Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Recital-the-word-appears-in-the-flesh-6
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Kategorya

Recital-latest-expression-5
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Ang tao ay hindi naliligalig ng kanyang walang inaala-alang paniniwala sa Diyos, at naniniwala sa Diyos paano man niya naisin. Ito ay isa sa mga “karapatan at kalayaan ng tao,” na walang sinuman ang maaaring gumambala, dahil ang tao ay naniniwala sa kanyang sariling Diyos at hindi sa Diyos ng kung sino pa man; ito ay ang kanyang sariling pribadong ari-arian, at halos lahat ay nagtataglay ng ganitong uri ng pribadong ari-arian. Itinuturing ng tao ang ari-arian na ito bilang mahalagang kayamanan, ngunit sa Diyos walang anuman na mas mababa o walang kabuluhan, sapagka’t walang mas malinaw na indikasyon ng pagsalungat sa Diyos kaysa itong pribadong pag-aari ng tao. Dahil sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao na ang Diyos ay naging katawan na may isang nasasalat na anyo, at maaaring makita at mahipo ng tao. Siya ay hindi isang walang hugis na Espiritu, ngunit isang katawan na maaaring makaugnayan at makikita ng tao. Gayunman, karamihan ng mga diyos na pinaniniwalaan ng tao ay mga walang lamang diyos na walang hugis, na kung saan ay mga walang anyo rin. Sa ganitong paraan, ang nagkatawang-taong Diyos ay naging kaaway ng karamihan sa mga taong naniniwala sa Diyos, at mga taong hindi matanggap ang katotohanan ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay, magka-parehong, nagiging mga kaaway ng Diyos. Ang tao ay nagtataglay ng mga pagkaintindi hindi dahil sa kanyang paraan ng pag-iisip, o dahil sa kanyang paghihimagsik, ngunit dahil sa pribadong pag-aari na ito ng tao. Karamihan sa mga tao ay mamamatay dahil sa pag-aari na ito, at ang malabong Diyos na ito na hindi maaaring hipuin, hindi maaaring makita, at sa totoo ay hindi umiiral ang sumisira sa buhay ng tao. Ang buhay ng tao ay naiwala hindi ng nagkatawang-taong Diyos, lalo na ng Diyos ng langit, kundi sa pamamagitan ng Diyos na sariling guni-guni ng tao. Ang tanging dahilan na ang nagkatawang-taong Diyos ay naparito sa katawang-tao ay dahil sa mga pangangailangan ng tiwaling tao. Ito ay dahil sa mga pangangailangan ng tao ngunit hindi ang Diyos, at ang lahat ng Kanyang mga sakripisyo at paghihirap ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at hindi para sa kapakanan ng Diyos Mismo. Walang mga kabutihan at di-kabutihan o mga gantimpala para sa Diyos; hindi Siya gagapas ng ilang mga hinaharap na ani, kung hindi ay ang mga dati Niyang mga pag-aari. Ang lahat ng Kanyang ginagawa at mga sakripisyo para sa sangkatauhan ay hindi upang Siya ay magkamit ng dakilang mga gantimpala, ngunit pulos para sa kapakanan ng sangkatauhan. Kahit ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay nagsasangkot ng maraming hindi mailarawan na mga paghihirap, ang mga epekto na ganap nitong makakamit ay malayong lumampas sa mga gawaing natapos nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng katawang-tao ay kinasasangkutan ng maraming paghihirap, at ang katawang-tao ay hindi nagtataglay ng parehong dakilang pagkakakilanlan tulad ng Espiritu, hindi maaaring isagawa ang parehong kahima-himalang mga gawain tulad ng Espiritu, at higit na hindi siya maaaring magtaglay ng parehong awtoridad tulad ng Espiritu. Ngunit ang diwa ng gawaing natapos sa pamamagitan ng karaniwang katawang-tao na ito ay lubhang nakahihigit sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at ang katawang-tao Niyang ito ang siyang kasagutan sa lahat ng mga pangangailagan ng tao.Para sa mga maililigtas, ang nagsisilbing halaga ng Espiritu ay higit na mas mababa kaysa sa katawang-tao: Ang gawain ng Espiritu ay magagawang masakop ang buong sansinukob, lahat ng mga bundok, mga ilog, mga lawa, at mga karagatan, ngunit ang gawa ng katawang-tao ay mas mabisang may kinalaman sa bawat tao na makakaugnayan Niya. Higit pa rito, ang katawang-tao ng Diyos na mayroong nasasalat na anyo ay maaaring mas mabisang maunawaan at pagkakatiwalaan ng tao, at higit pang mapalalim ang kaalaman ng tao sa Diyos, at maaaring mag-iwan sa tao ng mas malalim na impresyon ng mga aktwal na mga gawa ng Diyos. Ang gawain ng Espiritu ay nalalambungan ng misteryo, ito ay mahirap para sa mga may kamatayan na nilalang upang arukin ang lalim, at mas mahirap para sa kanila upang makita, at kaya maaari lamang silang umasa sa mga hungkag na pagpapalagay. Ang gawain ng katawang-tao, gayunpaman, ay karaniwan, at batay sa katotohanan, at nagmamay-ari ng mayamang karunungan, at ito ay isang katotohanan na maaaring makita sa pamamagitan ng pisikal na paningin ng tao; maaaring personal na maranasan ng tao ang karunungan ng mga gawa ng Diyos, at hindi kailangan upang gamitin ang kanyang masaganang imahinasyon. Ito ang katumpakan at tunay na halaga ng gawain ng Diyos sa katawang-tao. Ang Espiritu ay maaari lamang gumawa ng mga bagay na hindi nakikita ng tao at mahirap para sa kanyang isipin, halimbawa ang pagliliwanag ng Espiritu, ang paggalaw ng Espiritu, at ang patnubay ng Espiritu, ngunit para sa mga tao na may isip, ang mga ito ay hindi nagbibigay ng anumang malinaw na kahulugan. Sila ay nagbibigay lamang ng isang makabagbag-damdamin, o isang malawak na kahulugan, at hindi maaaring magbigay ng isang tagubilin sa mga salita. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao, gayunpaman, ay lubos na naiiba: Ito ay may tumpak na patnubay ng mga salita, may malinaw na kalooban, at may malinaw na kinakailangang mga layunin. At kaya ang tao ay hindi kailangan upang mag-apuhap sa paligid, o gamitin ang kanyang imahinasyon, lalo na ang gumawa ng mga panghuhula. Ito ang kalinawan ng gawain sa katawang-tao, at ang malaking pagkakaiba mula sa gawain ng Espiritu. Ang gawain ng Espiritu ay angkop lamang para sa isang limitadong saklaw, at hindi maaaring palitan ang gawain ng katawang-tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nagbibigay sa tao ng mas tumpak at kinakailangang mga layunin na mas makatotohanan, mahalagang kaalaman kaysa sa gawa ng Espiritu. Ang pinakamalaking halaga na gawain sa tiwaling tao ay yaong nagbibigay ng tumpak na mga salita, malinaw na mga layunin upang itaguyod, at maaaring makita at mahawakan. Tanging ang makatotohanang gawain at napapanahong pagpatnubay ang angkop sa mga panlasa ng tao, at tanging tunay na gawa ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang tiwali at mahalay na disposisyon. Ito ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos; tanging ang nagkatawang-taong Diyos ang maaaring magligtas sa tao mula sa kanyang dating tiwali at mahalay na disposisyon. Kahit na ang Espiritu ang likas na diwa ng Diyos, ang gawaing tulad nito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao. Kung ang Espiritu ay gumawa nang nag-iisa, kung