Isang Live na Ulat sa Buhay Iglesia, Ep. 22: Mga Patotoong Batay sa Karanasan Mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Abidjan, Côte d'Ivoire: Sa Pamamagitan Lang ng Pagkakamit ng Katotohanan Tayo Makakalaya Mula sa Pagkakagapos ng mga Tiwaling Disposisyon
Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ng mga kapatid mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Abidjan, Côte d'Ivoire ang maraming katotohanan. Malinaw nilang nakita na ang iba't ibang pilosopiya para sa mga makamundong pakikitungo na palagi nilang sinusunod noon ay mga maling kaisipan pala na sumasalungat sa katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang mga ito ang mga pamamaraang ginagamit ni Satanas para iligaw at gawing tiwali ang mga tao. Nang malinaw na makita ang totoong kulay ni Satanas—kung paano nito ginagawang tiwali at pinipinsala ang sangkatauhan, nagsimula silang mamuhi at maghimagsik laban kay Satanas mula sa kanilang puso, at tumuon sa pagsasagawa ng katotohanan at pagwawaksi ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Sa proseso ng pagdanas ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, naunawaan nila ang maraming katotohanan, unti-unting iwinaksi ang pagkakagapos ng kanilang mga satanikong disposisyon, at nakaramdam ng pag-alpas at kalayaan na hindi pa nila naramdaman noon.
00:33 Mga Tampok na Bahagi
01:01 Panimula ng Host
05:06 Sayaw: "Sumayaw sa Paligid ng Trono"
06:28 Panalangin
06:56 Pagbabasa ng mga Salita ng Makapangyarihang Diyos at Pagbabahagi ng Kanilang Pagkaunawa
13:00 Pag-awit ng Himno: "Napakasayang Mamuhay sa Harap ng Diyos"
14:01 Ibinabahagi ni Brother Aimé ang Kanyang Patotoong Batay sa Karanasan: Ano ang Nagtatago sa Likod ng Pananahimik Ko?
43:41 Pag-awit ng Himno: "Hindi Kailanman Magwawakas ang Papuri sa Makapangyarihang Diyos"
44:11 Patotoong Batay sa Karanasan ni Sister Eva: Paano Ko Malinaw na Nakita ang Makasarili Kong Kalikasan
01:11:06 Sayaw: "Sobrang Kagalakan sa Buhay-Iglesia"
01:12:07 Pangwakas na Pananalita ng Host
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.