Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Kategorya

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang Kabanalan Ng Diyos (I)

Unang bahagi

Mayroon tayong ilang karagdagang pagsasama-sama sa awtoridad ng Diyos ngayon, at hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa pagkamatuwid ng Diyos sa ngayon. Ngayon pag-uusapan natin ang tungkol sa isang buong bagong paksa—ang kabanalan ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay iba pang anyo ng natatanging kakanyahan ng Diyos, kung kaya may malaking pangangailangan na pagsamahan ang paksang ito dito. Ang anyong ito ng diwa ng Diyos na aking pagsasamahan, kasama ang dalawang anyo na dati na nating pinag-usapan, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at awtoridad ng Diyos—lahat ba iyon ay natatangi? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos ay natatangi rin, sa gayon ang batayan ng kaibahang ito, ang ugat ng kaibahang ito, ay ang tema para sa ating pagsasamahan ngayon. Nauunawaan ninyo ba? Ulitin pagkatapos Ko: ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos. (Ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos.) Ano ang pakiramdam niyo sa inyong mga puso matapos ulitin ang pariralang ito? Marahil ang ilan sa inyo ay may ilang pagdududa, at nagtatanong, “Bakit pagsasamahan ang kabanalan ng Diyos?” Huwag kayong mag-aalala, dahan-dahan kong ipapaliwanag ito sa inyo. Sa sandaling marinig ninyo ito malalaman ninyo kung bakit lubhang kinakailangan ito para sa Akin na pagsamahan ang paksang ito.

Una bigyan-kahulugan natin ang salitang “banal.” Gamit ang inyong pang-unawa at mula sa lahat ng inyong kaalaman na natutunan, ano ang inyong pagkaunawa sa kahulugan ng “banal”? Ipakahulugan ninyo ito para sa Akin. (Ang “banal” ay nangangahulugang walang dungis, walang katiwalian o mga bahid ng sangkatauhan. Lahat nang sinisinagan nito—pag-iisip man, pananalita o kilos, lahat ng ginagawa nito—ay ganap na positibo.) Napakainam. (Ang “banal” ay maka-Diyos, malinis, di-kayang saktan ng tao. Ito ay natatangi, ito ang likas na sagisag ng Diyos.) (Ang “banal” ay walang mantsa at isang anyo ng maka-Diyos, disposisyong hindi masasaktan ng tao.) Ito ay iyong pakahulugan, hindi ba? Sa puso ng bawat tao, ang salitang ito na “banal” ay may saklaw, isang pakahulugan at isang interpretasyon. Sa pinakamababa, kapag nakita mo ang salitang “banal” ang inyong mga isip ay hindi hungkag. Mayroon kang tiyak na tinukoy na saklaw para sa salitang ito, at ang interpretasyon ng ilang tao sa kahulugang ito ay malapit sa paggamit ng salitang ito na magbibigay kahulugan sa diwa ng disposisyon ng Diyos. Ito ay napakainam. Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa salitang “banal” na isang positibo, at ito’y maaaring mapatunayan. Subalit ang kabanalan ng Diyos na nais kong ibahagi ngayon ay hindi man lamang mabibigyang kahulugan, ni maipapaliwanag man lamang. Sa halip, gagamit ako ng ilang mga katunayan para sa pagtitiyak upang hayaan ka na makita kung bakit sinasabi ko na ang Diyos ay banal, at kung bakit ginagamit ko ang salitang “banal” upang isalarawan ang diwa ng Diyos. Sa oras na matapos ang ating pagsasamahan, mararamdaman mo na ang paggamit ng salitang “banal” upang bigyan-kahulugan ang diwa ng Diyos at ang paggamit ng salitang ito upang tukuyin ang Diyos ay parehong karapat-dapat at pinaka-angkop. Sa pinakamababa, at kasing layo ng patutunguhan ng kasalukuyang mga wika ng tao, ang paggamit ng salitang ito upang tukuyin ang Diyos ay lubusang naaangkop—ito lamang ang salita sa wika ng tao na pinaka-angkop upang tumukoy sa Diyos. Hindi ito isang hungkag na salita kapag ginamit upang tukuyin ang Diyos, ni hindi rin ito pagpupuri nang walang dahilan o isang hungkag na papuri. Ang layunin ng ating pagsasamahan ay upang hayaan ang bawat tao na makilala ang katotohanan sa pag-iral ng anyong ito ng kakanyahan ng Diyos. Hindi takot ang Diyos sa pagkaunawa ng mga tao, tanging ang kanilang hindi pagkaunawa lamang. Nais ng Diyos para sa bawat tao na makilala ang Kanyang diwa at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Kaya sa bawat oras na binabanggit natin ang anyo ng kakanyahan ng Diyos, maaari tayong makapagsabi ng maraming mga katunayan upang hayaan ang mga tao na makita na ang anyong ito ng diwa ng Diyos ay tunay na umiiral at pareho itong lubhang tunay at napakatotoo.

