Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII

Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay (II) Unang Bahagi

Ating ituloy ang paksa ng usapan mula nakaraan. Natatandaan ba ninyo kung ano ang paksang ating pinag-usapan noong nakaraan? (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay.) Ang “Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay” ay isa bang paksang malayo sa inyong loob? Kaya bang sabihin sa Akin ng sinuman ang pangunahing punto ng paksang ito na ating pinag-usapan noong nakaraan? (Sa pamamagitan ng paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay, nakikita ko na inaalagaan ng Diyos ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan. Noong araw, lagi kong inakala na kapag ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa tao, binibigay lamang Niya ang Kanyang salita sa Kanyang mga napiling tao, ngunit hindi ko kailanman nakita, sa pamamagitan ng mga kautusan sa lahat ng bagay, na inaalagaan ng Diyos ang sangkatauhan. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pakikipag-usap ng Diyos sa aspetong ito ng katotohanan na nakikita ko ngayon na ang buhay ng lahat ng bagay ay ibinigay ng Diyos, na minamanipula ng Diyos ang mga kautusang ito, at na inaalagaan Niya ang lahat ng mga bagay. Mula sa paglikha Niya ng lahat ng bagay nakikita ko ang pag-ibig ng Diyos at nararamdaman na ang Diyos ang pinagmumulan ng lahat ng mga bagay.) Mm, noong nakaraan, una sa lahat, pinag-usapan natin ang tungkol sa paglikha ng Diyos ng lahat ng mga bagay at paano Niya itinatag ang mga kautusan at mga alituntunin para sa kanila. Sa ilalim ng mga nasabing kautusan at sa ilalim ng mga nasabing alituntunin, lahat ng bagay ay nabubuhay at namamatay kasama ng tao at kasamang nabubuhay ng tao sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at sa mga mata ng Diyos. Ano ang ating unang pinag-usapan? Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at ginamit ang Kanyang mga sariling pamamaraan upang itakda ang mga kautusan ng paglago para sa lahat ng mga bagay, pati na rin ang kanilang pagpapatuloy sa paglago at mga parisan, at itakda din ang mga pamamaraan ng lahat ng bagay na nabubuhay sa mundong ito, upang maaari silang patuloy na mamuhay at dumepende sa isa’t isa. Sa pagkakaroon ng mga nasabing pamamaraan at kautusan, ang lahat ng bagay ay kayang matagumpay at mapayapang mamuhay at sumibol sa lupaing ito. Sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng nasabing kapaligiran ay kaya ng tao na magkaroon ng isang pirming tahanan at kapaligirang titirahan, at sa ilalim ng pamamatnubay ng Diyos, patuloy pang umunlad at sumulong, umunlad at sumulong.

Noong nakaraan, ating pinag-usapan ang panimulang konsepto ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay. Binibigyang-buhay muna ng Diyos ang lahat ng bagay sa ganitong paraan upang ang lahat ng bagay ay mamalagi at mamuhay para sa sangkatauhan. Ang nasabing kapaligiran ay umiiral dahil sa mga kautusang itinakda ng Diyos. Ito ay dahil lamang sa pamamagitan ng Diyos na nagpapanatili at nangangasiwa ng mga nasabing kautusan na ang sangkatauhan ay mayroong kapaligirang tinitirhan na mayroon sila ngayon. Ang ating pinag-usapan noong nakaraan ay isang malaking paglukso mula sa pagkakakilala sa Diyos na ating dating pinag-usapan. Bakit umiiral ang nasabing paglukso? Dahil kapag pinag-uusapan natin sa nakaraan ang tungkol sa pagkilala sa Diyos, tinatalakay natin sa loob ng mga saklaw ng Diyos na nagliligtas at namamahala sa sangkatauhan—na siyang, ang pagkaligtas at pamamahala ng mga napiling tao ng Diyos—tungkol sa pagkilala sa Diyos, mga gawa ng Diyos, Kanyang disposisyon, kung ano ang mayroon at kung ano Siya, Kanyang mga pakay, at paano Niya binibigyang-buhay ang tao gamit ang katotohanan at buhay. Ngunit ang paksa na ating pinag-usapan noong nakaraan ay hindi na lang basta limitado sa Biblia at sa loob ng saklaw ng Diyos na nagliligtas ng Kanyang mga napiling tao. Bagkus, lumukso ito paalis ng saklaw na ito, palabas ng Biblia, at palabas ng mga paligid ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos na isinasagawa sa Kanyang mga napiling tao upang talakayin ang Diyos Mismo. Kaya kapag naririnig mo ang bahaging ito ng Aking pakikipag-usap, hindi mo dapat limitahan ang iyong pagkakakilala sa Diyos sa Biblia at sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Sa halip, dapat mong panatilihing bukas ang iyong pananaw at makita ang mga gawa ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kabilang sa lahat ng mga bagay, at paano pinamumunuan ng Diyos at pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito at sa saligang ito, makikita mong paano binibigyang-buhay ng Diyos ang lahat ng bagay. Pinahihintulutan nito ang sangkatauhan na maintindihang ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay at ito ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Ibig sabihin, ang pagkakakilanlan ng Diyos, estado at awtoridad, at ang Kanyang lahat ay hindi lamang para sa mga kasalukuyang sumusunod sa Kanya—ibig sabihin, hindi lamang para sa inyong mga tao—ngunit para sa lahat ng mga bagay. Kung gayon ano ang saklaw ng lahat ng bagay? Labis na malawak ang saklaw ng lahat ng mga bagay. Ginagamit ko ang “lahat ng mga bagay” upang ilarawan ang saklaw ng pamumuno ng Diyos sa lahat dahil nais kong sabihin sa inyo na ang mga bagay na nasasakupan ng Diyos ay hindi lamang ang kaya ninyong makita sa inyong mga mata, ngunit kabilang rin ang materyal na mundong kayang makita ng lahat ng tao, gayon na rin ang iba pang mundo na hindi kayang makita ng mga mata ng tao sa labas ng materyal na mundo, at higit pa rito ay kabilang din ang kalawakan at mga planeta sa labas ng kung saan nananahan ang sangkatauhan. Iyan ang saklaw ng dominyon ng Diyos sa lahat ng bagay, at ang konsepto na sinasakop ng Diyos ang lahat. Ang saklaw ng dominyon ng Diyos sa lahat ng mga bagay ay napakalawak. Kung sa inyo, ano ang dapat ninyong maintindihan, ano ang dapat ninyong makita, at kung mula saang mga bagay kayo dapat magkamit ng kaalaman—ito ay kung ano ang bawat isa sa inyong nakaupo dito ay kailangan at dapat na maintindihan, makita, at malinawan. Kahit na ang saklaw ng “lahat ng mga bagay” na ito ay masyadong malawak, hindi ko sasabihin sa inyo ang tungkol sa saklaw na hindi ninyo kayang makita kailanman o hindi ninyo kayang malapitan. Sasabihin ko lang sa inyo ang tungkol sa saklaw na kayang malapitan ng mga tao, kayang maintindihan, at kayang maunawaan, upang ang lahat ay maaaring makaramdam ang tunay na kahulugan ng kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay.” Sa ganoong paraan, kahit anong aking pakikipag-usap sa inyo ay hindi magiging mga salitang walang laman.

Noong huli, ginamit natin ang mga paraan ng pagkukuwento upang magbigay ng isang simpleng pahapyaw sa paksang “Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay,” upang kayo ay magkaroon ng pangunahing pagkakaintindi kung paano nagbibigay-buhay ang Diyos sa lahat ng mga bagay. Ano ang katuturan ng pagkikintal ng pangunahing konseptong ito sa inyo? Ito ay upang hayaan kayong malaman na, sa labas ng Biblia at ang Kanyang tatlong yugto ng gawain, gumagawa pa ng mas maraming gawain ang Diyos na hindi kayang makita o mahawakan ng tao. Ang nasabing gawain ay personal na ginampanan ng Diyos. Kung ang Diyos ay mag-isa lamang na pinamumunuan nang pasulong ang Kanyang mga napiling tao, kung wala ang gawang ito sa labas ng Kanyang gawaing pamamahala, kung gayon at magiging napakahirap nito para sa sangkatauhang ito, kasama kayong lahat, upang magtuloy na sumulong, at ang sangkatauhang ito at ang mundong ito ay hindi magagawang magpatuloy sa pag-unlad. Iyan ang kahalagahan ng kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay” na aking ipinahahayag sa inyo ngayon.

