Ang mga Katunayan ng Mapaniil na Pag-uusig ng CCP sa mga Kristiyano, Ep. 15: Nagiging Unang Linya ng Pag-uusig ang mga Kampus: Mga Estudyante sa Kolehiyo, Pinuwersang Tumigil sa Pag-aaral, Na-brainwash, at Sinentensiyahan ng Pagkakulong Dahil sa Kanilang Pananalig sa Diyos

Mayo 4, 2026

Palagi nang inuusig ng CCP ang paniniwalang panrelihiyon, at hindi man lang nito pinalalampas ang mga estudyanteng may pananalig sa mga kampus sa buong bansa. Matagal na rin itong nagpapakalat ng kontra-relihiyong propaganda sa mga kampus, sinusubukang ilayo ang lahat ng relihiyon. Mahigpit nitong ipinagbabawal sa mga estudyante na manampalataya sa Diyos, lalo na ang mangaral ng ebanghelyo sa kampus. Sa mga kolehiyo at unibersidad, itinataguyod ng CCP na "Ang paniniwala sa siyensiya ay nagsisimula sa akin," "Itaguyod ang siyensiya, at ilayo ang paniniwalang panrelihiyon sa mga kampus," "Sandatahan ang iyong isipan ng siyensiya," "Dalhin ang edukasyong kontra-kulto sa mga kampus para lumikha ng kapaligirang nagtataguyod ng siyensiya," "Pag-aralan ang kasaysayan ng Partido, patibayin ang mga paninindigan ninyo, itakwil ang mga kulto, at sumunod sa Partido," "Itakwil ang mga kulto at pigilan ang panghihimasok sa kampus," at "Ang pagtutol sa mga kulto ay nagsisimula sa mga bata." Madalas mamigay ang CCP ng mga kontra-relihiyong materyales at magdaos ng mga tematikong lektura partikular na sa mga kolehiyo at unibersidad. Inaatasan nito ang mga estudyante na pumirma sa isang pangako na nagsasaad na sila ay walang paniniwalang panrelihiyon at ginagawa ang lahat ng posibleng paraan para puwersahin ang mga estudyante na itatwa at lapastanganin ang Diyos. Pinipilit nito ang lahat ng estudyante na hayagang basahin ang nilalamang nagtatatwa at lumalapastangan sa Diyos sa harap ng camera para tukuyin kung nananampalataya sila sa Diyos o hindi. Ginagamit nito ang mga kasuklam-suklam at buktot na pamamaraang ito para hanapin ang mga taong nananampalataya sa Diyos. Ang mga naninindigan sa pananampalataya sa Diyos ay pinupuwersang tumigil sa pag-aaral o pinatatalsik, at ang ilan ay ipinapasa pa sa mga awtoridad ng pampublikong seguridad. Sa episode na ito, iuulat namin ang totoong pangyayari tungkol sa mga estudyante sa kolehiyo na dumanas ng malupit na pag-uusig ng CCP dahil sa kanilang pananalig sa Diyos.

00:21 Mga Tampok na Bahagi

04:16 Tumanggi ang Estudyante sa Kolehiyo na si Chen Yang na Lapastanganin ang Diyos; Isinailalim sa Sapilitang Pagbi-brainwash, Pagmamanman, at Panliligalig; at Pinilit na Pansamantalang Tumigil sa Pag-aaral

09:55 Siniyasat ng Paaralan ang Estudyante sa Kolehiyo na si Zhang Lin, at Kasama ng Ibang mga Estudyante, Inatasan Siyang Lumagda sa Isang Walang-Relihiyong Pangako

14:36 Tumanggi ang Estudyante sa Kolehiyo na si Li Xiao na Sumagot ng mga Tanong o Itatwa ang Diyos Ayon sa mga Inuutos ng CCP; Sapilitang Inaresto at Isinailalim sa Pagbi-brainwash; at Matinding Pinahirapan, Kapwa sa Pisikal at Mental

24:39 Inaresto at Idinetene ang Estudyante sa Kolehiyo na si Su Wanqing Dahil sa Kanyang Pananalig sa Diyos, at Pinuwersang Tumigil sa Pag-aaral ng Kanyang Paaralan

26:45 Inaresto ang Ilang University at Doctoral Student sa Labas ng Lalawigang Pinanggalingan Nila, Habang ang Iba ay Humarap sa Matagalang Pagkakadetene at Pag-iinteroga nang Tatlong Beses sa Isang Araw

29:44 Inaresto at Idinetene ang Master's Student na si Lin Xiuwen Ilang Taon na ang Nakalipas Dahil sa Kanyang Pananalig, Pinatalsik ng Kanyang Paaralan, at Nasira ang Kinabukasan ng Kanyang Karera

32:53 Pangwakas na Pananalita

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.