Ngayon na mayroon na tayong kahulugan ng salitang “banal,” kumuha tayo ng ilang mga halimbawa. Sa mga idea na mayroon ang mga tao, madali para sa kanila ang gunigunihin ang maraming “banal” na mga bagay at mga tao. Halimbawa, ang birheng mga lalaki at mga babae ba ay binigyan-katuturan bilang banal sa mga diksyonaryo ng sangkatauhan? Sila ba’y talagang banal? (Hindi.) Ito ba ang tinatawag na “banal” at ang “banal” na ating pagsasamahan ngayon ay iisa at pareho? (Hindi.) Kung titingnan yaong mga taong may mataas na pag-uugali, na may pino at may pinag-aralang pananalita, na kailanma’y hindi nakapanakit kaninuman, silang, kapag sila’y nagsalita, pinapanatag ang loob ng iba at nakalulugod—sila ba’y banal? Ang mga iskolar at mga ginoo na tagasunod ni Confucius na may mataas na mga pag-uugali, pino kapwa sa salita at gawa—sila ba’y banal? Yaong mga palaging gumagawa ng kabutihan, mga mapagkawanggawa at nagbibigay ng malaking tulong sa iba, yaong mga nagdadala ng malaking kasiyahan sa mga buhay ng tao—sila ba’y banal? (Hindi.) Yaon bang hindi nagkikimkim ng mga makasariling pag-iisip tungkol sa ibang tao, na hindi naglalagay nang malulupit na mga hinihingi sa iba, na nagpaparaya kaninuman—sila ba’y banal? Yaon bang kailanma’y hindi nagkaroon ng pakikipagtalo kaninuman ni kailanma’y sinamantala ang sinuman—sila ba’y banal? Sa gayon yaong mga gumagawa para sa kabutihan ng iba, na nagbibigay-pakinabang sa iba at nagdadala ng magandang aral sa iba sa bawat paraan—sila ba’y banal? Yaong mga namimigay sa iba ng lahat ng kanilang pinag-ipunan sa buhay at namumuhay ng isang payak na pamumuhay, na mahigpit sa kanilang mga sarili ngunit maluwag ang pakikitungo sa iba—sila ba’y banal? (Hindi.) Alalahanin ninyo na ang inyong mga ina ay nag-aruga sa inyo at kumalinga sa inyo sa bawat naiisip na paraan—sila ba’y banal? Ang mga idolong minamahal ninyo, maging sila man ay mga tanyag ng mga tao, mga bituin o dakilang mga tao—sila ba’y mga banal? (Hindi.) Ang lahat ng mga ito ay tiyak. Tingnan natin ngayon ang mga propeta sa Biblia na nakapagsabi ng hinaharap na kaila sa mga maraming tao—ang ganitong uri ba ng tao ay banal? Ang mga taong nakapagtala ng mga salita ng Diyos at mga katunayan ng Kanyang gawain sa Biblia—sila ba’y mga banal? (Hindi.) Si Moises ba ay banal? Si Abraham ba ay banal? Si Job ba? (Hindi.) Bakit mo sinasabi ito? (Ang salitang “banal” ay maaari lamang tumukoy sa Diyos.) Si Job ay tinawag ng Diyos na matuwid na tao, sa gayon bakit pati siya ay hindi maaaring masabing banal? Nakakaramdam na kayo ng ilang pangamba dito, hindi ba? Ang mga tao bang may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan ay tunay na hindi banal? Sila ba o hindi? (Hindi.) Ang inyong sagot ay negatibo, hindi ba? Sa gayon saan nakabatay ang inyong negatibong sagot? (Ang Diyos ay natatangi.) Ito ay isang batayan na magaling ang pagkatatag; isang napakahusay na batayan talaga! Natutuklasan ko na mayroon kayong isang malaking kakayanan na madaling makaunawa at gamitin ang inyong natutunan, at na lahat kayo ay may ganitong natatanging kasanayan. Kayo ay medyo naguguluhan, hindi gaanong nakatitiyak, at hindi kayo nangangahas na magsabi ng “Hindi,” subalit ni hindi rin kayo nangangahas na magsabi ng “Oo,” sa gayon napipilitan kayong magsabi ng “Hindi.” Hayaan ninyo Akong magtanong ng ibang katanungan. Ang mga sugo ng Diyos—ang mga sugo ng Diyos na pinapadala sa lupa—sila ba ay banal? (Hindi.) Maingat ninyong pag-isipan. Ibigay ninyo ang inyong sagot matapos ninyong mapag-isipan ito. Ang mga anghel ba ay banal? (Hindi.) Ang sangkatauhan na hindi nasira ni Satanas—sila ba ay banal? (Hindi.) Ang lahat ng sagot ninyo sa bawat tanong ay “Hindi”. Sa anong batayan? Ang pinaka-parirala ba na kababanggit ko lang ngayon ang dahilan ng inyong pagsabi ng “Hindi”? Nalilito kayo, hindi ba? Sa gayon bakit pati mga anghel ay hindi masasabing banal? Nakakaramdam kayo ng pagkabagabag dito, hindi ba? Samakatwid maaari mo bang matuklasan sa anong batayan ang mga tao, mga bagay o mga di-nilikhang mga nilalang na ating nabanggit ay hindi banal? Nakatitiyak ako na hindi ninyo magagawa, tama? Sa gayon ang inyo bang pagsabi ng “Hindi” samakatwid ay may maliit na pagka-iresponsable? Hindi kaya sumasagot kayo nang walang paghahanda? May ilang mga tao ang nag-iisip: “Ikaw ay nagtatanong sa isang ganoong paraan, sa gayon tiyak na hindi ganoon.” Huwag basta sumagot nang walang paghahanda. Pagisipang mabuti kung ang sagot ay oo o hindi. Malalaman ninyo kapag pinagsamahan natin ang susunod na paksa kung bakit ito ay “Hindi.” Ibibigay ko sa inyo ang sagot maya-maya lang. Magbasa muna tayo ng ilang kasulatan sa Biblia.