Ang Saligang Buhay na Kapaligiran na Nililikha ng Diyos para sa Sangkatauhan

Natalakay na natin ang maraming mga paksa at nilalaman kaugnay sa kasabihang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay,” ngunit alam ba ninyo sa inyong mga puso kung ano ang mga bagay na binibigay ng Diyos sa sangkatauhan maliban sa pagbibigay-buhay sa inyo sa pamamagitan ng Kanyang salita at pagpapamalas ng Kanyang pagkastigo at paghatol sa inyo? Maaring sabihin ng ibang tao na, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng biyaya at pagpapala, at nagbibigay sa akin ng disiplina, ginhawa, at pag-aalaga at pag-iingat sa bawat paraang posible.” Sasabihin ng iba, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng pagkain at inumin sa araw-araw,” samantalang ang ilan ay sasabihin pang, “Nagbibigay ang Diyos sa akin ng lahat.” Kaugnay ng mga bagay na ito na nararamdaman ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay, maaaring lahat kayo ay mayroon ng sagot na kaugnay ng inyong pisikal na mga karanasan sa buhay. Nagbibigay ang Diyos ng maraming mga bagay sa bawat isa, kahit na ang ating tinatalakay dito ay hindi lamang limitado sa saklaw ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, ngunit pinahihintulutan ang bawat isa sa inyo na tumingin pa nang mas malayo. Mula sa isang makrong perspektibo, dahil ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay, paano Niya napapanatili ang buhay ng lahat ng mga bagay? Upang ang lahat ng bagay ay maaaring magpatuloy na umiral, ano ang dinadala ng Diyos sa lahat ng mga bagay upang panatilihin ang kanilang pag-iral at panatilihin ang mga kautusan ng kanilang pag-iral? Iyan ang pangunahing punto ng ating tinatalakay ngayon. Naiintindihan ba ninyo ang aking sinabi? Maaring ang paksang ito ay labis na hindi pamilyar sa inyo, ngunit hindi ako magsasalita tungkol sa kahit anong doktrinang masyadong malalim. Sisikapin kong makaunawa kayong lahat matapos ninyong makinig. Hindi ninyo kailangang makaramdam ng kahit anong pagkabigat—ang dapat lamang ninyong gawin ay makinig nang mabuti. Gayunman, kailangan ko pa ring bigyang-diin ito ng kaunti pa: Tungkol sa ano ang paksang aking tinatalakay? Sabihin ninyo sa Akin. (Ang Diyos Ay ang Pinagmumulan ng Buhay ng Lahat ng Mga Bagay.) Kung gayon, paano nabibigyang-buhay ng Diyos ang lahat ng mga bagay? Ano ang ibinibigay ng Diyos sa lahat ng mga bagay? Bakit maaari itong sabihing “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay ng lahat ng mga bagay”? Mayroon ba kayong kahit anong mga konsepto at kaisipan tungkol dito? Tila ang paksang ito na aking tinatalakay ay talagang lumilikha ng ganap na puwang sa inyong mga puso at isipan. Ngunit umaasa akong kaya ninyong iugnay ang paksa at ang mga bagay na aking tatalakayin tungkol sa mga gawa ng Diyos, at hindi iugnay ang mga ito sa anumang kaalaman o itali ito sa anumang kultura ng tao at pananaliksik. Nagtatalakay lamang ako tungkol sa Diyos at tungkol sa Diyos Mismo. Iyan ang Aking mungkahi sa inyo. Naiintindihan ba ninyo? (Oo.)

Nagkaloob ang Diyos ng maraming bagay sa sangkatauhan. Magsisimula ako sa pamamagitan nang pagsasalita tungkol sa ano ang kayang makita ng tao, iyon ay, ano ang kanilang kayang maramdaman. Ito ang mga bagay na kayang maintindihan at tanggapin ng mga tao sa kanilang kalooban. Kaya una, ating simulan sa materyal na mundo upang talakayin kung ano ang ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan.