gayon ay hindi posible na maging epektibo ang Kanyang gawain—ito ay isang malinaw na katotohanan. Kahit karamihan sa mga tao ay naging mga kaaway ng Diyos dahil sa katawang-tao na ito, kapag winakasan Niya ang Kanyang gawain, ang mga taong laban sa Kanya ay hindi lamang titigil sa pagiging Kanyang mga kaaway, ngunit sa halip ay magiging Kanyang mga saksi. Sila ay magiging mga saksi na nalupig sa pamamagitan Niya, mga saksi na kaayon sa Kanya at hindi maaaring ihiwalay mula sa Kanya. Papangyarihin Niyang malaman ng tao ang kahalagahan ng Kanyang gawain sa katawang-tao sa tao, at malalaman ng tao ang kahalagahan ng katawang-tao na ito sa kahulugan ng pag-iral ng tao, malalaman ang Kanyang tunay na halaga sa paglago ng buhay ng tao, at, higit pa rito, malalaman na ang katawang-tao na ito ay magiging isang buhay na bukal ng buhay kung saan ang tao ay hindi makakayang mapahiwalay. Kahit na ang nagkatawang-taong katawan ng Diyos ay malayo mula sa pagtutugma ng pagkakakilanlan at posisyon ng Diyos, at tila hindi tugma sa tao sa Kanyang tunay na kalagayan, ang katawang-tao na ito, na hindi nagtataglay ng tunay na imahe ng Diyos, o ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos, ay maaaring gawin ang gawain na hindi makayang gawing direkta ng Espiritu ng Diyos. Gayon ang tunay na kabuluhan at halaga ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ang kabuluhan at halaga na hindi mapahalagahan at kilalanin ng tao. Kahit lahat ng tao ay tumitingala sa Espiritu ng Diyos at hinahamak ang katawang-tao ng Diyos, hindi isinasaalang-alang kung paano nila tinitingnan o pinag-iisipan, ang tunay na kabuluhan at kahalagahan ng katawang-tao ay malayong nahigitan ang sa Espiritu. Siyempre, ito ay tungkol lamang sa tiwaling sangkatauhan. Para sa lahat na naghahangad ng katotohanan at nasasabik sa pagpapakita ng Diyos, ang gawain ng Espiritu ay ang pagbibigay lamang ng pagpupukaw ng damdamin o pagbubunyag, at isang pakiramdam ng pagkakamangha na hindi maipaliliwanag at hindi mailalarawan ng isip, at isang pakiramdam na ito ay dakila, walang kapantay, at kahanga-hanga, ngunit hindi rin maaaring makamit at matamo ng lahat. Ang tao at ang Espiritu ng Diyos ay maaari lamang tumingin sa bawat isa mula sa malayo, na parang may napakalayong distansya sa pagitan ng mga ito, at sila ay kailanman hindi maaaring maging magkapareho, na parang pinaghihiwalay ng isang hindi nakikitang pagitan. Sa katunayan, ito ay isang ilusyon na ibinigay ng Espiritu sa tao, dahil ang Espiritu at ang tao ay hindi pareho ng uri, at ang Espiritu at ang tao ay hindi kailanman magkakasamang umiral sa parehong mundo, at sapagka’t ang Espiritu ay hindi nagtataglay ng pagkatao. Kaya ang tao ay hindi kinakailangan ang Espiritu, sapagka't ang Espiritu ay hindi direktang magagawa ang gawain na lubhang kinakailangan ng tao. Ang gawain ng katawang-tao ay nag-aalok sa tao ng tunay na layunin upang itaguyod, linawin ang mga salita, at isang katinuan na Siya ay tunay at normal, na Siya ay mapagpakumbaba at pangkaraniwan. Kahit maaaring matakot ang tao sa Kanya, para sa karamihan ng mga tao Siya ay madaling makaugnay: Maaaring masdan ng tao ang Kanyang mukha, at dinggin ang Kanyang tinig, at hindi Siya kailangang tingnan mula sa malayo. Pakiramdam ng tao na madaling lapitan ang katawang-taong ito, hindi malayo, o di-maarok, ngunit nakikita at mahihipo, dahil ang katawang-tao na ito ay nasa parehong mundo bilang tao.