1. Atas ng Diyos na si Jehova sa Tao

(Gen 2:15-17) At kinuha ng Diyos na Jehova ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Diyos na Jehova sa lalake, at sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Subalit sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka.

2. Ang Panunulsol ng Ahas sa Babae

(Gen 3:1-5) Ang ahas ay higit na tuso kaysa alinman sa mga hayop sa parang na nilikha ng Diyos na Jehova. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alinmang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Subalit sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, hindi talaga kayo mamamatay: Sapagka’t alam ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyon ay mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.

Ang dalawang sipi na ito ay hango sa anong aklat sa Biblia? (Genesis.) Pamilyar ba kayong lahat sa dalawang siping ito? Ito ay naganap sa simula nang ang sangkatauhan ay unang nilikha; ito’y isang tunay na pangyayari. Una tingnan natin kung anong uri ng atas ang ibinigay ng Diyos na si Jehova kina Adan at Eba, pagkat ang laman ng atas na ito ay napakahalaga para sa ating paksa ngayon. “At iniutos ng Diyos na Jehova sa lalake, na sinabi....” Ipagpatuloy ang pagbasa ng sumusunod na sipi. (“Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Subalit sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka.”) Ano ang atas ng Diyos sa tao na nilalaman ng siping ito? Una, sinasabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin, mga prutas ng iba’t-ibang mga puno. Walang panganib at walang lason, ang lahat ay maaaring kainin at kainin ayon sa naisin niya, na walang mga pag-aalinlangan. Ito ay isang bahagi. Ang ibang bahagi ay isang babala. Ang babalang ito ay nagsasabi sa tao na hindi niya maaaring kainin ang bunga mula sa anong puno? (Ang puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan.) Hindi niya dapat kainin ang bunga mula sa puno ng kaalaman ng kabutihan at kasamaan. Ano ang mangyayari kapag ganoon ang ginawa niya? (Tiyak siyang mamamatay.) Sinabi ng Diyos sa tao: Kung kakainin mo tiyak kang mamamatay. Ang mga salita bang ito ay tapat? (Oo.) Kung sinabi sa iyo ito ng Diyos subalit hindi mo nauunawaan kung bakit, ituturing mo ba ito na isang alituntunin o isang utos na dapat sundin? Dapat itong sundin, hindi ba? Subalit makasunod man dito o hindi ang tao, ang mga salita ng Diyos ay maliwanag. Malinaw na sinabi ng Diyos sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at ano ang hindi maaari, at kung ano ang mangyayari kung kakainin ang hindi niya dapat kainin. Nakikita mo ba ang anumang disposisyon ng Diyos sa maikling mga salita na winika Niya? Ang mga salita bang ito ng Diyos ay totoo? (Oo.) Mayroon bang anumang panlilinlang? (Wala.) Mayroon bang kasinungalingan? (Wala.) Mayroon bang anumang pananakot? (Wala.) Ang Diyos ay matapat, makatotohanan at taos sa pusong nagsabi sa tao kung ano ang maaari niyang kainin at ano ang hindi niya maaaring kainin, malinaw at payak. May natatago bang kahulugan sa mga salitang ito? Ang mga salita bang ito ay tapat? Ang kanilang kahulugan ay maliwanag sa isang tingin, mauunawaan mo pagkakita mo rito. Mayroon bang pangangailangan para maghaka-haka? (Wala.) Ang paghuhula ay hindi kinakailangan, tama? Ito ay kasing linaw na ng kristal. Sa isip ng Diyos, ang nais Niyang sabihin, ang nais Niyang ipahayag, ay nagmumula sa Kanyang puso. Ang mga bagay na ipinapahayag ng Diyos ay malinis, tapat at malinaw. Walang pailalim na mga layunin ni anumang natatagong mga kahulugan. Nagsalita Siya sa tao ng deretsahan, sinabi sa kanya kung ano ang maaaring kainin at ano ang hindi maaaring kainin. Na ibig sabihin, sa mga salitang ito ng Diyos maaaring makita ng tao na ang puso ng Diyos ay naaaninag, na ang puso ng Diyos ay totoo. Ganap na walang kasinungalingan dito, sinasabi sa iyo na hindi mo maaaring kainin ang nakakain o nagsasabi sa iyo na, “Gawin mo at tingnan mo kung ano ang mangyayari” sa mga bagay na hindi mo maaaring kainin. Ito ba ang pakahulugan Niya? (Hindi.) Hindi. Anuman ang iniisip ng Diyos sa Kanyang puso ang siyang sinasabi Niya. Kung sinasabi ko na ang Diyos ay banal sapagkat ipinapakita at inihahayag Niya ang Kanyang Sarili sa loob ng mga salitang ito sa ganitong paraan, maaari mong katiting na maramdaman na pinapalaki ko ang hindi naman dapat o na binatak ko nang medyo malayo ang Aking pakahulugan. Kung gayon, huwag mag-aalala, hindi pa tayo tapos.