1. Hangin

Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang “hangin” bang ito ay hindi ang hangin ng pang-araw-araw na buhay na palaging nararamdaman ng tao? Ang hanging bang ito ay hindi ang bagay kung saan ang mga tao ay dumedepende sa bawat saglit, kahit na sila ay tulog? Panghabang-panahon na mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Ito ang mahalagang sangkap ng kanilang bawat hininga at ng buhay mismo. Ang sangkap na ito, na siyang kaya lamang maramdaman at hindi makita, ay ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Matapos likhain ang hangin, umalis lang ba basta ang Diyos? Mayroong mga aspeto nito na hindi mailarawan sa isip ng tao. Pagkakalikha ng hangin, ang eksaktong densidad at dami ng hangin ay kinailangang maging tiyak na angkop sa sangkatauhan para sa kanilang pamumuhay. Tungkol sa densidad, mayroon munang bagay tungkol sa nilalaman ng oksigeno. Ito ay isang tanong para sa pisika. Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang paliwanag? Kailangan ng tao ang hangin, at kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat magkabagay ang densidad ng hangin sa baga ng tao. Alam ba ng sinuman ang densidad ng hangin? Hindi ito isang bagay na kailangan malaman ng tao; walang pangangailangan upang ito ay malaman. Ang pagkakaroon ng isang pangkalahatang ideya ay mainam lamang—hindi natin kailangan ng isang eksaktong numero ukol sa densidad ng hangin. Una, nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging angkop para sa mga baga ng tao upang huminga—ito ay naangkop sa paghinga ng tao. Iyon ay, kapag nilanghap, ang hangin ay nasa isang densidad na hindi nakapipinsala sa katawan. Ito ang ideya sa likod ng densidad ng hangin. Una sa lahat, ang mga nilalaman ng hangin ay hindi nakakalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa mga baga at sa katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na ang hangin na nilalanghap ng mga tao ay dapat dumaloy papasok at palabas nang maayos, at, matapos malanghap, ang nilalaman at dami ng hangin ay dapat na ang dugo at ang dumi sa hangin ay maayos na maproseso sa paraang maaaring magamit ng baga at katawan ng tao, at gayundin ang hangin ay hindi dapat magtaglay ng nakalalasong mga sangkap. Tungkol sa dalawang pamantayang ito, hindi ko nais na tustusan kayo ng isang kumpol ng kaalaman, ngunit sa halip ay hayaan lang kayong malaman na nagkaroon ang Diyos ng isang tiyak na kaisipan noong nilikha Niya ang bawat isang bagay—ang pinakamahusay. Kung tungkol sa dami ng alikabok sa hangin, ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa mundo, at ang alikabok na bumababa mula sa himpapawid, mayroon ding plano ang Diyos para sa mga bagay na ito—isang paraan ng paglilinis o pagreresolba ng mga bagay na ito. Habang mayroong kaunting alikabok, ginawa ito ng Diyos upang ang alikabok ay hindi makapinsala sa katawan at paghinga ng tao, at ang mga bahagi ng alikabok ay magiging isang sukat na hindi nakapipinsala sa katawan. Hindi ba misteryoso ang paglikha ng Diyos sa hangin? (Oo.) Kasing-simple lang ba ito ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Kahit sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang misteryo ng Diyos, ang Kanyang mga pag-iisip, Kanyang mga saloobin, at Kanyang karunungan, lahat ay maliwanag. Makatotohanan ba ang Diyos? (Oo.) Ibig sabihin, kahit sa paglikha ng isang bagay na simple, iniisip ng Diyos ang sangkatauhan. Una, malinis ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang mga nilalaman nito ay nababagay sa paghinga ng tao, sila ay hindi nakakalason at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao, at ang densidad ay ginawa akma para sa paghinga ng tao. Ang hangin na ito na nilalanghap at hinihinga palabas ng tao ay kailangan para sa kanilang katawan at, para sa kanilang laman. Kaya maaaring langhapin ito nang malaya ng mga tao, nang walang pagpilit o pag-aalala. Maaari silang huminga nang normal. Ang hangin ang nilikha ng Diyos noong simula at ang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.

2. Temperatura

Ang ikalawang bagay ay temperatura. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na dapat mayroon ang isang kapaligirang nababagay sa kaligtasan ng tao. Kung ang temperatura ay masyadong mataas, sabihin na kung ang temperatura ay mas mataas kaysa 40 digri Sentigrado, kung gayon magiging miserable ang pamumuhay ng mga tao. Hindi ba ito nakasasaid? Paano kung ang temperatura ay masyadong mababa, at aabot lamang sa negatibong 40 digri Sentigrado? Hindi rin ito makakayanang tiisin ng mga tao. Kaya naman, masyadong naging partikular ang Diyos sa pagtakda ng saklaw ng temperaturang ito. Ang saklaw ng temperatura na kayang angkupan ng katawan ng tao ay negatibong 30 digri Sentigrado hanggang 40 digri Sentigrado. Ito ang pinakamababang saklaw ng temperatura mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa mga malalamig na rehiyon, ang mga temperatura ay kayang umabot hanggang sa negatibong 50 digri Sentigrado. Ang nasabing rehiyon ay hindi isang lugar na pinahihintulutan ng Diyos na manirahan ang tao. Bakit kaya mayroong ganoong mga malamig na rehiyon? Dito nakasaad ang karunungan ng Diyos at Kanyang mga pakay. Hindi ka Niya pinahihintulutang pumunta malapit sa mga lugar na iyon. Pinoprotektahan ng Diyos ang mga lugar na masyadong mainit at masyadong malamig, samakatuwid hindi Siya handang pahintulutan ang tao na manirahan roon. Iyon ay hindi para sa sangkatauhan. Bakit Niya pahihintulutan ang mga lugar na iyon na manatili sa mundo? Kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang tao na manirahan doon o mamalagi roon, kung gayon bakit Niya nilikha ang mga iyon? Ang karunungan ng Diyos ay nasasaad doon. Iyon ay, ang pinakamababang temperatura ng kapaligiran na para sa pamumuhay ng tao ay makatuwirang isinaayos ng Diyos. Mayroon ding batas dito. Lumikha ang Diyos ng ilang bagay upang tumulong na panatilihin ang nasabing temperatura, upang makontrol ang temperaturang ito. Anong mga bagay ang ginagamit upang mapanatili ang temperaturang ito? Una sa lahat, kayang magbigay ng araw ng init sa tao, ngunit hindi ito kakayanin ng tao kung masyadong mainit. Mayroon bang alinmang instrumento sa mundo na kayang lumapit sa araw? (Wala.) Bakit wala? Masyado itong mainit. Matutunaw ito. Kaya naman, nagpamalas din ang Diyos ng isang partikular na sukat ng distansya ng araw mula sa sangkatauhan. Mayroong pamantayan ang Diyos para sa distansyang ito. Mayroon ding Polong Timog at Hilagang Polo. Ano ang mayroon sa Polong Timog at Hilagang Polo? Lahat ng ito ay mga gleysyer. Kaya bang manirahan ng tao sa mga gleysyer? Ito ba ay nababagay sa paninirahan ng tao? (Hindi.) Hindi, kaya hindi ka pupunta roon. Dahil hindi ka pumupunta sa mga Polong Timog at Hilaga, ang mga gleysyer ay mapepreserba, at patuloy nilang magagampanan ang kanilang tungkulin, na pagkontrol sa temperatura. Kuha ba ito? Kung wala ang mga Polong Timog at Hilaga at ang araw ay laging sumisinag sa mundo, kung gayon lahat ng tao sa mundo ay mamamatay sa init. Ginagamit lang ba ng Diyos ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura? Hindi, hindi Niya ginagamit lamang ang dalawang bagay na ito upang kontrolin ang temperatura na nababagay sa kaligtasan ng buhay ng tao. Mayroon ding lahat ng klase ng mga bagay na may buhay, gaya ng damo sa mga palayan, ang iba’t ibang uri ng mga puno at ang lahat ng klase ng halaman sa mga gubat. Sinisipsip ng mga ito ang init ng araw at binubuo ang mainit na enerhiya ng araw upang ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng tao. Mayroon ding mga pagkukunan ng tubig, gaya ng mga ilog at mga lawa. Ang ibabaw na bahagi ng mga ilog at lawa ay hindi isang bagay na kayang desisyunan ng sinuman. Kaya bang kontrolin ng sinuman kung gaano karaming tubig ang mayroon sa mundo, kung saan dumadaloy ang tubig, ang direksyon ng pag-agos nito, ang dami ng tubig, o ang bilis ng agos nito? Walang sinuman ang makakokontrol nito. Tanging ang Diyos lang ang may alam. Itong iba’t ibang pinagmumulan ng tubig, kasama na ang tubig sa ilalim ng lupa at ang mga ilog at mga lawa sa ibabaw ng lupa na nakikita ng tao, ay kaya ring ayusin ang temperatura na pinaninirahan ng tao. Maliban doon, mayroong lahat ng klase ng heograpikong mga pormasyon, gaya ng mga bundok, mga kapatagan, mga kanyon, at mga latian. Ang ibabaw na mga bahagi at sukat ng iba’t ibang heograpikong mga pormasyong ito ay kayang ayusin ang temperatura. Halimbawa, kung ang bundok na ito ay may radyos na 100 kilometro, ang 100 kilometrong ito ay magkakaroon ng 100-kilometrong epekto. Tulad ng para sa kung gaano karami lang ang mga nasabing bulubundukin at mga kanyon na nilikha ng Diyos sa mundo, ito ay isang bagay na pinag-isipan ng Diyos. Sa madaling sabi, sa likod ng pagkakaroon ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos ay mayroong kuwento, at naglalaman rin ang mga ito ng karunungan at mga plano ng Diyos. Sabihin mang, halimbawa, ang mga gubat at ang lahat ng uri ng mga halaman—ang ibabaw na bahagi at ang sukat ng espasyo kung saan sila tumutubo ay hindi kayang kontrolin ng kahit sinong tao, ni sinuman ang mayroong pinal na masasabi sa mga bagay na ito. Gaano karaming tubig ang kaya nilang sipsipin, gaano karaming enerhiya na galing sa init ang kaya nilang sipsipin mula sa araw ay hindi rin kayang kontrolin ng kahit sinong tao. Lahat ng ito ay mga bagay na nakapaloob lamang sa mga saklaw ng kung anong plinano ng Diyos noong nilikha Niya ang lahat ng mga bagay.

Ito ay dahil lang sa maingat na pagpaplano ng Diyos, pagsasaalang-alang, at pagsasaayos sa lahat ng aspeto na kayang tirahan ng tao sa isang kapaligiran na may nasabing angkop na temperatura. Kung gayon, bawat isang bagay na nakikita ng tao, gaya ng araw, o ang mga Polong Timog at Hilaga na madalas na naririnig ng tao, pati na rin ang iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa ibabaw at sa ilalim ng lupa at nasa tubig, at ang ibabaw na mga bahagi ng mga gubat at iba pang uri ng mga halaman, at mga pinagmumulan ng tubig, iba’t ibang uri ng anyong tubig, gaano karaming tubig-alat at tubig-tabang mayroon, idagdag na rin ang iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran—ginagamit ng Diyos ang mga bagay na ito upang panatilihin ang normal na temperatura para sa pamumuhay ng tao. Ito ay tiyak. Ito ay dahil lamang ang Diyos ay mayroong ganoong mga pagsasaalang-alang na kaya ng taong manirahan sa isang kapaligirang may ganoong mga angkop na temperatura. Hindi ito maaaring maging masyadong malamig o masyadong mainit: Ang mga lugar na masyadong mainit at kung saang ang mga temperatura ay lumalampas sa kung ano lamang ang kayang bagayan ng katawan ng tao tiyak na hindi inihanda para sa iyo ng Diyos. Ang mga lugar na masyadong malamig at kung saan ang mga temperatura ay masyadong mababa; mga lugar na, sa sandaling marating ng tao, ay paninigasin sila sa loob lamang ng ilang minuto na hindi sila makakapagsalita, ang kanilang mga utak ay lalamigin, hindi sila makakapag-isip, at madali silang maghahabol ng hininga—ang mga lugar na iyon ay hindi rin inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan. Anumang uri ng pananaliksik ang gustuhing isagawa ng tao, o kahit gusto nilang magpabago o gustuhing magpumilit na pasukin ang mga nasabing limitasyon—anuman ang isipin ng mga tao, hindi nila kailanman makakayanang malampasan ang mga hangganan ng kung ano ang kayang bagayan ng katawan ng tao. Hindi nila kailanman makakayanang alisin ang mga limitasyong ito na nilikha ng Diyos para sa tao. Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, at Diyos ang pinaka-nakakaalam kung ano ang mga temperatura na kayang pakabagayan ng tao. Alam ba ito mismo ng mga tao? (Hindi.) Bakit mo nasabing hindi alam ng mga tao? Anong uri ng kahangalan ang nagawa ng mga tao? Hindi ba mayroong iilang mga tao na laging gustong hamunin ang mga Polong Hilaga at Timog? Palagi nilang gusto na pumunta roon upang sakupin ang lupa, upang panghawakan ito payabungin ito. Hindi ba ito isang akto ng sariling-kasiraan? (Oo.) Sabihin mang lubusan mong sinaliksik ang mga Polong Timog at Hilaga. Ngunit kahit na kaya mong makibagay sa nasabing mga temperatura, ang pagbabago ba ng nabubuhay na kapaligiran at tinitirahang kapaligiran ng mga Polong Timog at Hilaga ay nakakatulong sa sangkatauhan sa anumang paraan? Magiging masaya ka ba kung ang lahat ng yelo na nasa mga Polong Timog at Hilaga ay matunaw? Ito ay hindi kapani-paniwala. Isa itong aktong walang katotohanan. Ang sangkatauhan ay mayroong kapaligiran kung saan sila ay maaaring manirahan, ngunit hindi nila kayang tahimik at matapat na manatili rito, at kailangan nilang pumunta kung saan hindi sila makakapamuhay nang ligtas. Bakit kaya ganito ang kaso? Naiinip silang mamuhay sa angkop na temperaturang ito. Nasiyahan sila sa napakaraming mga biyaya. Bukod pa rito, ang normal na kapaligirang tinitirhan ay nasira na ng sangkatauhan, kaya kung ganoon din lamang pumunta na sila sa mga Polong Timog at Hilaga upang gumawa ng mas higit pang pinsala o tumawag pa ng pansin sa ilang mga “layunin,” upang sila ay maging isang uri ng “tagapanguna.” Hindi ba ito kahangalan? Sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ninuno na si Satanas, ang sangkatauhang ito ay patuloy na gumagawa ng isang bagay na walang katotohanan matapos ang isa pa, walang ingat at walang habas na winawasak ang magandang tahanan na nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Ito ang ginawa ni Satanas. Karagdagan pa, habang nakikita na ang paninirahan nang ligtas ng tao sa mundo ay nanganganib nang kaunti, ganap na isang pulutong ng tao ang nais na makahanap ng mga paraan upang pumunta at manatili sa buwan, upang maghanap ng daan palabas sa pamamagitan ng pantingin kung kaya nilang manirahan doon. Sa katapusan, ano ang nawawala banda roon? (Oksigeno.) Kaya ba ng mga tao na mabuhay nang walang oksigeno? (Hindi.) Dahil kulang ang buwan sa oksigeno, hindi ito isang lugar na maaaring manatili ang tao, at ganoon pa man patuloy pa ring ginugusto ng tao na pumunta roon. Ano ito? (Ito ay pagpapakamatay at paghahanap ng gulo.) Ito ay pagpapakamatay, tama? Iyon ay isang lugar na walang hangin, at ang temperatura ay hindi angkop sa kaligtasan ng buhay ng tao, kaya hindi ito inihanda ng Diyos para sa tao.

Ang temperatura na ating pinag-usapan lamang ay isang bagay na maaaring makasalamuha ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Ang temperatura ay isang bagay na kayang madama ng lahat ng katawan ng tao, ngunit walang sinuman ang nag-iisip ng tungkol sa paanong ang temperaturang ito ay dumating, o kung sino ang namumuno sa at kumokontrol sa temperaturang ito na angkop sa pamumuhay ng tao. Ito ang inaalam natin ngayon. Mayroon bang karunungan ng Diyos dito? Narito ba ang gawa ng Diyos? (Oo.) Isinasaalang-alang na lumikha ang Diyos ng isang kapaligiran na may isang temperatura na naangkop sa pamumuhay ng tao, ito ba ay isa sa mga paraan kung saan ang Diyos ay nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay? Ito nga talaga.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kontakin Kami Gamit ang Messnger