Para sa lahat ng mga nabubuhay sa laman, ang pagbabago ng kanilang disposisyon ay nangangailangan ng pagtaguyod ng mga layunin, at ang pagkilala sa Diyos ay nangangailangan na masaksihan ang tunay na mga gawa at ang tunay na mukha ng Diyos. Kapwa ay maaari lamang makamit sa pamamagitan ng nagkatawang-taong katawan ng Diyos, at ang kapwa ay maaari lamang matupad sa pamamagitan ng normal at tunay na katawan. Ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakatawang-tao, at kung bakit dapat ito ay nasa lahat ng tiwaling sangkatauhan. Dahil ang mga tao ay hinihingang makilala ang Diyos, ang mga imahe ng malabo at hindi pangkaraniwang mga Diyos ay dapat maiwaksi mula sa kanilang mga puso, at dahil kinakailangan nilang alisin ang kanilang tiwaling disposisyon, dapat muna nilang malaman ang kanilang tiwaling disposisyon. Kung tanging tao ang gagawa sa pagwawaksi ng mga imahe ng malabong Diyos mula sa mga puso ng mga tao, kung gayon siya ay mabibigo na makamit ang tamang epekto. Ang mga imahe ng malabong Diyos sa mga puso ng mga tao ay hindi maaaring mailantad, maiwaksi, o ganap na mapaalis sa pamamagitan ng mga salita lamang. Sa paggawa nito, sa huli ay hindi pa rin posible na palayasin ang malalim na pagkabaon ng mga bagay na ito mula sa mga tao. Tanging ang praktikal na Diyos at ang tunay na larawan ng Diyos ang maaaring ipalit sa mga malabo at hindi pangkaraniwang mga bagay na ito upang pahintulutan ang mga tao na unti-unting malaman ang mga ito, at sa ganitong paraan lamang maaaring makamit ang takdang epekto. Kinikilala ng tao na ang Diyos na kanyang hinahangad ng mga nakaraang panahon ay malabo at hindi pangkaraniwan. Na ang maaaring makapagkamit ng epekto na ito ay hindi ang direktang pamumuno ng Espiritu, lalong hindi ang mga aral ng isang tiyak na indibidwal, ngunit ang nagkatawang-taong Diyos. Ang mga pagkaintindi ng tao ay inihantad kapag opisyal na ginagawa ng nagkatawang-taong Diyos ang Kanyang gawain, dahil ang pagiging normal at pagkatotoo ng nagkatawang-taong Diyos ay ang katumbalikan ng malabo at hindi pangkaraniwang Diyos sa imahinasyon ng tao. Ang orihinal na mga pagkaintindi ng tao ay maaari lamang ibunyag sa pamamagitan ng kaibahan ng mga ito sa nagkatawang-taong Diyos. Kung wala ang paghahambing sa nagkatawang-taong Diyos, ang mga pagkaintindi ng tao ay hindi mabubunyag; sa ibang salita, kung walang kaibahan sa pagkatotoo ang malalabong mga bagay ay hindi mabubunyag. Walang may kakayahan na gumamit ng mga salita upang gawin ang gawaing ito, at walang sinuman ang may kakayahang magsalita nang maliwanag sa gawaing ito gamit ang mga salita. Tanging ang Diyos Mismo ang maaaring gumawa ng Kanyang sariling gawa, at walang sinuman ang maaaring gumawa ng gawaing ito na Kanyang kahalili. Hindi mahalaga kung gaano kayaman ang wika ng tao, hindi niya kaya na magsalita nang maliwanag ang katotohanan at pagiging karaniwan ng Diyos. Maaari lamang makilala ng tao ang Diyos sa mas kapaki-pakinabang na paraan, at maaari lamang Siyang makita nang mas malinaw, kung ang Diyos ay personal na gagawa sa gitna ng tao at ganap na itatanghal ang Kanyang larawan at ang Kanyang pagka-Diyos. Ang epektong ito ay hindi maaaring makamit sa pamamagitan ng anumang maka-lamang tao. Siyempre, ang Espiritu ng Diyos ay hindi rin kayang makamit ang epekto na ito. Maaaring iligtas ng Diyos ang tiwaling tao mula sa impluwensya ni Satanas, ngunit ang gawain na ito ay hindi maaaring direktang gawin sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos; sa halip, ito ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng katawang-tao na suot ng Espiritu ng Diyos, sa pamamagitan ng katawan ng Diyos nagkatawang-tao. Ang katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At sa gayon, kahit na ang katawang ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin. Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka’t ang Espiritu ng Diyos ay hindi mapaghihiwalay mula sa katawan, at ang gawain ng katawan ay ang gawain din ng Espiritu ng Diyos; ito lamang ay dahil ang gawaing ito ay hindi ginawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, ngunit ito ay natapos gamit ang pagkakakilanlan ng katawan. Ang gawain na kailangang matapos nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu ay hindi nangangailangan ng pagkakatawang-tao, at ang gawain na nangangailangan ng katawan na gagawa ay hindi maaaring gawin nang direkta sa pamamagitan ng Espiritu, at maaari lamang gawin sa pamamagitan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ang kinakailangan para sa gawaing ito, at ito ang kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan. Sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, isang yugto lamang ang direktang natupad sa pamamagitan ng Espiritu, at ang natitirang dalawang yugto ay natupad sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng kautusang ginawa ng Espiritu ay hindi kabilang ang pagpapalit ng tiwaling disposisyon ng tao, at wala rin itong kaugnayan sa kaalaman ng tao sa Diyos. Ang gawain ng katawan ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kaharian, gayunpaman, ay naglalakip sa tiwaling disposisyon ng tao at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos, at ito ay isang mahalaga at maselang bahagi ng gawain ng pagliligtas. Samakatuwid, ang tiwaling sangkatauhan ay mas kinakailangaan ang kaligtasan ng nagkatawang-taong Diyos, at mas nangangailangan ng direktang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Kinakailangan ng sangkatauhan ang nagkatawang-taong Diyos upang magpastol sa kanya, sumuporta sa kanya, painumin siya, magpakain sa kanya, hatulan at kastiguhin siya, at nangangailangan siya ng higit na biyaya at mas higit na pagtubos mula sa nagkatawang-taong Diyos. Tanging ang Diyos sa katawan ang maaaring pagkatiwalaan ng tao, ang pastol ng tao, ang handang sasaklolo ng tao, at lahat ng ito ay ang pangangailangan ng pagkakatawang-tao ngayon at sa mga nakaraang panahon.

Ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat ng mga nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng kaligtasan ng Diyos. Ang pakay ng kaligtasan ng Diyos ay ang tao, hindi si Satanas, at ang maliligtas ay ang katawan ng tao, at ang kaluluwa ng tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos, ang tao ay ang layon ng kaligtasan ng Diyos, at ang katawan ng tao ay ginawang tiwali ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang katawan ng tao. Ang laman ng tao ay pinakamatinding ginawang tiwali, at ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na siyang lantarang sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling laman-tao na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng laman. Pumasok si Satanas sa katawan ng tao upang lumikha ng gulo, at ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas, at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at pumasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, malulutas ng Diyos ang dalawang problema kaagad. Siya ay kumikilos sa katawang-tao, at nagsasalita sa katawang-tao, at isasagawa ang lahat ng trabaho sa katawang-tao upang mas mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at mas mahusay na lupigin ang tao. Sa huling sandaling nagkatawang-tao ang Diyos, ang Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao. Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa uri, tinatapos ang Kanyang buong pamamahala, at tinatapos din lahat ng Kanyang gawain sa katawang-tao. Matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa ay dumating sa katapusan, Siya ay magiging ganap na matagumpay. Sa paggawa sa katawang-tao, ang Diyos ay ganap na malulupig ang sangkatauhan, at ganap na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na ang Kanyang buong pamamahala ay parating na sa katapusan? Kapag winakasan ng Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, bilang lubos na Niyang natalo si Satanas at naging matagumpay, si Satanas ay wala nang pagkakataon upang itiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ang pagtutubos at kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ngayon ito ang gawaing panlulupig at ganap na pagkamit ng sangkatauhan, upang si Satanas ay hindi na magkaroon ng anumang mga paraan upang gawin ang gawain nito, at magiging ganap na matalo, at ang Diyos ay magiging ganap na matagumpay. Ito ang gawa ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng Diyos Mismo. Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay direktang nagawa sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos, gayunpaman, ay ginawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa mga tagapamagitan na yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang unang yugto ng gawain ay direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu dahil, sa ilalim ng kautusan, ang tanging alam ng tao ay sumunod sa kautusan, at hindi magkaroon ng mas maraming katotohanan, at sapagka’t ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay halos hindi nilakipan ng mga pagbabago ng disposisyon ng tao, lalong hindi ito nagpahalaga sa gawain kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ang Espiritu ng Diyos ay ginawang ganap itong sukdulang na simpleng yugto ng gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. Ang bahaging ito ng gawain ay mayroon lamang maliit na kaugnayan sa saligan ng pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng pagliligtas ng tao, at sa gayon ito ay hindi kinailangan ng Diyos na maging katawan upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Ang gawain na ginawa ng Espiritu ay ipinapahiwatig at hindi maarok, at ito ay kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; ang Espiritu ay hindi angkop sa direktang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa direktang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinaka-angkop para sa tao ay ang pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraan na malapit sa tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinaka-angkop para sa tao ay ang Diyos na maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan upang gawin ang Kanyang gawain. Kinakailangan nito na magkatawang-tao ang Diyos upang halinhan ang gawain ng Espiritu, at para sa tao, wala nang mas angkop na paraan para gumawa ang Diyos. Sa tatlong mga yugtong gawaing ito, dalawang yugto ang natupad sa pamamagitan ng katawan, at ang dalawang yugto na ito ay ang susing antas ng gawaing pamamahala. Ang dalawang pagkakatawang-tao ay bahaginang magkatugma at ginagawang perpekto ang isa’t-isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang siyang naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at maaari itong sabihin na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumuo ng isang kabuuan, at hindi di-magkatugma sa isa’t-isa. Ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos na ito ay isinagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan na pagkatawang-tao dahil ang mga ito ay napakahalaga sa buong gawaing pamamahala. Halos masasabi na, kung wala ang gawain ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang buong gawaing pamamahala ay maaaring nahinto, at ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay magiging walang anuman kundi walang saysay na salita. Kung mahalaga o hindi ang gawain na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang pagkatotoo ng kabuktutan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isang tama para sa gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan ng gawain. Kung nauukol sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong paraan ng gawain ang gagamitin—ang gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao, o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng gawain, at ang kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa katawan, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawan ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa gawain na direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang gawain ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng katawang-tao. May isang kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain. Ang mga ito ay hindi walang batayan na mga pag-guniguni, at ni hindi ang mga ito nagkataong isinagawa; mayroong tiyak na karunungan sa mga ito. Gayon ang katulad ng katotohanan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos. Sa partikular, may mas higit pa sa plano ang Diyos sa gayong isang dakilang gawain kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao ay personal na gumagawa sa gitna ng tao. At sa gayon, ang karunungan ng Diyos at ang kabuuan ng pagiging ano Siya ay nasasalamin sa Kanyang bawat kilos, pag-iisip, at ideya sa paggawa; ito ang kung ano ang Diyos na mas kongkreto at sistematiko. Ang hindi kapansin-pansing mga saloobin at mga ideya ay mahirap guni-gunihin para sa tao, at mahirap para sa tao na paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang gawain na ginawa ng tao ay ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na kung saan, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa gawa ng Diyos, may talagang masyadong malaking pagkakaiba; kahit na ang mga ginawa ng Diyos ay dakila at ang gawain ng Diyos ay isang kagila-gilalas na antas, sa likod ng mga ito ay maraming mumunti at eksaktong mga plano at mga pag-sasaayos na hindi mailarawan ng isip ng tao. Bawat yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang ayon sa prinsipyo, ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi maaaring magsalita nang maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ito ang mga bagay na hindi nakikita ng tao. Hindi alintana kung ito ay gawain ng Espiritu o gawain ng Diyos na nagkatawang-tao, ang bawat isa ay naglalaman ng mga plano ng Kanyang gawain. Hindi siya gumagawa nang walang batayan, at hindi gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag ang Espiritu ay gumagawa nang direkta ito ay sa Kanyang mga layunin, at kapag Siya ay nagiging tao (na ang ibig sabihin, nang magbagong-anyo ang Kanyang panlabas na balat) upang gumawa, ito ay higit pa sa Kanyang layunin. Bakit pa Niya malayang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa Siya malayang naging isang katauhan na itinuring na hamak at pinag-uusig?

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng “Puting Ulap” Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Cristo Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos? Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan Kanino Ka Matapat? Tatlong Paalaala Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos Paano Makilala ang Diyos sa Lupa Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos Ang mga Pangako sa Mga Nagawang Perpekto Ang Masama ay Dapat Parusahan Paano Malaman ang Realidad Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan Dumating na ang Milenyong Kaharian Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao? Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Unang bahagi) Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita (Ikalawang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Unang bahagi) Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa “Dumating na ang Milenyong Kaharian” Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos Paano Nakilala ni Pedro si Jesus Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag Ikaw Ba’y Nabuhay? Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao Umiiral ba ang Trinidad? (Unang bahagi) Umiiral ba ang Trinidad? (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Unang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikalawang bahagi) Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol (Ikatlong bahagi) Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya? Walang Nasa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot Ang Gawain ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ay Ang Gawain Din ng Pagliligtas ng Tao Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi) Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang bahagi) Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Ikalawang bahagi) Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi? Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Unang bahagi) Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos at ng Tungkulin ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Unang bahagi) Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Unang bahagi) Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao (Ikalawang bahagi) Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Unang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikalawang bahagi) Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao (Ikatlong bahagi) Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Unang bahagi) Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan (Ikalawang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Unang bahagi) Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikatlong bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao” (Ikaapat na bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Unang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikalawang bahagi) Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi) Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaapat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikaanim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikapitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikawalong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasiyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikasampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabindalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabintatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabinlimang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabimpitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampung Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-siyam na Pagbigkas

00:00
00:00

0(Mga) Resulta ng Paghahanap