Christian Song | "Kailangang Hangarin ang Katotohanan Para Patuloy na Mabuhay" (Duweto) | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 15, 2026

I

Ang pinakasimpleng pagsasagawa ng paghahangad sa katotohanan ay na dapat mong tanggapin ang lahat ng bagay mula sa Diyos at magpasakop sa lahat ng bagay. Isang aspekto iyon. Ang isa pang aspekto ay na pagdating sa iyong tungkulin at mga responsabilidad, at, sa mas makroskopikong antas, ang atas na ibinigay sa iyo ng Diyos at ang mahalagang gawaing inilaan sa iyo ng Diyos, dapat palagi kang magbayad ng halaga. Gaano man ito kahirap—kahit magkayod-kalabaw ka, kahit na sumapit sa iyo ang pang-uusig, o kahit na ilagay nito sa panganib ang buhay mo—hindi ka dapat mag-atubili anuman ang kabayaran, kundi dapat mong ialay ang iyong katapatan at magpasakop ka hanggang kamatayan. Isa itong tunay na pagpapamalas, tunay na paggugol, at tunay na pagsasagawa ng paghahangad sa katotohanan. Kung ang mga tao ay mayroong pusong may pananabik, determinasyon, at pananalig tungkol sa paghahangad sa katotohanan—kung may ganito silang kalakasan sa puso nila—kung gayon, walang anumang sumasapit sa kanila ang mahirap. Ang nakakabahala ay may ilang taong talagang walang pananalig.

II

Sa huli, sa yugtong ito ng gawain sa huling kapanahunan, malinaw na sinasabi ng Diyos sa mga tao ang bawat aspekto ng mga katotohanang dapat nilang isagawa. Ang pagpapahangad sa mga tao sa katotohanan sa kasalukuyang panahong ito ng pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi pagpapahirap sa kanila; sa halip, ito ay isang bagay na kaya nilang makamit. Sa isang banda, ang hinihinging ito ng Diyos ay lubos na angkop; sa kabilang banda, may sapat na mga kondisyon at pundasyon ang mga tao para sa paghahangad sa katotohanan. Kung hindi pa rin makamit ng isang tao ang katotohanan sa huli, ito ay dahil masyadong malubha ang kanyang mga problema. Karapat-dapat sa gayong tao ang anumang parusang pagdurusahan niya, anumang kalalabasang makukuha niya, anumang kamatayan ang kakaharapin niya. Hindi siya dapat kaawaan. Para sa Diyos, walang mga termino tulad ng awa o habag para sa mga tao. Hinahatulan Niya ang dapat na kalabasan ng isang tao, at tinutukoy kung ano ang magiging buhay na ito at ang darating na mundo para sa isang tao, batay sa Kanyang disposisyon, gayundin sa mga batas at panuntunang itinatag Niya, sa Kanyang mga hinihingi sa mga tao, at sa kung anong mga pagpapamalas mayroon ang taong iyon. Ganoon lang ito kasimple.

III

Hindi mahalaga sa Diyos kung gaano karaming tao ang patuloy na mabubuhay, o kung gaano karami ang malilipol at mapaparusahan sa huli. Ano ang sinasabi nito sa inyo? Sinasabi nito sa inyo na hindi nagtakda ang Diyos ng bilang ng mga tao at na maaari mong pagsikapang makamit ito. Nagsasalita at gumagawa ang Diyos gaya ng ginagawa Niya ngayon; tinatrato Niya nang patas ang bawat tao at binibigyan Niya ang bawat tao ng sapat na pagkakataon. Binibigyan ka Niya ng sapat na pagkakataon, at sapat na biyaya, at sapat na sukat ng Kanyang mga salita, at ng Kanyang gawain, at ng Kanyang awa at pagpaparaya. Patas Siya sa bawat tao. Kung hahangarin mo ang katotohanan, at tumahak ka na sa landas ng pagsunod sa Diyos, at kung, gaano man kalaki ang pagdurusang tinitiis mo o gaano man karaming paghihirap ang kinakaharap mo, ay kaya mong tanggapin ang katotohanan, at nalinis na ang iyong mga tiwaling disposisyon, kung gayon, maliligtas ka. Kung kaya mong magpatotoo sa Diyos at maging isang nilikha na pasok sa pamantayan, isang pinuno ng lahat ng bagay na pasok sa pamantayan, ikaw ay mananatiling buhay.

mula sa Ang Salita, Vol. VI. Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan. Bakit Dapat Hangarin ng Tao ang Katotohanan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin