos nito? Walang garantiya na hindi niya ito magagawa. Napakababaw ng kanyang pagkakilala sa sarili. Kinikilala lang niya ang kanyang makasalanang pag-uugali pero hindi ang kanyang tiwaling diwa. Kaya ba niyang sumailalim sa malaking pagbabago? (Hindi.) Isang araw, kapag pinahintulutan ng mga pagkakataon, magagawa pa rin niyang pumatay. Nauunawaan na ba ninyo ngayon kung ano ang tunay na pagkakilala sa sarili? Ito ay ang pagkakilala sa inyong sariling kalikasang diwa, sa katotohanan ng inyong katiwalian, at kung anong mga bagay na mapaghimagsik at mapanlaban sa Diyos ang kaya ninyong gawin. Talagang kinakailangan at napakalaki ng pakinabang para sa iyo na lubusang maunawaan ang mga bagay na ito. Samakatwid, ang iyong pagkakilala sa sarili ay dapat umabot sa isang partikular na lalim. Kung kontento ka na lang sa pagkakaroon ng kaunting pagkakilala sa iyong mga kilos at pagsasagawa, kinikilala lamang kung anong mga maling bagay ang nagawa mo at kung anong mga tiwaling disposisyon ang naibunyag mo, kung gayon ay hindi ito maituturing na tunay na pagkakilala sa sarili. Tingnan natin ang isa pang halimbawa. Halimbawa, dahil hindi ka nahaharap sa anumang paghihirap sa iyong gawain ngayon, nagagawa mo pa ring gampanan ang iyong tungkulin at tapusin ang mga bagay-bagay nang normal, pero sa sandaling magkaroon ng ilang paghihirap ang gawain na kakailanganin mong magdusa at magsumikap, nagrereklamo ka, nanghihina at nakakaramdam ng lubos na kawalan ng magawa. Anong uri ito ng problema? Hindi ba’t kailangan mong umasa sa pagkakilala sa iyong sarili para malutas ang problemang ito? (Oo.) Kaya kailangan mong magnilay: Bakit ka umaatras, hindi umuusad, at umuurong sa takot sa tuwing nahaharap ka sa mga paghihirap? Mayroon ka bang anumang katapatan sa Diyos? (Wala.) Sa pagganap ng iyong tungkulin sa ganitong paraan, makapaninindigan ka ba sa iyong patotoo? Matutupad mo ba ang atas ng Diyos? (Hindi.) Kung gayon, saan nagmumula ang iyong pagkabigong tuparin ang atas ng Diyos? Anong malulubhang kahihinatnan ang idudulot nito? Sa puntong ito, dapat mong pagnilayan at kilalanin nang maayos ang iyong sarili. Kung hindi mo lubusang mauunawaan ang problemang ito, hindi ito malulutas. At kung hindi mo malulutas ang problemang ito, mabibigo ka sa iyong tungkulin, na makahahadlang lamang sa gawain ng sambahayan ng Diyos at mag-iiwan ng walang hanggang mga panghihinayang at pagsalangsang.

Sinasabi ng ilang tao, “Maliit ang aking tayog. Kahit na nakikilala ko ang aking mga problema, hindi ko pa rin malutas ang mga ito.” Ano ang dapat gawin kung gayon? Ang hangganan ng tao ay ang simula ng Diyos. Maaari ka lang manalangin at umasa sa Diyos. Kung gayon, paano ka aasa sa Diyos? Ito ba ay ang hindi mo mismo paggawa ng anuman, at nananalangin lang na magpadala ang Diyos ng isang tao para lutasin ang mga problema para sa iyo? Ganoon mo ba isinasagawa ang pag-asa sa Diyos? (Hindi.) Kung gayon, paano mo ito dapat isagawa? Ang isang paraan ay ang basahin ang mga salita ng Diyos at hanapin ang katotohanan nang may pusong bumabaling sa Diyos. Ang isa pa ay ang humingi ng pakikipagbahaginan mula sa mga kapatid na nakauunawa sa katotohanan at makipagtulungan sa kanila upang malutas ang mga problema. At ang pangatlo ay ang manalangin at hanapin ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Ang tatlong paraang ito ay dapat isagawa nang sabay-sabay. Halimbawa, kapag namumuno ka sa isang pagtitipon at nalaman