Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, Ep. 10: Isang Tampok na Panayam kay Margarita Requena, Isang Kilalang Host ng Radyo sa Espanya
Nag-host na si Margarita Requena ng mga palabas sa ilang malalaking pambansang istasyon ng radyo sa Espanya. Gumugol din siya ng maraming taon sa industriya ng musika, personal na nagplano at nag-organisa ng mahigit 50 malakihang pagtatanghal ng musika. Dahil sa impluwensiya ng kinalakihan niya, matibay na naniwala si Margarita na ang tanging paraan para patunayan ang halaga niya ay ang patuloy na magkamit ng mga tagumpay at makuha ang pagkilala ng mga tao. Dahil dito, palagi siyang nagsusumikap na higitan ang sarili niya, kaya nakakuha siya ng pagkilala mula sa maraming tao sa pamamagitan ng sunod-sunod na tagumpay. Pero kalaunan, isang di-inaasahang pangyayari ang yumanig sa mga paniniwalang pinanghawakan niya sa buong buhay niya, at nagtulak sa kanya na maghanap ng bagong direksyon sa buhay. Sa episode na ito ng Chat Room ng Ebanghelyo ng Kaharian, aalamin natin ang kuwento ng buhay ni Margarita.
00:27 Ang Karera ni Margarita
05:25 Ang "Pangit na Bibe" na Lumalaban Para Patunayan ang Kanyang Halaga
12:27 Ang Kapalit ng Sobrang Pagpilit sa Sarili
18:59 Mula sa Pagkawala ng Lahat Hanggang sa Pagbuo ng Bagong Karera
26:16 Muling Pagsisimula sa Kanyang Bayan at Pagkakamit sa Wakas ng Pagkilala
39:02 Biglaang Pagkawala ng Kanyang Boses: Muling Pagbagsak sa Pinakasadlak na Kalagayan
45:36 Pagkawala ng Kanyang Karera at Pagtama ng Kanser: Gumuho ang Kanyang Mundo
52:55 Mula sa Matinding Kawalan ng Pag-asa Tungo sa Isang Bagong Pag-asa
59:44 Ginigising Siya ng mga Salita ng Diyos Mula sa Kalituhan
01:13:59 Pag-iwan sa mga Maling Paghahangad at Paghahanap sa Tamang Landas sa Buhay
01:20:50 Palagi Niyang Kailangang Patunayan ang Sarili Niya: Ngayon ay Hindi na Siya Nagpapanggap na Matatag
01:30:15 Pag-ahon Mula sa Kalituhan sa Buhay: Pag-awit ng Kanyang Pasasalamat