Pag-usapan natin ang tungkol sa “Ang Panunulsol ng ahas sa Babae.” Sino ang ahas? (Si Satanas.) Si Satanas ay gumaganap ng papel na hadlang sa anim-na-libong-taon na plano sa pamamahala ng Diyos, at isang papel na hindi natin maaaring makalimutang banggitin kapag pinagsasamahan natin ang kabanalan ng Diyos. Bakit ko sinasabi ito? (Sapagkat si Satanas ang kinatawan at arkitekto ng lahat ng madumi at tiwali.) Kung hindi mo alam ang kasuwailan at kasamaan ni Satanas o ang kalikasan ni Satanas, sa gayon wala kang paraan na makilala ito, ni malaman mo kung ano talaga ang kabanalan. Sa pagkalito, naniniwala ang mga tao na ang ginagawa ni Satanas ay tama, sapagkat namumuhay sila sa ganitong uri ng masamang disposisyon. Kung walang hadlang, walang mapaghahambingan, hindi mo maaaring malaman kung ano ang kabanalan, kung kaya ang paksang ito ay dapat mabanggit dito. Hindi natin pinitas ang paksang ito mula sa manipis na hangin, subalit sa halip ay sa pamamagitan ng mga salita at mga gawang iyon makikita natin kung paano kumilos si Satanas, kung paano nito sinisira ang sangkatauhan, kung anong uri ng kalikasan mayroon ito at kung ano ang hitsura nito. Sa gayon ano ang sinabi ng babae sa ahas? Inulit ng babae sa ahas kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehova sa kanya. Batay sa kanyang sinabi, pinatunayan ba niya ang katumpakan ng lahat ng sinabi sa kanya ng Diyos? Hindi niya mapatunayan ito, hindi ba? Bilang isang tao na bago pa lang nilikha, wala siyang kakayanan na makita ang kabutihan sa kasamaan, ni wala rin siyang kakayahan na makilala ang anuman sa kanyang paligid. Ang mga salitang binigkas niya sa ahas ay nagsasabi sa atin na hindi niya mapatunayan ang mga salita ng Diyos bilang nagmula sa kanyang puso; siya ay may pagdududang ugali. Kaya nang makita ng ahas na ang babae ay walang tiyak na pag-uugali ukol sa mga salita ng Diyos, sinabi nito: “Hindi talaga kayo mamamatay: Sapagka’t alam ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyon ay mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” May mali ba sa mga salitang ito? (Oo.) Ano ang mali? Basahin ang pangungusap. (“At sinabi ng ahas sa babae, hindi talaga kayo mamamatay: Sapagka’t alam ng Dios na sa araw na kayo’y kumain niyon ay mabubuksan ang inyong mga mata, at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.”) Matapos ninyong mabasa ito, may nararamdaman ba kayo? Nang matapos ninyong basahin ang pangungusap na ito, nadama ba ninyo ang mga intensyon ng ahas? (Oo.) Anong mga intensyon mayroon ang ahas? (Upang tuksuhin ang tao na magkasala.) Nais nito na tuksuhin ang babae upang pigilan siya na sundin ang mga salita ng Diyos, ngunit sinabi ba niya ito nang tuwiran? (Hindi.) Hindi nito tuwirang sinabi, sa gayon maaari nating sabihin na ito ay napakatuso. Ipinapahayag nito ang kanyang kahulugan sa isang palihim at hindi tuwirang paraan upang makamit ang hinahangad na layuning itinatago nito sa tao na nasa sa loob ng sarili nito—ito ang katusuhan ng ahas. Si Satanas ay palaging nagsasalita at kumikilos sa ganitong paraan. Sinasabi nito na “hindi tiyak,” hindi pinapatunayan sa isa o ibang paraan. Subalit sa pagkarinig nito, ang mangmang na puso ba ng babae ay naantig? (Oo.) Nalugod ang ahas sapagkat ang mga salita niya ay nagkaroon nang hinangad na epekto—ito ang matusong intensyon ng ahas. At saka, sa inaasahang kalalabasan na pinaniwalaan ng tao na mabuti, sinulsulan nito ang babae, na ang sinasabi, “sa araw na kainin mo iyon, ang iyong mga mata ay tiyak na mabubuksan.” Kaya ang babae ay nag-iisip: “Ang mabuksan ang aking mga mata ay isang mabuting bagay!” Ang ahas samakatwid ay nagwika nang mas mainam na mga salita, mga salitang di-kilala ng tao, mga salitang nagtataglay ng isang malaking kapangyarihan ng tukso sa mga nakakarinig ng mga ito: “at kayo’y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama.” Ang