mong may ilang isyu na hindi mo maipagbahaginan nang lubusan, dapat kang manalangin sa Diyos sa iyong puso, na hinahanap ang kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu. Kasabay nito, dapat mong pagnilayan ang mga kaugnay na katotohanan at hayaan ding makipagbahaginan at magpahayag ng kanilang mga pananaw ang mga kapatid. Sa pamamagitan ng pakikipagbahaginan, marahil ay may isang taong makatatanggap ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, magkakaroon ng kaunting pagtanglaw, at mauunawaan ang pinakadiwa ng problema. Maaari ding magkaroon ng kaunting pagtanglaw ang iba, at kapag pinagsama-sama ang pagtanglaw ng lahat, malulutas nang lubusan ang problema. Kita mo, basta't tunay na umaasa ang mga tao sa Diyos at praktikal na hinahanap ang katotohanan, gagawa ang Banal na Espiritu para gabayan sila, at malulutas ang kanilang mga problema. Iyong mga umaasa sa Diyos ay hindi mapapahiya. Kung taglay mo ang pananalig na ito, magkakaroon ka ng lakas ng loob na lutasin ang mga problema agad-agad. Kung mahaharap ka sa isang problemang mahirap lutasin, maaari kang maghanap ng dalawa o tatlong kapatid para makipagtulungan, manalangin at umasa sa Diyos nang may iisang puso at isipan, at sa sandaling magbigay ng kaliwanagan at pagtanglaw ang Banal na Espiritu, magiging maliwanag at malinaw ang iyong puso, makakakita ka ng landas pasulong, at malulutas mo ang problema. Hindi ba’t pagkakita ito sa mga gawa ng Diyos? (Oo.) Sa ngayon, karamihan sa mga lider at manggagawa sa mga iglesia sa ibang bansa ay dalawa hanggang limang taon pa lang nananampalataya. Ang kanilang karanasan at pagkaunawa sa katotohanan ay parehong napakababaw. Maraming paghihirap at problema sa iglesia na hindi nila kayang makilatis, kaya mga salita at doktrina lang ang kaya nilang sabihin. Sa ganoong sitwasyon, kung hindi sila marunong bumaling at umasa sa Diyos at hindi makatamo ng kaliwanagan at pagtanglaw ng Banal na Espiritu, hindi sila makagagawa ng anumang gawain o makalulutas ng anumang problema. Samakatwid, dapat matuto ang mga tao na bumaling at umasa sa Diyos. Iyong mga umaasa at bumabaling sa Diyos ay hindi mapapahiya. Huwag umatras o magtago sa tuwing nahaharap ka sa isang paghihirap; makahahadlang ito sa gawain. Maraming tao ang palaging nagiging negatibo kapag nahaharap sa mga paghihirap, at nagtataka sila kung bakit. Ito ay dahil kulang sila sa pananalig, pagtitiyaga, at katatagan. Masyado silang marupok at hindi kayang magpasan ng mabibigat na pasanin. Ito ay tulad ng isang babaeng nagpakasal sa isang lalaki at lumagay sa tahimik. Sa simula, kapag walang mga sakit o problema, napakasaya niya. Pero kalaunan, nang magkasakit nang malubha ang kanyang asawa, o tinamaan ng sakuna ang pamilya at naging mahirap ang buhay, nagsimula siyang magreklamo, sinasabing, “Hmp, nagsisisi akong pinakasalan kita! Puro pagdurusa na lang sa halip na kagalakan mula nang makasama kita!” Kita mo, sa sandaling makaharap ang mga tao ng kaunting paghihirap o pagdurusa, nagsisimula silang magreklamo at magpahayag ng mga hinaing. Hindi nila nakikilatis ang katunayan na may mga tagumpay at kabiguan sa buhay. May mga panahon ng kasaganaan at mga panahon ng kahirapan, mga panahon ng pagpapala at mga panahon ng kasawian. Walang buhay ng sinumang tao ang palaging maayos at walang problema. Lahat ng pagsasaayos ng Diyos ay may kabuluhan. Hindi pa nila nakikilatis ang batas na ito ng buhay. Hindi nila nauunawaan ang buhay. Bawat sitwasyong isinasaayos ng Diyos para sa mga tao ay pinakakapaki-pakinabang para sa kanila. Hindi hinahayaan ng Diyos na mamuhay ang mga tao sa kaginhawahan at kagaanan. Palagi Siyang naghahanda ng mga paghihirap para sa mga tao upang matutuhan nila ang kanilang mga aral, na nagbibigay-daan sa kanilang umasa at bumaling sa Diyos sa lahat ng bagay, at sa huli ay maunawaan ang katotohanan at makamit ang ganap na pagpapasakop sa Diyos. Sabihin ninyo sa akin, mabuti ba o masama ang maharap sa ilang paghihirap? (Mabuting bagay.) Paano kung may sakit ang anak mo at wala kang pera para sa pagpapagamot—mabuti ba iyon o masama? (Mabuting bagay.) Paano kung wala nang mapagkukunan ang pamilya mo at hindi na makaraos—mabuti ba iyon o masama? (Mabuting bagay.) Bakit ninyo sinasabing mabuting bagay ito? (Kapaki-pakinabang ito para sa paglago ng buhay ng isang tao. Sa kahirapan, matututo ang mga tao ng mga tunay na aral, mararanasan ang gawain ng Diyos, at matututong magpasakop sa Diyos, at lalago rin ang kanilang pananalig sa Diyos.) (Dahil sa pagharap lamang sa mga paghihirap na ito napipilitan ang mga tao na lumapit sa harap ng Diyos upang manalangin sa Kanya at umasa sa Kanya. Sa ganitong paraan, nagiging mas malapit ang kanilang relasyon sa Diyos. Kung masyadong komportable ang kanilang kapaligiran, hindi madali para sa mga tao na lumapit sa harap ng Diyos para hanapin ang katotohanan. Ginagawa lang nila ang lahat ng bagay nang sila lang at lalo lang silang napapalayo sa Diyos.) Tama ang sinabi ninyong lahat. Lahat ng nangyayari sa isang tao ay masusi at sinadyang isinaayos ng Diyos—masasabi ba natin iyan? (Oo.) Kung gayon, nauunawaan mo ba ang mga layunin ng Diyos? (Oo.) Kahit na nauunawaan mo o hindi ang mga layunin ng Diyos, ang anumang sitwasyong pinapamatnugutan Niya para sa iyo ay pinakakapaki-pakinabang para sa paglago mo sa buhay at para sa pagkamit mo ng kaligtasan. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay nangangahulugang pagdanas sa lahat ng sitwasyong pinapamatnugutan Niya. Sa paningin ng Diyos, kinakailangan mong danasin ang mga bagay na ito. Kung hindi mo ito daranasin, hindi madaling makamit ang katotohanan at matamo ang kaligtasan. Maraming tao, kapag nahaharap sa mga paghihirap, ay hindi hinahanap ang mga layunin ng Diyos. Sa halip, sa kanilang mga kuru-kuro, iniisip nila, “Ang paghahanda ng Diyos ng sitwasyong ito para sa akin ay para lamang maglagay ng mga hadlang at paghihirap para sa akin. Ayaw Niyang gawin ko ang aking tungkulin. Gusto Niyang putulin ang aking paraan ng ikabubuhay. Wala na akong paraan para mabuhay! Ano pa ang silbi ng pananampalataya sa Diyos?” Kita mo, hindi sila marunong maghanap ng mga layunin ng Diyos o umasa sa Kanya. Dahil dito, binibigo nila ang mga layunin ng Diyos at ang Kanyang masisidhing layunin. Hindi ba’t isa itong kawalan para sa kanila? (Oo.) Sa katunayan, ang pagharap sa mga paghihirap ay pagsubok ng Diyos sa mga tao at paggawang perpekto sa kanila. Ano ang sinusubok at ginagawang perpekto ng Diyos sa mga tao? Nakikita ng Diyos na sa kasaganaan ay tapat ka at kaya mong talikuran ang lahat para gugulin ang sarili para sa Kanya, pero kaya mo pa rin bang talikuran ang lahat at gugulin ang sarili para sa Kanya sa kahirapan? Ito ang nais subukin ng Diyos, at ito rin ay pagpeperpekto sa iyo ng Diyos upang makapanindigan ka sa iyong patotoo para sa Kanya. Kung kaya mo pa ring gugulin ang sarili mo para sa Diyos at magpatuloy sa iyong tungkulin sa kahirapan, kung gayon ito ay pagkakaroon ng tunay at matunog na patotoo. Samakatwid, anuman ang mangyari sa atin, ito ay isang sandali kung kailan dapat nating isaalang-alang ang mga layunin ng Diyos at magpatotoo para sa Kanya. Hindi ninyo dapat ito kaligtaan. Ito ang sandali kung kailan dapat tayong magpatotoo para sa Diyos. Dapat ninyo itong tandaan. Magbigay tayo ng isang halimbawa. Sa puso ng Diyos, si Job ay isang taong may takot sa Kanya, kaya noong si Job ay pitumpung taong gulang, hinayaan ng Diyos na dumating sa kanya ang isang malaking pagsubok. Hindi ito maliit na pagsubok! Isa itong pakikipagpustahan na ginawa ni Satanas sa Diyos sa espirituwal na mundo. Si Satanas ang pinakamatinding lumalaban sa Diyos. Naging mapanghamon ito nang makita nitong sinang-ayunan ng Diyos si Job. Naniniwala ito na kung kayang ipagkanulo ng mga anghel ang Diyos, ganoon din ang tao. Inakala nito na natakot si Job sa Diyos dahil binigyan siya ng Diyos ng maraming benepisyo, at na kung aalisin ng Diyos ang lahat ng benepisyong ito, agad na itatakwil ni Job ang Diyos. Ito ang pinaniniwalaan ni Satanas. Dahil sa kalikasan nitong nagkakanulo at lumalaban sa Diyos, kaya nitong mag-isip sa ganitong paraan. Sa huli, ipinahiya ng patotoo ni Job si Satanas. Hindi itinakwil ni Job ang Diyos; sa halip, sinabi niya: “Si Jehova ang nagbigay, at si Jehova ang nag-alis; purihin ang pangalan ni Jehova” (Job 1:21). Hinihintay ni Satanas na may sabihin si Job para itakwil ang Diyos, pero pagkatapos maghintay nang matagal, kailanman ay hindi nito inasahan na bibigkasin ni Job ang gayong mga salita ng pasasalamat sa Diyos. Napahiya si Satanas, at tumalikod ito at umalis. Nanindigan si Job sa kanyang patotoo sa pamamagitan ng gayon kalaking pagsubok, na nagpahiya kay Satanas, kaya sinang-ayunan ng Diyos si Job, sinasabing siya ay isang perpektong tao na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ipinapakita nito na ang pagsang-ayon ng Diyos sa mga tao ay nakabatay sa pagbibigay nila ng isang matunog na patotoo. Sabihin ninyo sa akin, kapag biglang dumarating ang isang sakuna sa isang tao sa gitna ng kasaganaan, hindi ba’t ito ay masusing isinaayos at idinisenyo ng Diyos? (Oo.) May ilang taong kayang tanggapin ito mula sa Diyos at kilalanin na dumating sa kanila ang pagsubok ng Diyos. Ito ba ay tunay na pananalig? (Oo.) At iyon bang mga hindi nakakakilala nito, mayroon ba silang tunay na pananalig? (Wala.) Kung walang tunay na pananalig, paano titingnan ng isang tao ang pagsubok na dumating kay Job? Iisipin nilang gawa ito ng tao, at hindi isinaayos ng Diyos, at na talagang masasama ang mga magnanakaw at nakita nila ang napakalaking yaman ni Job at ang kanyang mga kawan at bakahan na bumabalot sa mga bundok kaya ninakaw nila ang mga ito mula sa kanya. Iisipin nilang ang tiwaling sangkatauhan ay talagang buktot at kayang gawin ang anumang masamang gawa, at gugustuhin nilang mag-organisa ng mga tao para bawiin ang mga kawan at bakahang iyon. Kita mo, kapag hindi kilala ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos o hindi nila kinikilala na ang mga sitwasyong ito ay isinaayos ng Diyos, gagamit sila ng mga pamamaraan ng tao para lutasin ang mga ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng awtoridad ng Diyos, walang tao o bagay ang makakatakas sa Kanyang paggamit ng awtoridad, ni makapagbabago ng mga prinsipyo kung paano ginagamit ang Kanyang awtoridad(Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I). Ito ay mga salitang binigkas Mismo ng Diyos. Sa sansinukob at sa lahat ng bagay, walang isa mang bagay na hindi pinaghaharian at isinasaayos ng Diyos. Pero naniniwala ang ilang tao na ang malalaking pangyayari lang ang pinaghaharian at isinasaayos ng Diyos, habang sa maliliit na bagay, tao ang nasusunod. Tama bang arukin ang mga bagay sa ganitong paraan? Sabihin ninyo sa akin, kung biglang magkasakit ang isang tao, pagsasaayos ba ito ng Diyos? Sabi ng ilan, “Nagkasakit ako dahil hindi ako maingat sa kinain ko at nakakain ako ng hindi dapat. Wala itong kinalaman sa Diyos.” Tama ba ito? (Hindi.) Anuman ito, ang lahat ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at pagsasaayos ng Diyos. Maging ang mga bagay na ginagawa mo nang hindi namamalayan ay saklaw ng mga pagsasaayos ng Diyos. Kita mo, ilang taon mong kailangang danasin ang mga bagay-bagay para lang mapagtanto na “Lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos”? Kung sa sandali lang ng kamatayan mo ito mapagtatanto, magiging huli na ang lahat. Dapat mong kilalanin ang bawat isang bagay na nararanasan mo ngayon sa ganitong paraan. Sa lahat ng bagay, dapat mong kilalanin ang kataas-taasang kapangyarihan, mga pagsasaayos, at pag-oorden ng Diyos, at dapat kang matutong magpasakop sa mga pamamatnugot at pagsasaayos ng Diyos. Saka ka lang makapapasok sa katotohanang realidad; ganyan ang mga taong nagtatamo ng kaligtasan. Dapat matugunan ng mga taong nagtatamo ng kaligtasan ang pamantayang ito. Sa isang banda, dapat silang magkaroon ng tunay na pananalig at tunay na pagpapasakop sa Diyos, at sa kabilang banda ay dapat din nilang makilala ang mga gawa ng Diyos. Ito ang pagpasok sa katotohanang realidad. Samakatwid, anuman ang usapin, dapat kilalanin ng mga tao ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos. Dapat din nilang kilalanin ang kanilang sarili. Sa sandaling makilala ng mga tao ang kanilang sarili, matatagpuan nila ang landas tungo sa buhay pagpasok. Sa sandaling makilala ng mga tao ang kanilang sarili, maaari nilang hanapin ang katotohanan at ang mga layunin ng Diyos. Sa sandaling makilala ng mga tao ang kanilang sarili, maaari nilang isagawa ang katotohanan upang makapagpasakop sa Diyos at makapagpatotoo para sa Kanya. Kung hindi kilala ng mga tao ang kanilang sarili, nagiging mapagmataas sila at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, iniisip na hindi tiyak na ang Diyos ang siyang nasusunod sa lahat ng bagay, at na sa maraming pagkakataon, ang tagumpay ay nakasalalay sa pagsisikap ng tao at ito ay isang bagay na kayang gawin ng mga tao. Pagkatapos ay magsisimula na silang ipakita ang kanilang mga gawa. Sa puntong iyon, hindi sila nagpapasakop sa Diyos, kundi sa halip ay lumalaban sa Kanya.

Madali ba para sa isang tao na piliing magpasakop sa Diyos kapag may nangyayari sa kanya? Sa anong batayan nakasalalay ang pagpapasakop sa Diyos? Dapat magkaroon ang isang tao ng tunay na pananalig at makita na ang lahat ng bagay ay nasa ilalim ng kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos bago siya magkaroon ng pananalig na magpasakop sa Diyos at manindigan sa kanyang patotoo. Kung wala siyang pananalig, hindi kilala ang kanyang sarili o ang kanyang mga limitasyon, at iniisip na kaya niyang gawin nang maayos ang kanyang tungkulin nang mag-isa, makapagpapasakop ba siya sa Diyos? (Hindi.) Kung gayon, sabihin ninyo sa akin, paano nauugnay ang pagkakilala sa sarili sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos? (Ang pagkakilala sa sarili ang pundasyon at paunang kinakailangan para sa pagsasagawa ng katotohanan at pagpapasakop sa Diyos.) Kapag lubusan nang kilala ng mga tao ang kanilang sarili, saka lamang nila hahanapin ang katotohanan, at saka lamang sila mananabik na makamit ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Isang batas ito na habang mas kilala ng mga tao ang kanilang sarili, mas nananabik silang makamit ang katotohanan, at mas handa silang magpasakop sa Diyos at bigyang-kasiyahan Siya. Hindi ba’t tama ito? (Oo.) Kung gayon, anong uri ng mga tao ang pinakamalamang na lalaban sa Diyos? (Iyong mga hindi kilala ang kanilang sarili.) Bakit kayang labanan ng mga hindi kilala ang kanilang sarili ang Diyos? Hindi kayang iwaksi ng mga taong hindi kilala ang kanilang sarili ang kanilang satanikong kalikasan o ang kanilang satanikong disposisyon. May magagawa bang anuman ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang tiwaling satanikong kalikasan kundi ang labanan ang Diyos? Kahit na ayaw nilang labanan ang Diyos, wala silang kapangyarihang pigilan ang kanilang sarili. Samakatwid, habang mas malalim ang pagkakilala ng isang tao sa sarili, mas nananabik siya sa katotohanan, at mas handa siyang magpasakop sa Diyos at magpatotoo para sa Kanya, at mas lumalakas ang kanyang pananalig at determinasyon. Habang mas kilala ng isang tao ang kanyang sarili, mas malaki ang kanyang pagbabago. Habang mas kilala niya ang kanyang sarili, mas kaya niyang magpasakop sa Diyos. Habang mas kilala niya ang kanyang sarili, mas minamahal at pinahahalagahan niya ang katotohanan. Pagkatapos ay naniniwala na siya, “Napakahalaga ng katotohanan! Kung wala ang katotohanan, hindi ko kailanman makikilala ang aking sarili. Kung wala ang katotohanan, hindi ako kailanman magpapasakop sa Diyos. Kung hindi ko makakamit ang katotohanan, tiyak na mamamatay ako. Tunay na napakahalaga ng katotohanan! Tinulutan ako ng katotohanan na makilala ang aking sarili, na makilatis ang katotohanan ng aking katiwalian, at na makita na wala akong anumang tinataglay at ako ay wala. Sa pamamagitan lamang ng pagkakamit sa katotohanan ako magkakaroon ng buhay, at sa pamamagitan lamang ng pagkakamit sa katotohanan ako makapagpapasakop sa Diyos at makapamumuhay ng isang tunay na buhay.” Kita mo, sa pamamagitan lamang ng pagkakilala sa kanilang sarili mananabik ang isang tao sa katotohanan, at ang pagkakilala sa sarili ay nagbibigay-daan sa kanilang magsikap na hangarin at makamit ang katotohanan. Habang mas kilala ng isang tao ang kanyang sarili, mas nakikita niya na ang pinakakailangan sa buhay ay ang katotohanan, at hindi pera, kasikatan, pakinabang, katayuan, o anuman sa mga bagay na kay Satanas. Habang mas kilala ng isang tao ang kanyang sarili, mas nakikita niya na kung wala ang katotohanan, ang lahat ay hungkag at walang laman, na tanging ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at na ang katotohanan ang nagtatakda at nagsasakatuparan ng lahat ng bagay. Matatanggap ba ng gayong mga tao ang katotohanan at makapagpapasakop sa Diyos? Makakamit ba nila ang kaligtasan? (Oo.) Sabihin ninyo sa akin, kaya bang kilalanin ng mga tao sa mundo ng relihiyon ang kanilang sarili? (Hindi.) Karamihan sa mga tao sa mundo ng relihiyon ay mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at kumakapit sila sa Bibliya. Paano mo man patotohanan sa kanila ang tungkol sa Makapangyarihang Diyos, tumatanggi silang tanggapin ang katotohanan. Kahit na makita pa ng gayong mga tao balang araw na nahati ang Bundok ng mga Olibo, matupad ang lahat ng propesiya sa Bibliya, at bumaba ang Panginoon sa isang ulap, ano ang makakamit nila? Hindi ba’t mamamatay lang din sila? Malinaw na ba ninyong nakikita ang mga bagay na ito? (Oo.) Kung hindi tatanggapin ng mga tao ang katotohanan o hindi nila kikilalanin ang kanilang sarili, ang kanilang huling kalalabasan ay pagkawasak lamang. Kung gayon, anong uri ng mga tao ang pinakaayaw na kilalanin ang kanilang sarili? Anong uri ng mga tao ang nakakaramdam ng pagkasuklam, nagiging tutol, at lumalayo sa sandaling mabanggit ang pagkakilala sa sarili? Ang mga mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba. Ang mga taong mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba ang pinakaayaw na pag-usapan ang pagkakilala sa sarili. Sa sandaling mabanggit ang pagkakilala sa sarili, nakakaramdam sila ng pagkasuklam at paglaban, at iniiwasan nila at nilalayuan ang mga nagsasalita tungkol sa paksa. May isa pang kaso: Ang masasamang tao ay hindi kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa kanilang sarili. Ang masasamang tao ay tutol sa katotohanan at kinamumuhian ang katotohanan; hindi sila nagpapasakop kaninuman at nangangahas pa ngang labanan ang Diyos. Ang masasamang tao ay hindi kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili, at hindi rin kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili si Satanas at ang mga diyablo. Samakatwid, ang sinumang nananampalataya sa Diyos ngunit hindi kilala ang kanilang sarili kahit katiting, ang sinumang hindi kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili, ay tiyak na napakayabang na nawalan na sila ng lahat ng katwiran. Ang kanilang likas na tiwaling disposisyon ay hindi nagbago ni katiting. Sila ay mga Satanas at mga diyablo, ganap na hindi nagbago, at talagang hindi nila makakamit ang kaligtasan. Malinaw na ba ninyong nakikita ang usaping ito? (Oo, nakikita na namin.) Kung, kapag nangangaral ka ng ebanghelyo, makakilala ka ng isang taong walang anumang pagkakilala sa sarili, at kung, paano ka man magsalita sa pagkakilala sa sarili, ay hindi niya nakikita ang sarili sa iyong inilalarawan, hindi inaamin na ang sangkatauhan ay lubhang tiwali, na ang mga tao ay mga inapo ni Satanas, at na ang mga tao ay mga diyablo at Satanas, kung gayon ang taong iyon ay hindi na maitutuwid. Hindi niya tinatanggap ang katotohanan kahit katiting at imposibleng makamit ang kaligtasan. Hindi na kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa gayong tao. Hindi ba’t ganito nga ang kaso? (Oo.) Kung gayon, paano mo dapat kilatisin kung sino ang isang anticristo o isang huwad na lider, at sino ang isang taong naghahangad ng katotohanan? (Tingnan kung nagsasalita sila tungkol sa pagkakilala sa sarili at tingnan kung mayroon silang tunay na pagkakilala sa sarili.) Tingnan mo lang kung kilala nila ang kanilang sarili. Ang sinumang hindi nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili kahit katiting, hindi umaamin sa anumang pagkakamaling ginagawa niya, palaging ipinagtatanggol ang sarili, at inaangkin ang lahat ng mabubuting bagay at isinisisi sa iba ang lahat ng masasamang bagay ay isa sa mga huwad na kapatid. Kung siya ay isang lider o isang manggagawa, kung gayon siya ay isang huwad na lider o isang huwad na manggagawa. Kung siya ay isang apostol, kung gayon siya ay isang huwad na apostol. Basta't ang isang tao ay walang anumang pagkakilala sa sarili, kung gayon anuman ang sabihin o gawin niya ay huwad. Ang kanyang diwa ay tulad ng sa isang Satanas at isang diyablo. Samakatwid, kung gusto mong makilatis kung ang isang lider o manggagawa ay isang anticristo, dapat mo munang tingnan kung kilala niya ang kanyang sarili. Kung ang kanyang mga kilos ay lumalabag sa mga katotohanang prinsipyo ngunit mayroon siyang kaunting pagkakilala sa sarili, kung gayon ay hindi mo pa siya maaaring tukuyin bilang isang anticristo. Mayroon lamang siyang disposisyon ng isang anticristo at may pag-asa pa ring magsisi. Kung wala siyang anumang pagkakilala sa sarili at mapagmataas din, nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at hindi nagpapasakop kaninuman, kung gayon ay malinaw na tinatahak niya ang landas ng isang anticristo. Kung hindi siya kailanman magsisisi, isa siyang anticristo. Kung susundin mo siya sa iyong pananampalataya sa Diyos, magiging kaso ito ng bulag na umaakay sa kapwa bulag, at tiyak na tatahakin mo ang landas ng paglaban sa Diyos at sa huli ay wawasakin ka ng Diyos. Samakatwid, dapat mong agad na ilantad at itakwil ang gayong tao. Ano ang masasabi mo sa pagkilatis sa mga tao sa ganitong paraan? (Mabuti at tumpak.) Kahit na nananampalataya ang isang tao sa Diyos sa loob ng tatlo, lima, o sampung taon, kung hindi siya kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili, kung gayon siya ang pinakamapanganib na uri ng tao. Imposible para sa gayong tao na pumasok sa katotohanang realidad o makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang isang taong hindi kailanman nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili ay imposibleng makamit ang kaligtasan. May ilang detalye tungkol dito na kailangang talakayin. Ang ilang tao ay hindi nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili dahil wala silang kakayahang umarok sa katotohanan. Wala silang espirituwal na pang-unawa at walang kakayahang unawain ang katotohanan, kaya hindi nila makamit ang pagkakilala sa sarili. Ang ilang tao ay hindi nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili dahil hindi nila minamahal ang katotohanan. Mayroon silang satanikong kalikasan sa kanilang kalooban at ayaw nilang kilalanin ang kanilang sarili. At ang ilang tao ay hindi nagsasalita tungkol sa pagkakilala sa sarili dahil napakababaw ng kanilang karanasan sa buhay, at hindi nila nauunawaan ang katotohanan. May tatlong sitwasyon kung saan hindi nagsasalita ang mga tao tungkol sa pagkakilala sa kanilang sarili. Ang una ay walang espirituwal na pang-unawa ang isang tao at napakahina ng kanyang kakayahan para maunawaan ang katotohanan. Ang pangalawa ay kapag ang kalikasan ng isang tao ay hindi nagmamahal sa katotohanan, at siya ay masamang tao. Ang pangatlo ay kapag napakababaw ng karanasan sa buhay ng isang tao at hindi niya nauunawaan ang katotohanan. Kung ang ganitong uri ng tao ay hindi naghahangad sa katotohanan at sa huli ay mabibigo pa ring makamit ang pagkakilala sa sarili, kung gayon ay hindi rin nila makakamit ang kaligtasan. Dapat ninyong makilatis ang tatlong sitwasyong ito. Hindi kayo maaaring padalos-dalos na gumawa ng kongklusyon tungkol sa mga tao nang walang sapat na batayan.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.