mga salita bang ito ay malakas na talagang nakakatukso sa kanya? (Oo.) Ito ay parang isang tao na nagsasabi sa iyo: “Ang iyong mukha ay kamangha-manghang hinubog. Medyo may kaunting kaiksian lang sa balingusan ng ilong, subalit kung maaayos mo iyan, ikaw ay magiging isang pandaigdigang kagandahan!” Para sa sinuman na kailanman ay hindi nagnais na magkaroon ng kosmetikong operasyon, maaantig kaya ang puso nila kapag narinig ang mga salitang ito? (Oo.) Sa gayon ang mga salita bang ito ay mapanulsol? Ang panunulsol bang ito ay nakakatukso sa iyo? Panunubok ba ito? (Oo.) Ang Diyos ba ay nagsasabi ng mga bagay na ganito? (Hindi.) Mayroon bang pahiwatig na ganito sa mga salita ng Diyos na tiningnan natin ngayon lang? (Hindi.) Bakit? Ang Diyos ba ay nagsasabi ng kung ano ang iniisip Niya sa Kanyang puso? Nakikita ba ng tao ang puso ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita? (Oo.) Subalit nang ang ahas ang nangusap ng mga salitang iyon sa babae, nakita ba ninyo ang puso nito? (Hindi.) At dahil sa kamangmangan ng tao, sila ay madaling masulsulan ng mga salita ng ahas, madali silang nabaluktot, madaling natangay. Sa gayon nakita mo ba ang mga intensyon ni Satanas? Nakita mo ba ang layunin sa likod nang sinabi nito? Nakita mo ba ang masamang balak at tusong pakana nito? (Hindi.) Anong uri ng disposisyon ang kinakatawan ng paraan ng pananalita ni Satanas? Anong uri ng diwa ang nakita mo kay Satanas sa pamamagitan ng mga salitang ito? (Kasamaan.) Kasamaan. Ito ba ay lihim na mapanira? Marahil sa ibabaw ito ay nakangiti sa iyo o hindi naghahayag nang kahit ano pa mang pagpapahayag. Subalit sa puso nito kinakalkula nito kung paano makamit ang layunin nito, at ang layuning ito ang hindi mo magawang makita. Ikaw sa gayon ay nasulsulan ng lahat ng mga pangako na ibinibigay nito sa iyo, lahat ng mga kapakinabangan na sinasabi nito. Nakikita mo ang mga iyon bilang mabuti, at nararamdaman mo na ang sinasabi nito ay mas kapaki-pakinabang, mas matibay kaysa sa sinasabi ng Diyos. Kapag nangyayari ito, sa gayon ang tao ba ay hindi nagiging isang masunuring bilanggo? (Oo.) Sa gayon ang mga paraan bang ito na ginagamit ni Satanas ay hindi ubod ng sama? Pinayagan mo ang sarili mo na lumubog nang mababa. Walang paggalaw ng isang daliri, sa dalawang pangungusap na ito masaya ka na na sumunod dito, umayon dito. Ang layunin nito ay naabot. Hindi nga ba? (Oo.) Hindi ba ang intensyong ito ay masama? Hindi ba ito ang pinaka-pangunahing mukha ni Satanas? (Oo.) Mula sa mga salita ni Satanas, nakikita ng tao ang masamang mga layunin nito, nakikita ang nakakasindak na mukha at kakanyahan nito. Hindi ba tama iyon? (Oo.) Sa paghahambing sa mga pangungusap na ito, walang pagsusuri marahil mararamdaman mo na bagamat ang mga salita ni Jehova ay malamlam, karaniwan at palasak, na sila’y hindi karapat-dapat gawan ng kaguluhan tungkol sa pagpupuri sa katapatan ng Diyos. Kapag kinuha natin ang mga salita ni Satanas at ang nakakatakot na mukha nito at gamitin ang mga iyon bilang isang hadlang, gayunman, ang mga salita bang ito ng Diyos ay nagdadala ng gaanong bigat para sa mga tao sa kasalukuyan? (Oo.) Sa pamamagitan ng hadlang na ito, madadama ng tao ang dalisay na kawalang-kamalian ng Diyos. Tama ba ako sa pagsabi nito? (Oo.) Bawat salita na winiwika ni Satanas at mga layunin nito, mga intensyon at paraan ng pagsasalita nito—lahat ng mga ito ay nabantuan. Ano ang pangunahing tampok ng paraan nito ng pagsasalita? Gumagamit ito ng mga salita upang iligaw ang nakikinig upang tuksuhin ka nang hindi mo nakikita, ni hindi nito hinahayaan na mapag-isipan mo kung ano ang layunin nito; hinahayaan kang kunin ang pain, nang papurihan mo ito at awitin ang mga katangian nito. Ganoon ba ang kaso? (Oo.) Hindi ba ito ang palagiang plano ni Satanas? (Oo.)

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap